Chapter 18: End of our love story?

125 2 0
                                    

malapit na ang pagsulpot ni first boyfriend.. :D read lang po ..

----

Vincent Pov:

tsk. galit nanaman siya. sawang sawa na ako. masama ba ang pagdodota? balance naman time ko sa kanya at sa dota a. ano kayang ikinagagalit nun? maghapon na kami magkasama sa school kaya syempre pag-uwi ko, it's time for my own happiness naman diba? halos araw-araw kaming nagtatalo dahil sa dota na yan. mahal ko pa ba siya? para kasing against my will siya e. pag ako talaga naasar , titigilan ko na lahat lahat ! tsk . ito lang ung last text niya saken at hindi ko na nireplyan.

From: Say

dota nanaman? akala ko ba iiwasan mo na ang pagdodota? napapabayaan mo na pag-aaral mo dahil jan. sana naman kasi makinig ka.

e ano bang pakialam niya sa pag-aaral ko e hindi naman siya ung nagpapaaral sakin. mas-iisip isip muna ako. pinagmamasdan ko yung picture niya sa binigay niyang wallet sakin. pero ano ba itong naiisip ko? hindi ko naman siya kayang iwan e. naaasar lang talaga ako. parang nasasakal na ako sa ginagawa niya. pero paano na yung kasayahan ko kung pagpapatuloy ko pa ito diba? 

isip ..

isip ..

isip ..

isip ...

hmmmmmmmmmmmmmmmm .....

(ting !!) 

nakapagdesisyon na ako .. ititigil ko na muna lahat ito kaso ayoko siyang saktan pero tingin ko kasalanan naman niya kasi hindi niya ako sinagot. hindi niya ba iniisip na habang hindi niya pa ako sinasagot, maaari akong makakita ng iba? basta nakapagdesisyon na ako. ang sabi kasi ni kuya kapag ganun daw ang babae, hiwalayan ko na. kasi mas importante sakin ang kasayahan ko. e bkt ba? e bata pa ako e. 

inhale ...

exhale ....

itetext ko na si Say .. handa na ba akong saktan siya ? ready ??! go ! 

To: Say

hey. I want to say something

nagreply agad siya .....

From: Say

what?

To: Say

tingin ko, kailangan muna natin tigilan to. bata pa nga tayo. I think kailangan ko muna ienjoy ung happiness and enjoyment ko sa buhay ...

hindi na nagreply si Say pagkasabi ko nyan. nasaktan ko ba siya? iba talga siya. siguro kung ibang babae yun, todo tanong kung bakit at malamang maghahabol pero siya, wala man lang reaksyon. bukas ko siguro makikita kung ano yung reaksyon niya.

Say Pov:

hindi ako makahinga. hindi ko lam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. parang nahulog ako mula sa 12th floor na building at nagulungan ng 10 wheeler truck at sa kasamaang palad, nabuhay  pa ako. nasasaktan ba ako? siryoso ba si Vincent sa sinabi niya? ano bang masamang espirito na sumapi sakanya at naisip niyang saktan ako ng ganito.

From: Sweety

tingin ko, kailangan muna natin tigilan to. bata pa nga tayo. I think kailangan ko muna ienjoy ung happiness and enjoyment ko sa buhay ...

hindi ko na nireplyan ang huling text ni Vincent kasi habang binabasa ko yan, unti unting namumuo ang tubig sa mga mata ko na handa nang bumagsak at pumatak ano mang oras. at nang natapos ko na nga basahin ito, tuluyan nang nagpaulan ng luha ang mga mata ko. hindi ko alam kung kaya ko. magiging ok pa ba kami kasi baka misunderstanding lang ung nangyari samin.

*

(school)

naghalf day ako. pinayagan naman ako ni mama na maghalf day kasi sinabi kong masama ang pakiramdam ko. hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaiyak. hindi mawala sa isip ko si Vincent. pagpasok  ko ng classroom at nagpasa ako ng excuse letter, nakita kong nakatingin sakin ang mga classmate ko. pag-upo ko naman sa puwesto ko, tinanong agad ako ni Muff kung bakit ako naghalf day at kung bakit naglulumo ang mga mata ko. nahuli kong nakatitig si Vincent sakin. pero umiwas na ako ng tingin.

"Say. may nangyari bang hindi maganda? just tell me later, ok ?' sabi ni MUff habang ako tumungo nalang at sinusubukang makatulog kahit konti kasi wala pa talga ako masyadong tulog.

(recess time)

"say!!!!! saan kaba galing? bakit bigla bigla ka nawawala? at bakit iba ang kasama ng Vincent mo ngayon?" tawag ni Muff pero teka, sinong kasama ni Vincent? siya ba ang dahilan kung bakit ayaw na ni Vincent sakin?

"sino ang kasama niya?" hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at kung bakit tinanong ko yan. natatakot akong mas lalo pang masaktan.

"tara say! sama ka sakin para makita mo." hinatak ako ni Muff papuntang quadrangle at boooooooooom ! O.O      parang nanghina boong katawan ko sa nakita ko .... nakita ko si Vincent kasama si Darlene at hawak niya ang kamay nito. at kitang kita na masaya siya.  ang sakit. ganun nalang ba kadali na ipagpalit ako? agad agad? akala ko siryoso siya sakin dahil sa mga pinapakita niyang effort pero sabi niya handa siyang maghintay. ano ba ang nangyari.?

"okay ka lang teh?" tanong ni Muff sakin at hindi na ako sumagot at dali dali akong tumakbo ng CR dahil sa nararamdaman ko na ang mga pagpatak ng luha ko. pagdating ko ng CR, naabutan naman ako ni Muff at agad ko siyang niyakap.

"muff. niloko niya lang ako!"

Vincent Pov:

ito lang yung naisip kong paraan para iwasan at tuluyan na akong makalimutan ni Say pero may sakit din akong nararamdaman. hindi ko makayang nakikita siyang nasasaktan. nahihirapan ako kada nakikita kong nahihitapan at nasasaktan siya nang dahil sakin. masyado ba akong madamot? mahal ko siya. sobra ! pero mahal ko din ang sarili ko kaya siguro naman tama na yung ginawa ko. makakamove on din kami pareho. sa susunod na ako babalik sa kanya kung alam at ramdam kong nasa tama na kami pero sana makapaghintay pa siya. laking pagsisisi ko kapag nakahanap siya ng iba. yung hindi makakasakit sa kanya tulad ng nagawa ko.

---------------

please comment and vote :D

First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon