Twenty Six.

122 12 6
                                    

Lunes. Maaga palang ay umalis na ako ng condo pagkatapos kong ipasundo si Jiji kay Cassy. Medyo excited akong pumasok dahil nga simula nung bumalik ako, wala pa akong kinokontak sa kanila para surprise.













Pagkapasok ko ng main gate, ayun busy na busy halos lahat.

Meron iyong mga estudyanteng nasa football at basketball field, marahil may mga practicums. Meron din iyong mga estudyanteng nasa may xerox places habang hinihintay iyong mga pinapaxerox nila. Meron din iyong mga kasabayan kong iba na nakaheadset, habang papasok ng University, iyong iba kausap at kasama mga kaibigan nila, at yung iba may hawak na libro at papel na animoy nagrereview on the rush.











Napangiti lang ako habang nagmamasid. Namiss ko lahat ng to.












At sa sobrang pagmamasid ko ay diko namalayang may mababangga na pala ako sa harapan at tumilapon sa sahig iyong libro niya.




"Sorr- Renjun?" My eyes widened up a bit. Mukhang gulat din siya at tumango tango.








"God, you're back!" He exclaimed saka di niya napigilang yumakap sakin. Pati ako napayakap sa kanya kaya pinagtinginan kami ng ilang estudyante.

Napabitaw naman ako agad at pinulot yung libro niya.








"Kailan ka pa bumalik? Akala ko di ka makakahabol ngayon!" He took the book from me.




"Kahapon lang. Pinauwi na ako ni Nana eh." I smiled.




"Nasaan na ba yun? Natapos na ba yung ginawa niyo?" He asked.


"Oo. Pero umalis siya at diko alam kung nasaan siya. But i think, she's in good terms right now." I said smiling.


"Mabuti. Osiya. Sabay nalang tayo maglunch mamayang tanghali sa cafeteria. May susunduin pa ako sa labas eh. Marami kasi siyang dala para sa demo namin mamaya. Bye!" He waved out saka nagsimula na maglakad.




"Teka, hoy! Sino?" Tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.





Lumingon siya at ngumiti. "Sino pa nga ba? Yung sisiw nating kasama!"






I laughed at him saka ako naglakad paalis na din. Si Jisung kasi yung tinutukoy niya. Maliit kasi yung mata nung bubwit na yun tapos mukha daw siyang sisiw.





Tsaka siya na din bine-baby namin kasi siya yung pinakabata saming apat.










Although, siya yung pinakasavage samin lalo na pagdating kay chenle.









Haaaaay. Namiss ko talaga ang lahat.

















Dumiretso ako sa department namin at hinanap ang classroom for the first period.






Nasalubong ko pa iyong isa kong kaklase na tinapunan lang ako ng tingin bago lumabas ng room.








Dumiretso lang ako sa loob at natagpuan ang dating senaryong naaabutan ko dito. Iyong maingay, at magulong sila tuwing wala ang teacher.

















Agad na hinanap ng mata ko sila Mark, Jeno at Haechan ngunit bakante ang mga upuan nila.










Instead, si Chenle ang nakita ko sa tabi ng upuan ko at mistulang tulog sa may desk niya.












Overplay S3: CoartadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon