Chapter 41: Official

57 2 0
                                    

Say Pov

February 14


Today is the day when all girls are very excited and gorgeous. What's special about this day? Valentines???? No no no no ...

Today is our Junior and Senior Promenade. Gaganapin ito sa isang 5 star hotel sa Alabang . Nasa parlor kami ni Muff ngayon at nagpapaayos. Hindi ito yung parlor na susyal. Kumbaga nasa tabi tabi lang yung parlor kung saan kami nagpapaayos. Simple make up lang kasi gusto namin kaya bakit pa kami magpapamake up sa mahal???

Pagkatapos naming magpaayos, dumiretso kami sa bahay namin. Sabay kasi kami ni Muff pupunta sa hotel. Muff is very pretty with her white lace cocktail dress. Ako naman simple lang ang dress ko. I am wearing detailed lace venus cut cocktail dress. Bakit kami nakadress at hindi gown? Wala lang . Gusto talaga namin simple e. Tsaka mahirap sumayaw ng mahaba ang suot.

5pm nang makarating kami sa Hotel. Grabe pabonggahan talaga ang mga suot nila. Buti pa kami ni Muff simple but stunning. Wala nga kaming mga dates e. By height lang yung escort sa pagpasok . Swerte naman ng partner ni Vincent. Speaking of Vincent, nasan kaya yun???

Lahat kami nakapasok na with our escorts pero hindi ko pa nakikita si Vincent. Umattend kaya yun?. Nang matapos ang program at nagsimula ang sayawan, wala padin akong makitang Vincent. Nagswitch sa slow music ang kaninang lively . Nakakainggit naman yung mga babaeng sinayaw ng mga boys nila. Hays. Siguro nga hindi na umattend si Vincent.

"Can I have this dance beautiful lady???" napangiti ako at napaangat ang ulo pero ..

"Jonathan??" nabigo ako dahil akala ko si Vincent na. Akala ko si Vincent magiging first dance ko pero hindi pala .


"ahh sure." tumayo nalang ako at sumama kay Jonathan papuntang dance floor. Nang makarating na kami sa dancefloor ay pilit siyang sumisingit sa gitna ng mga tao at unti unting naghiwalay ang mga kamay naming dalawa at nawala siya. great ! So great! Naiwan akong nakatanga sa gitna.

"Jonathan?? Nasan ka ??" tawag ko sa kaniya pero hindi padin siya nasagot. Pero biglang namatay ang ilaw at may nakatapat na spotlight sakin. Wala akong makita sa paligid pero bigla nalang may nagsalita



It's been ahhmmm I guess 4years since I had a closure with this gorgeous young lady ....

Alam na alam ko kung kaninong boses yan. Akala ko hindi siya umattend. Hindi ko mapigilang mapasmile..

At first, I told myself that I'll just use her to make my admirers jealous...

Bigla naman akong natawa dun. Yes i know na ginamit niya ko noon sa pagpapaselos sa mga may gusto sa kaniya... Pero ang taas ng confidence niya sa sarili niya para sabihin yung ADMIRERS. So madami talaga? Tssss.



But suddenly, I just realized that I can't lose this lady because I already love her. Because of being selfish and self-centered, I lost her. I waited again for 3 years. I stalked her. I followed her. And now, she's already here wearing her black dress.



Hinahanap ng mata ko si Vincent pero ang dilim talaga.



Once pala talaga na matamaan ang isang Vincent Gabriel Geluz, wala nang pag-asang gumaling. Kasi kada araw na dumadaan patuloy lang ng patuloy ang pagkamatay ko kaya ito ako ngayon patay na patay sa kaniya.


Nag-iinit ang pisngi ko kaya bigla ko ito hinawakan.



Wag ka ngang paobvious na kinikilig ka. Pero sobrang thankful ako dahil sabay tayong naghintay sa tamang pagkakataon. Tamang pagkakataon kung kelan pwede na tayo kaya



Jan Linsay Constantino soon to be Geluz, Will you be my girlfriend?



Tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Pero nasaan ba siya??? Hindi ko siya makita.



"Vincent nasaan ka ba???" tanong ko.


Nandito lang ako kaya sumagot ka muna bago ako magpakita ....


"Vincent... *sob* hi-hindi mo a-alam kung *sob* kung gaano ko katagal inantay to. *sob* nakakainis ka!! Pwede mo naman ako tanungin ng tayong dalawa lang.



Kaya nga madilim para kunwari walang ibang tao ...

May narinig naman akong tawanan...


"Ang dami kayang natawa Vincent. *sob* pero Vincent thank you. *sob* thank you kasi mula noon *sob* mula noon hanggang ngayon *sob* ako padin yung mahal mo."



Sweety sumagot ka na ng Oo o Oo.


"baliw. Anong Oo o Oo. So wala akong choice?"



Sagot na !!!!



Yan na nga po nagsisimula na ngang maging bipolar at masungit si Mr. Geluz. Natawa nalang ako. Hahahahaha. Nakakamiss yung ganyan niya.


"yes Vincent! I want to be your girlfriend. i want to be your wife. I want to be your forever! !! Kaya lumabas ka na bago magbago ang isip ko!!!" sigaw ko sa kaniya at maya maya ay may naramdaman akong yumakap mula sa likod ko. At nang maramdaman ko ang yakap na yun ay lalo akong napaiyak. namiss ko siya. Humarap ako sa kaniya at yumakap ng mahigpit sa kaniya. Oooops walang kiss. Madaming tao e. :)) at last !!! Magiging masaya na kami!



MR. VINCENT GABRIEL GELUZ AND MS. JAN LINSAY CONSTANTINO ARE OFFICIALLY IN RELATIONSHIP.

First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon