Walang sali salitang inilabas niya ako ng kotse habang hawak ako sa braso. Pag naririnig ko talaga siyang magsalita, naiisip kong si Mark yung nakahawak sakin. Pero pag nakikita ko yung blonde niyang buhok at pangit niyang ngisi, napapairap lang ako.
"Bakla ka ba? Kanina ka pa irap ng irap eh." Sita niya sakin.
"Eh kung pinakawalan mo na sana ako kanina edi wala ka na sanang problema!" Singhal ko sa kanya.
"Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko yang bibig mo." Tinutukan niya pa ako ng baril kaya natahimik nalang ako.
Hindi naman niya ako kinaladkad talaga papasok ng isang bahay. Nakasunod lang samin yung dalawang tauhan niya.
Hindi din naman humigpit ang hawak niya sakin ,o naging marahas ang paghila niya sakin papasok ng bahay.
When we get in there, napagtanto kong nasa isang malaking bahay na pala kami.
"Ipasok niyo siya sa study room ko. Dun siya maglalagi." He said coldly saka niya ako binitawan. Hinawakan naman ako nung dalawang lalaki na hindi man lang ako tiningnan.
"Teka, Mark-"
"SABING HINDI MARK ANG PANGALAN KO EH!" Galit na galit na naman niyang atungal sakin kaya tiningnan ako ng mga tao niya."Eh anong itatawag ko sayo? Sa kamukha mo yung kaibigan ko." I said murmuring.
"Wala akong pakialam sa kaibigan mo kaya kung puwede umakyat ka na!" He said and unbelievably, umirap ito ng di ata sinasadya.
Diko naman napigilan ang pagtawa kaya tiningnan ako ng mga tauhan niya. As in lahat sila.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHhHaHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" I laughed uncontrollably.
"What is so funny huh?" He almost punched me in disgustment.
"Wala." I tried to stop myself from laughing. Then, i rolled my eyes again mumbling the words,'bading' softly.
Makapagsabi siya ng bakla kanina tapos iirap din pala siya? SINONG BAKLA NGAYON? HAHAHAHAHAHAHAHA
"Iakyat niyo na yan kung ayaw niyo ng problema." Seryoso niyang utos and the guys just nodded and bowed at him.
Sa huling beses ay napairap ako. I mean, diko alam kung anong mangyayari sakin ngayon dito.
Paakyat na sana kami sa hagdan ng nakita ko ang isang batang lalaking pababa ng hagdan habang may hawak na libro at ..
"Daddy!" He shouted as he reached the bottom part of the stairs at sinalubong naman siya ng mahigpit ni Mark or kung sino man siya ng mahigpit na yakap at binuhat pa niya ito. Literal na napahinto ako sa nakita kong senaryo.
This man is already a Dad. And look, he is so adorable while wiping his son's face with a smile on his face.
"I finished reading the whole story in just five minutes, Dad!" The little boy said happily.
"That's amazing, little man." He kissed his son's forehead bago sila naglakad paalis at pumunta ng ibang kuwarto.
Pero bago sila nakapasok ay nilingon ako ng bata, and i saw a younger version of him, with also a dirty blonde sort of hair.
BINABASA MO ANG
Overplay S3: Coartada
Aventura"Its about whatever your reasons are. Its about how you waste him because of your damn reason! Tell me, sino ba talaga si Jaemin sa buhay mo? Niloloko mo ba siya?" If only people will know how hard to do these things alone. If only people would know...