Nineteen.

120 12 8
                                    

Iika ika ako habang nililibot ko sa paligid ang mata ko. Nakarating ako sa hallway ng bahay ni Minhyung at tutop ang bibig ko dahil namamangha ako sa nakikita ko.




Andaming paintings, 3D arts, at colorful optical illusions sa dingding, sa kisame at sa mismong sahig. Ewan ko, feeling ko nasa kabilang parte ako ng mundong diko alam kung nasaan.









Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Feeling ko talaga naglalakad ako sa madamong kalupaan dahil sa sahig ay may nakalarawan nga na animoy madamong lupa at diko maiwasan mapaisip kung totoo ba o hindi ang nakikita.





Nakakalinlang, lalo na ng tiningala ko ang kisame, na parang nakatingala ako sa langit na may asul na kulay at ilang mapuputing ulap na nagtatakip sa araw.





"You looked stunned." May nagsalita bigla mula sa likod ko.




Nilingon ko iyon, at si Minhyung iyon.

Paika ika akong umikot para harapin siya at ngumiti naman ito sabay tingin sa paa ko.






"Laging tanong ng mga bata noon kung ano ang hitsura ng mundo sa labas ng City of Neon. Kaya nagpagawa ako ng bahay at ginuhitan at kinulayan ko ang mga ito, ng ganito. Para kahit paano, makita nila kung gaano kaliwanag ang mundo sa labas ng siyudad." Paliwanag niya.






Woah. So it means, he did this all by himself?








"Ikaw lahat gumawa nito?" I asked him. Tumango lang siya.








"Noong di ko pa nakikilala ang nanay nila Kera, isa akong Arts student. Nung dumating na ang nanay nila, tila naglaho lahat ng pangarap ko tungkol sa pagguhit at ninais nalang na makasama siya." He said.




Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya.








Ganun naman eh. Kapag mahal mo ang isang tao, kayang kaya mong iwan ang lahat, makasama lang siya.










"Nasaan na siya? Kung di mo sana mamasamain." I asked softly.





Linibot niya ang tingin sa dingding, "Lung Cancer killed her."







Nalungkot ako sa puntong iyon para sa kanya at para sa mga anak nila. Masakit iyon, kahit diko pa nararanasan. Masakit iyon kasi halatang mahal na mahal niya yung asawa niya.








"Sorry." Iniyuko ko ang ulo ko.







"Matagal na yun. Maski mga bata, tanggap na yun." He said as he walked towards my direction.









"Siguro mabait siya no?" I asked him.





He chuckled. "Oo. Suplada. At matampuhin. High School crush niya daw ako nun. Napansin ko siya nung fourth year na kami."










Nakangiti lang siya kaya ngumiti lang din ako. "Magkuwento ka pa."







He just looked at me. "Magaling siyang magsulat ng kuwento. Madalas siyang nawawala sa bahay para lang humanap ng inspirasyon para sa pagsusulat niya. Nakakatuwa nga nun eh, nabasa ko diary niya. Puro tungkol sakin laman nun." He chuckled. "Dati ayokong maniwala na crush niya ako, pero ng mabasa ko yun, naniwala din ako."

"She must be really cute." Komento ko.



Tumango siya. "Maniniwala ka bang mataba siya nun nung high school kami? Ang taba taba niya at liit liit niya kaya ayaw daw sa kaniya ng mga lalaki."




Overplay S3: CoartadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon