One month later .....
Tila di pa din nababago ang lahat. Yung lagi akong nagigising para pumasok. Yung uuwi akong mag isa at dadatnan si Jiji na naghihintay sakin lagi.
Iyong bubuksan ko iyong bintana para makita kung mainit ba sa labas o mukhang uulan.
At siyempre, iyong part na wala na talaga siya sa buhay ko.
Isang buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay si Jeno, pero parang kahapon lang ito nangyari. The wound is still fresh and bleeding.
Namamayat na ako, at hindi makapagfocus sa buhay ko. Bumaba din ang grades ko at natanggal ako rank pero tinawanan ko lang yun.
Ewan ko. Akala ko mababaliw na talaga ako. Pero sa tulong nila Mark, di naman nangyari yun.
Masakit lang pag mag isa ko na, lagi ko siyang naiisip. Kaya ayokong mag isa lagi.
Pero anong magagawa ko? Ayoko namang umistorbo sa iba.
Parang bumalik lang ako sa dati. Iyong tahimik kong buhay, iyong pumapasok lang ako para mag aral. Iyong walang Jeno na nakikita.
Ang kaibahan lang, may masakit sa loob ng puso ko na hindi ko alam kung ano ang lunas.
Minsan, nakikita ko nalang ang sarili kong umiiyak tuwing gabi dahil hinahanap ko siya.
Sa aming lahat na magkakaibigan, ako nalang yata ang di nakakamove on ng ganun.
Napabuga ako ng hangin ng biglang bumuhos ang ulan bigla. Kainis, wala akong payong.
Ngayon ba namang nagdadrama pa ako sabay magdadrama din ang mga ulap. Ay jusko ayoko na.
Naupo nalang ako ulit sa loob ng shed habang naghihintay na tumila ito. Kagagaling ko lang kasi ng University. Kakaenroll lang.
Buti sana din kung wala akong dalang mga papel. Eh andami nito eh.
Bigla, nasulyapan ko si Minhyung. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa naman ito.
"Sabi ko kasi sayo magdala ka ng payong. Masyado kang pasaway." He said at pumasok sa shed.
"Maliwanag kaya ang kalangitan kanina." Sabi ko.
"Osiya tara na at malamig dito. Nagdala ako ng payong para sayo." He said sabay abot ng payong niyang isa pa.
Nagpasalamat nalang ako saka na kami lumakad ulit.
Hinatid lang niya ako saglit sa building at umuwi na din siya. Sa bahay nila Mark na sila tumitira, siyangapala.
Tahimik lang akong umakyat hanggang sa narating ko ang 7th floor. Napahikab ako habang naglalakad pero napahinto ako ng may marinig akong mga boses sa loob ng condo.
My eyes widen up, as fear creep up inside me when i heard certain laughs inside the room.
May nakapasok sa loob!
BINABASA MO ANG
Overplay S3: Coartada
Adventure"Its about whatever your reasons are. Its about how you waste him because of your damn reason! Tell me, sino ba talaga si Jaemin sa buhay mo? Niloloko mo ba siya?" If only people will know how hard to do these things alone. If only people would know...