Say POV
1 month from now simula nung nakauwi kami galing ng Tagaytay. at simula din nung araw na yun ay panay na ang kulit sakin ni Vincent. nagkaroon na daw siya ng confidence sa sarili niya. maaagaw niya daw ako. diba ang kulit lang?? tapos lagi nalang niya ko hinahatak kay muff. minsan nga bigla bigla nalang siyang susulpot kapag pauwi na ako e at ihahatid nalang daw niya ako kahit walking distance lang yung bahay nila at bahay namin..
nga pala bakasyon na ngayon at ito na yung chance ko para makasali sa banda nila kuya. usapan kasi namin ni kuya yun e na kapag bago ako magsecond year high school ay sasali ako sa banda nila. nandun din naman si Kent e. pero sa bagay hindi pa naman kami legal ni Kent. wala kasi silang pianista kaya naman gusto ko ring pumasok. nakakabuhay kaya ng banda kapag may natugtog ng piano. tsaka may isa namang babae sa kanila e. si Angelique? (naaalala niyo siya?) si Angelique yung female vocalist ng banda nila. at muka naman siyang mabait at maganda siya sobra. magpapaalam na nga ako kay Kent na sasali ako ng banda. for sure matutuwa yun .... itetex ko na...
To: Kent
hey sasali na ako ng banda niyo. matagal ko nang pangarap yun at sa wakas tinupad na ni kuya kahit pinaglihi sa sama ng loob yun.. i am really really excited na sumama na sa banda niyo.
maya maya ay biglang may tumawag ....
Kent calling ...
Accept | Reject
agad ko namang sinagot yung tawag niya. siguro tuwang tuwa yun nung nalaman niya... pero ----
Say !! anong sasali ka sa banda??!! sigaw niya sa kabilang linya. ganun ba siya kasaya kaya ganyan reaction niya???
Yes Kent !! ang saya no!! masaya ka ba para sa akin??? grabe dati pangarap ko lang to tapos ngayon, abot kamay ko na. makakapagperform na ako sa stage.
No !!! Ayoko !! huwaaaaaaaaaaaaaat !! ano daw sabi niya ???? totoo ba yun?? ayaw niyan sumali ako sa banda?? at bakit naman ?? matagal ko nang pangarap sumali sa banda nila e..
Anong ayaw mo?? at bakit?? ayaw mo ba nun na magiging close na tayo kahit hindi as tayo.. kahit as friends para hindi mahalata ni kuya??
No!! basta ayoko Say! I have my Word ! period !!
bakit ganyan ka kent?? bakit ayaw mo ako suportahan??
no ! hindi naman sa ganun Say. pero kasi ano e --
ano Kent !!?? pangarap ko to at boyfriend kita ! dapat diba sinusuportahan mo ako?? diba ??
Please say ... wag mo naman ako pahirapan o... wag ka na sumali sa banda namin or else .....-- natigilan siya sa sinasabi niya at huminga ng malalim ...
-- or else makikipagbreak ako ...
ha ????!?!?!?! O___________O ano daw ??? bakit parang ang saya ko! dejoke. bakit naman ?? ano bang gusto niya e sa matagal ko nang pangarap yun e...
Kent POV
habang nagpapraktis ako ng gitara may biglang nagtext at pagbasa ko naman ay talagang nabigla ako ....
From: Say <3
hey sasali na ako ng banda niyo. matagal ko nang pangarap yun at sa wakas tinupad na ni kuya kahit pinaglihi sa sama ng loob yun.. i am really really excited na sumama na sa banda niyo.
no !! hindi pwede !! ayoko ... hindi siya pwedeng sumali ng band namin... alam niyo naman siguro kung bakit diba ??? kasali rin kasi sa banda si Angelique e ... simula nung gabing yun... yung gabing alam niyo na... yun gabing may nangyari sa amin ni Angelique, simula kasi nun, lalo siyang nagiging linta. kahit sa praktis ng banda lagi siyang nakayakap. lagi siyang nakahalik. agad ko naman siyang tinawagan. kailangan ko siyang makausap.
Calling Say....
agad naman niya itong sinagot ...
Say !! anong sasali ka sa banda??!! unang bungad ko sa kaniya. alam kong mejo nagulat siya kasi napalakas talaga yung pagkasabi ko nun ..
