Ten.

155 12 11
                                    

"So bakit ka nga ulit nandito? Matinong sagot sana." I said while looking at him, climbing in the bed we are going to share now. Oo, yung kuwarto sana namin ni Hansol, siya na daw kasama ko dito. Si Hansol kasi sa couch sa may living room kasi mas sanay siya dun.






Katatapos lang ng kain namin at hangganh ngayon curious pa din ako sa kung paano kami nasundan ni Jeno dito.





Naupo siya sa harap ko. "Nana asked me to stay. Oo plinano naming isurprise ka pero sa totoo lang, di ako naniniwalang masusurprise ka kasi you know. Pero mukha ngang nagulat ka. Kaya heto, nagpakulay pa ako ng buhok bago kayo sinundan dito para kahit paano masurprise ka. And it did." He smiled.



"Paano mo kami sinundan?" I asked.



"Naalala mo yung ibinalik ko kay Ningning yung susi bago kami umalis sa bahay nila Hansol kaninang umaga? May microchip akong inilagay doon at alam nila Nana yun. Ayun, dahil dun natrack ko kayo." He winked.



"Pero .. paano si Emily?" Diko nakontrol ang bibig kong tanungin tungkol dun dahil baka biglang magfreak out yun.







"Come on. Let's not talk about her." He said at hinila niya ako pahiga at ayun, napahiga na kaming dalawa.





"Fine." I almost rolled my eyes.







Silence.







Tumihaya lang ako at nakangiting nakatitig sa kisame sa kung saan ay titig na titig din siya dun.











Silence.











"Nagkausap kami ni Daddy before ako umalis ng Eastern kanina." He said.




Nakakagulat yun. Kasi never daw siyang kinausap nito nun ng maayos. Puro bulyaw daw ang narinig niya dito.






"Ang sabi niya, dapat daw pinipili ko yung mga bagay na makapagpapasaya sakin. Kasi baka magsisi ako sa huli." He continued.








Tama naman talaga yun.

Nilingon ko siya ng nakangiti.








Nakatitig pa din siya sa taas kaya napagmasdan ko iyong perpeksiyon ng mukha niya.







Yung makinis niyang mukha, manipis niyang labi, yung mata niyang singkit at yung ilong niyang napakatangos. Para akong nakatitig sa isang diyos na bumaba mula sa langit.










Hibang ka na, Jaemin.













"Arranged lang pala sila ni Mom." He chuckled. Naalala ko bigla yung confession ni Maam Lucy nun sakin sa hospital, tungkol sa kanya at sa anak niya.








"Ang sabi ni Dad, di daw siya mahal ni Mom nun pero ipinilit niya sarili niya para daw sa pamilya niya. My GrandDad from Daddy's side is an idiot. Gusto niya lagi nasusunod. At sa tingin ko, sumusunod ako sa yapak ng tatay ko." He said sadly.







Sa part palang na yun, alam ko na tinutukoy niya.








"I need to marry Emily, Jaemin." He looked at me, seriously, with pain in his eyes.









And i almost cried.







Ibinalik ko ang titig ko sa kisame trying to control the tears, getting off my eyes.







Overplay S3: CoartadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon