Hi guys ... ok lang ba yung flow ng story ?? comment naman po kayo. hindi ko alam kung okay ba yung mga shineshare kong experiences e. tnx and please vote :D
-----
Vince Pov:
2nd day of Intrams na. nagpapahinga na kasi is Say. hindi siya pumasok kaya eto ako balik sa mga tropa kong mga makukulit at wild. pero hindi ako wild ah. mga tropa ko lang yun. sana makapasok si Say bukas para naman makalabang siya sa volleyball pero parang ayoko siya payagan kasi baka hindi pa ako yung left foot niya dahil sa pagkakabagsak niya kahapon.
>flashback<
"Say !!!" sigaw ni Muff. teka. anong gagawin ko. parang nanghina mga tuhod ko nang makita ko si Say na namimilipit sa sakit. tumakbo ako papunta kay Say pero hindi ako nakaabot kasi binuhat na siya ng isang maintenance namin. sumisigaw siya sa sakit ! anong gagawin ko? kinakabahan ako. sana naman hindi malala.
"Vincent ! sundan mo sila Say" sigaw ni muff at agad naman akong tumakbo at sinundan sila Say.
nang nakarating ako sa Clinic, hiniga siya ng maintenance at halatang umiiyak siya. siguro dahil ss sobrang sakit. ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganyan. lumapit na ako kay Say.
"Say. are you ok?" tanong ko
"what do you think?! obvious ba na nasasaktan ako?" ang sarcastic talga niya kahit kelan. nabalian na nga, ang pilosopo pa pero ang tanga ko din naman kasi. magtatanong pa ako e halata nga naman. ang shunga ko naman.
"I am sorry. wala akong nagawa."
"yah. ok lang yun." sagot niya habang namimilipit sa sakit. iniikot kasi ng nurse yung mga paa niya at sobrang namamaga. pero sabi naman ng nurse magiging ok din daw yun agad pero nilagyan padin ng bandage para hindi daw masyadong masaktan yung paa niya. hays. nakakaawa talga siya.
"what do you want? food? drinks?" tanong ko
"just stay here habang wala pa si mama, ok?"
"ok"
>end of flashback<
nung nagtext siya kanina, sabi niya hindi na daw namamaga yung paa niya. kailangan niya lang daw ng rest kahit 1 day. may laban pala kami ngayon. wala akong inspiration kasi wala si Say sa mga audience pero kakayanin ko kasi sisimangot yun kapag natalo kami.
Say Pov:
nakakalove sick naman. hindi ko siya kasama ngayon. dapat kasi pumasok nalang ako e. ayaw lang ni mama. ang KJ . ok na naman ako e. tapos may laban pa kami ngayon kaso hindi ako makakapaglaro. huhuhuhuhuhu :((( pero siguro naman kaya nila Muff yun! madali lang naman next na makakalaban e. hahaha.. yabang ko noh. ay oo nga pala ! may laban din pala sila Vincent. hays. hindi ko siya mapapanood. baka may mga umaligid nanamang mga babae sakanya. nako! subukan lang niya! gusto ko na talaga pumasok !!! I miss Vincent so much ! i mean I miss our Section so much !
Vincent Pov:
half time na ! lamang naman kami. nakakairita naman yung mga babaeng to. bigay ng bigay ng mga tubig ba. lulunurin ba ako ng mga ito? hays. namimiss ko na si Say. sana andito siya :( pero kailangan talga namin manalo e...
start na yung game namin ..
pasa ..
tira ...
shoooooot ....
rebound ...
pasa ....
shooooot !
......
.....
.....
......
panalo kami ! wooh ! I dedicated that game for my one and only .. so gay . shi*t ! ok lang.. wala akong gana kumain kasi hindi si Say kasabay ko. ang arte ko ba? whatever .. pupunta nalang ako sa kanila .well... legal na kaya kami kaya anytime welcome ako sa kanila. hahaha ..
>forward<
uwian na .. kaya eto ako ngayon , naglalakad papunta kila Say. walking distance lang naman mga bahay namin sa school and main road at iskinita lang pagitan ng bahay nila sa amin.
andito na ako kila Say. mukang hindi nagkasprain yung paa ba. nagtatatalon na din kasi.
"hoy Say! umayos ka nga. parang hindi nagkabali yang paa mo a" pinagsabihan ko lang siya. ang kulit niya kasi
"ang OA mo. ok na nga ako diba? halata naman kaya papasok na ako bukas ^_^ " lawak ng smile nito a. bigla nanaman siya tumalon. nako naman
"bakit ba talon ka ng talon?"
"bakit ba? masaya ako e. tsaka trip ko ito. wag mo basagin.ok?"
"umupo ka nalang dito. nasaan ba sila tita?"
"umalis kaya ako lang andito"
"ano tawag mo sakin? so ganun? ikaw lang andito? wala ako?" sarcastic kong tanong at tumawa siya sabay hampas ng malakas sakin. tamo itong babaeng toh, kapag siya nangbabara, tuwang tuwa siya e kapag naman siya pinipilosospo, sobrang pikon
"aaaaray ! ang pikon mo talga" pagkasabi ko nun. piningot niya yung tenga ko.
"pikon pala ah !" sabi niya habang hatak ang isang tenga ko. ang sakit na
"Say ! masakit na ! alisin mo na nga yang kamay mo sa tenga ko." nasigawan ko siya. ang sakit na kasi e
"aw. nagalit. sorry" nagpout siya at lumayo sa kinauupuan ko.
"sorry nasigawan kita. ang sakit kasi e." nilapitan ko siya at kiniliti at
booooooogsh .... (dabog ng pinto)
biglang dumating yung kuya niyang mukang pinaglihi sa mangkukulam. takot ako sa kuya niya. para kasing may sariling mundo pagdating dito sa bahay nila pero sa school naman, ang yabang umasta.
"hoy say! dun kayo sa labas. dadating girlfriend ko" aba ! at ang bossy naman nito . kaya pala mainit dugo ni Say sa kanya. ganyan pala ugali nyan. kaya hindi na ako nagtagal at umuwi nalang ako.
"Say. uwi na ako. I'll just fetch you tomorrow. papasok ka nanaman diba?"
"ay. sige po. just text me kapag nakauwi kana po ah."
"ILOVEYOU" lumapit ako sa kanya at bumulong. kapag nilakasan ko kasi, baka kung ano sabihin ng kuya niya. napasmile siya at parang kinikilig. hindi halatang nagbblush siya kasi hindi siya ganun kaputian.
hinatid na niya ako hanggang kanto sa labas ng bahay nila
"ILOVEYouToo" bulong niya. hindi ko inaasahan sa binulong niya kaya nagsmile nalang ako at nakasmile din siya. hays. ang gulo ng relasyon naman. siguro ganito nga talaga kapag M.U. parang kami pero hindi. parang ang importante, masaya kami sa kung ano kami ngayon.
----
:"> awww me . . wala lang .. daming bumabalik sa mga memories ko :D tnx for reading . vote and comment
BINABASA MO ANG
First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)
Teen FictionMaybe you can relate your life sa story ko kasi para ito sa mga kabataang maaga nagmahal or yung tinatawag nating PUPPY LOVE . I hope you will like it