Tahimik lang ako habang kumakain. Pati din yung apat, tahimik din sila.
Ewan ko pero simula kanina, ayaw kong magsalita. Though im happy because Jeno is fine at maipagpapatuloy na namin bukas ang misyon.
But a bit part of me was focusing on who might Minhyung really be. Mabait naman siya diba? Mamimiss ko yung mga anak niya.
Narinig kong tumikhim si Jeno and so i looked at them. They are basically looking at me too, directly.
"You looked spaced-out." Nana smiled at me.
"Dika ba natutuwang nakuha ka namin?" She continued.
Tiningnan ko lang siya. Naramdaman ko ang pagtigil ni Jeno sa pagkain.
"Its not that. I am thankful that you did it purpose-"
My speech was cut off by him.
"We rescued you because we are worried about you." Jeno said intently. Medyo natakot naman ako dahil sa pagtaas ng boses niya.
Tiningnan lang siya nung tatlo hanggang sa tumayo na siya ng upuan at naglakad paalis.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakalabas na siya ng pinto.
And then, Nana said, "Saming lahat, siya yung pinakaworried nung wala ka. Ni hindi niya iniisip iyong sugat niya kasi nag aalala siya sayo. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganiyan siya ngayon, Jaemin. Pagod na pagod lang siguro si Jeno, Jaemin. At naistress siya dahil hindi namin maramdaman lahat na masaya kang nakabalik na rito."
So is it my fault? Hindi ko naman alam na sobrang bothered na sila sa pagiging tahimik ko. Kung nalaman ko nalang sana agad.
Tumayo ako ng dahan dahan at iika ikang naglakad palabas ng dining area. Dumiretso ako sa kuwarto at natagpuan ko siyang iniaayos iyong mga pana niya sa sisidlan niyang gamit.
"Jeno." I called. He didn't respond back, but he stopped doing his thing.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa tabi niya. Hindi niya man ako nilingon, napansin kong medyo nakapout iyong labi niya ng kaunti.
Halikan ko yan eh.
Sumandal ako sa balikat niya at kumApit sa braso niya.
"Sorry." I mumbled softly.
Nanatili lang siyang tahimik.
"Masaya akong makasama ka ulit at okay ka lang. Pero naiisip ko lang sila Minhyung dahil iyong isa niyang anak, malapit sakin. May sakit yung bata at naaawa ako." I said.
Nananatili siyang tahimik.
"Hindi ako sinaktan ni Minhyung. Lagi nga nila akong pinapakain at binibisita nun. He's no harm. Pero yun nga, gusto lang talaga niya makuha iyong golden chain." I continued.
Katahimikan.
Tiningala ko siya. "Hindi ka ba magsasalita?"
Dahan dahan niya akong nilingon.
"Natatakot lang ako." He was pouting cutely.
BINABASA MO ANG
Overplay S3: Coartada
Aventură"Its about whatever your reasons are. Its about how you waste him because of your damn reason! Tell me, sino ba talaga si Jaemin sa buhay mo? Niloloko mo ba siya?" If only people will know how hard to do these things alone. If only people would know...