Yes Kent !! ang saya no!! masaya ka ba para sa akin??? grabe dati pangarap ko lang to tapos ngayon, abot kamay ko na. makakapagperform na ako sa stage. halata ngang tuwang tuwa siya. sino ba naman ako para hadlangan yun diba?? pero sa totoo gusto ko talagang sumali siya sa banda namin kasi at least doon matatrato ko siya bilang girlfriend kahit hindi naman PDA at least maaalagaan ko siya kahit sa tingin ng iba ay magkaibigan lang kami ..
No !!! Ayoko !! shit ! ito na talaga yun e .... dapat ngayon maging selfish muna ako... ayoko siyang masaktan .... hindi ko rin naman kasi mahiwalayan si Angelique dahil binabantaan niya kong kapag may ibang babae daw ako ay sasaktan niya.... she's very rude right?? ganyan siya kapossessive sa akin ... sobrang nakakasakal na nga e ... she'll do anything just to get what she wants. naspoiled siya khit hindi sila ganun kayaman.
Anong ayaw mo?? at bakit?? ayaw mo ba nun na magiging close na tayo kahit hindi as tayo.. kahit as friends para hindi mahalata ni kuya??
No!! basta ayoko Say! I have my Word ! period !!
bakit ganyan ka kent?? bakit ayaw mo ako suportahan?? parang feeling ko galit yung boses niya. Say kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makasama ka sa banda namin kaso hindi talaga pwede e. gusto kitang protektahan kay Angelique pero hindi kita mapoprotektahan sa sakit na pwede kong maidulot sayo pagnalaman mong may relasyon kami...
no ! hindi naman sa ganun Say. pero kasi ano e --
ano Kent !!?? pangarap ko to at boyfriend kita ! dapat diba sinusuportahan mo ako?? diba ??
Please say ... wag mo naman ako pahirapan o... wag ka na sumali sa banda namin or else ... itutuloy ko pa ba yung sasabihin ko ?? pero mahal ko talaga si Say e, Mahal na mahal. at hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko pagnawala siya. sa kaniya lang ako nagkaganito... ayoko siya bitawan..
-- or else makikipagbreak ako ... nasabi ko din .... natatakit ako na baka hindi ako ang piliin niya kasi wala ako sa lugar para diktahan siya. sino nga ba naman ako para hadlangan yung matagal na niyang pangarap diba?? Boyfriend niya lang ako .... ang dapat ko lang gawin ay sumuporta sa kaniya... yun lang !! at hindi ko siya pwedeng diktahan ..
Kent. bakit ka ba nagkakaganyan?? ikaw ba yan?? kent !! hindi ikaw yan! matagal ko na namang sinabi sayong pangarap ko ito diba ?? yes i know. matagal na talaga niyang sinabi sa akin yun bago pa maging kami at bago ko pa siya ligawan. sinabi na din naman sakin ng kuya niya yun e. pero ang sabi ng kuya niya, hindi pa daw pwedeng sumali si Say kasi masyado pa siyang bata. pero ... ito na ba talaga yung tamang panahon na sinasabi ng kuya niya??
Say. ma....mami...mamili k.ka na...lang.. a..ako o.... ako o pangarap mo .... ito na talaga yun!! mamimili na siya... please say .... please choose me ... pleeeease ... mahal na mahal kita e ...
Dont make this hard for both of us please Kent. baka hindi mo alam ang isasagot ko ... nagulat ako sa sinabi niya... biglang nanginig yung mga tuhod ko?? mawawala na ba siya sa akin?? hindi pwede.. once na sumali siya sa banda namin, agad agad niyang malalaman yn.. lalo pa't isa si Say sa mga pinagseselosan ni Angelique ...
Pero Say--
*toot toot toot toot*
wala na . binaba na niya.. ihahanda ko nalang siguro yung sarili ko sa pwedeng mangyari.. basta ang alam ko, ipaglalaban ko si Say. poprotektahan ko siya... wala na akong pakelam kahit na magalit pa sakin si Angelique. sakal na sakal na ako..
----
BINABASA MO ANG
First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)
Novela JuvenilMaybe you can relate your life sa story ko kasi para ito sa mga kabataang maaga nagmahal or yung tinatawag nating PUPPY LOVE . I hope you will like it