Nagising ako bigla habang tulog ako sa couch sa loob ng kuwarto ni Jeno. Ewan ko. Bigla akong nagising. Tiningnan ko ang buong kuwarto at nasa higaan pa naman si Jeno at bukas ang ilaw. Napako ang tingin ko sa wall clock at nakita kong 6:30am na pala. Bumangon ako at pumunta sa pinto at lumingon sa labas saglit. Ganun pa din naman.
Almost empty hallway, may ilang doktor at nurses na naglalakad paalis at pabalik ng mga rooms at sila Minhyung at Mark na nasa mga upuan sa tapat ng kuwarto ni Kera. Si Rei, nandun. Tulog sa tabi ng Daddy Minhyung niya habang nag uusap yung dalawa.
I feel really fine to see them good now. Sana nga lang magising na si Jeno at malaman niya din ito. Im sure matutuwa siya para sa bestfriend niya.
Nilingon ko si Jeno at walang malay pa din ito at tanging iyong mga medical apparatus nalang na nakaturok sa kanya ang parang bumubuhay sa kanya. Ewan ko. Ayaw kong mawalan ng pag asa. Ayaw ko kasi mawala siya sakin.
Lumapit ako sa kanya at naupo ako sa upuan malapit sa kanya.
Tinitigan ko ang mukha niya.
"Jeno." I called him.
Of course, hindi siya sasagot.
Hinawakan ko ang kamay niya at binalot ito ng dalawa kong kamay para maramdaman niya yung init ng mga kamay ko.
Then, i closed my eyes as i kissed it, gently.
"Jeno .." i called again as i opened my eyes. Ipinatong ko sa pisngi ko iyong kamay niya habang patulo na ang luha ko.
"Jeno, gumising ka na." I said, almost crying.
Pilit kong pinipigilan iyong pagtulo ng luha ko pero hindi ko yun kaya kahit na ipikit ko yung mata ko at kagatin ko yung lower lip ko.
"Namimiss na kasi kita." I continued crying.
"Hindi mo ba ako namimiss kahit konti lang? Maawa ka naman sakin." I sobbed, while touching his arm infront of me.
Pinunasan ko iyong luha ko pero patuloy pa din ito sa pagtulo.
"Tama na. Gumising ka na. Mababaliw na ako kapag dika pa gigising." I sniffed.
Pero wala pading nangyayari.
"Jeno." Hinawi ko iyong buhok niyang napunta sa mukha niya.
Saka dumiretso iyong daliri ko ko matangos niyang ilong at bumaba ito sa manipis niyang mga labi.
"Ang guwapo mo talaga. Anong klaseng nilalang ka ba?" I smiled like crazy.
"Jeno." I called again.
"Mahal na mahal kita, alam mo yun." I smiled as i hugged his body a bit tight habang patuloy ang tulo ng luha ko.
Mahal na mahal kita, higit sa alam mo.
Hindi nagtagal ay tumayo ako yumuko ng kaunti upang halikan siya sa noo niya.
After that, dumiretso ulit ako sa couch at pinilit na matulog ulit.
Sakaling pagkagising ko, makita ko na siyang nagsasalita, at ngumingiti sakin.
BINABASA MO ANG
Overplay S3: Coartada
Aventura"Its about whatever your reasons are. Its about how you waste him because of your damn reason! Tell me, sino ba talaga si Jaemin sa buhay mo? Niloloko mo ba siya?" If only people will know how hard to do these things alone. If only people would know...