Thirty One.

109 10 10
                                    

"Mas mabuti na sigurong huwag muna kayong lumabas ng unit niyo, Sir." Sabi nung isang babaeng pulis na nagpapatrolya sa may condo.






Ibinalita namin sa mga pulis ang pagkawala nila Chenle, at siyempre hindi na naman ako matahimik dahil dito. Pangatlong araw na simula ng mawala sila, at confirmed nga na hindi sila mahanap ni Jisung, pati ng mga magulang nila. Kalat na sa news yun, especially tungkol kay Jeno dahil anak siya ng isang mayamang alkalde.








Sa takot na din ng school namin, bahagyang sinuspende ang klase at pinagbawalan ang mga estudyanteng lumabas at pumunta kung saan saan. Kung puwede, nasa loob lang ng bahay para sigurado.












Pero hanggang kailan ang ganito? Paano naman kami? Paano iyong mga kaibigan namin kung hindi namin sila mahanap? Paano si Herin?

















Sunod sunod lang na tango ang isinagot ko sa mga ito at pumasok na ng condo.







Pagpasok ko doon ay naabutan kong nagdodrawing si Minhyung. Nakangiti lang siya habang ginagawa iyon, habang si Herin nanunuod sa kanya.





Lumapit ako at tiningala nila ako kaya ngumiti ako.






"Sino yan?" I asked referring to the image of a girl's face na ginuguhit niya.





"Nanay nila Kera." Sagot niya at nagpatuloy na sa pagguhit.



"Galing niya nuh? Kaya pala pati si Mark din, may talent din sa pagdrawing." Namamanghang wika ni Herin.



"Hindi ko pa nakitang nagdrawing yun si Mark." Sabi ko.




"Nahihiya kasi siya. Ako nga, kinalkal ko lang nun sa gamit niya eh. Alam mo na si Mark, minsan mahiyain." She replied.






Minhyung chuckled.







Dumiretso lang ako sa kusina at binuksan ang ref. Naramdaman ko naman ang papalapit na si Herin sakin.






"Okay ka lang?" Nilingon ko siya.



"Oo." Ngumiti siya.



Katahimikan.









"Anong plano, Jaemin?" Bigla niyang tanong.







Nilingon ko ulit siya.
"You mean what?"






"Hindi puwedeng maghintay lang tayo, Jaemin. Alam kong natatakot ka. Natatakot din naman ako. Pero hindi ka ba natatakot sa mga puwedsng sumunod na mangyari? Di natin alam kung buhay pa sila Jeno. Wala tayong alam. Pero hindi puwedeng hanggang dito lang tayo." She explained.







Nakatingin lang ako sa kanya.







"Natatakot lang ako." She continued.










"Kung nandito lang sana si Nana, hindi tayo siguro mamomroblema." I replied.






Katahimikang muli.














Napabuntong hininga ako. "Hayaan mo at gagawa ako ng paraan."





"Paano natin gagawin yun?" Herin asked.







"May ipaplano ako." I said.








Hindi na siya nagsalita pa.











Overplay S3: CoartadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon