Twenty Seven.

118 12 10
                                    

Di ako mapakali. Buong araw akong nag iisip.











Jeno. Haechan. Asan ba kayo?











Hindi ako makakalma.











"Here's Jiji." Bumukas ang pinto at nakita kong papasok si Jiji at nasa pinto si Cassy.



"Thanks." I smiled at her bago niya isinarado ang pinto.









"Hays." I sat in the bed.






"Arf arf!" Jiji barked at me.






"Nagugutom ka ba?" I pat his head. Pero nagpatuloy lang siya sa pagtahol.








At ayun, tumakbo siya sa pinto sabay tahol doon kahit na sarado iyon.




"Ano problema nito?" Tumayo ako saka lumapit sa pinto.





Bigla ako kinabahan. Baka mamaya may murderer pala sa labas.










Nakita ko iyong isang metal at mahabang hanger sa may closet kaya kinuha ko iyon at lumapit sa pinto.







Si Jiji, tahol lang ng tahol.











Binuksan ko ng bigla iyon sabay hampas nung hanger sa mukha ng taong iyon at ayun, natamaan naman ito.










Natakot ako sa hitsura niya dahil naka all black ito lahat at nakamask, at nakablack cap din ito.










"Get out of this plac-"
"Ganyan ka ba magwelcome ng guwapong bisita?" He looked at me, smirking. At hawak ang mukhang natamaan ng hanger.









Tuluyan kong tinanggal ang cap niya at bumungad ang dirty blonde niya.






"Gago ka, Minhyung! Bakit ka nandito?!" Hinila ko siya papasok ng condo habang si Jiji, tahol mg tahol.





"Patahimikin mo nga muna yang aso mo." Naiirita niyang sabi.





Dinala ko muna si Jiji sa kusina at ikinuhanan ko siya ng pagkain niya at pinakain muna siya. Tapos binalikan ko si Minhyung sa loob.




Naabutan ko siyang tinitingnan iyong sugat niya sa mukha na nagawa ng hanger ko.







"Sa susunod, wag yung hanger hinahampas mo sakin ha?" Wika niya kahit di nakatingin sakin.







"Gago ka ba? Eh sa mag isa ako dito paano kung killer yung nasa labas kanina diba? Di ka nag iisip." Napairap ako.





"Ikaw kasi eh." He smiled.





"Anong ako?" Usisa ko.









"Ikaw nasa isip ko." He winked.









Sa sobrang inis ko, ibinato ko sa kanya yung hanger kaya muntikan siyang natamaan. Buti nakaiwas ang gago.








Naiinis ako kasi kanina pa ako problemado tungkol kina Haechan tapos may darating na asungot na gaya niya.







OO NAMISS KO SIYA PERO KUNG PUWEDE WAG MUNA SIYA DUMAGDAG! NANGGIGIGIL AKO ALAM NIYA BA YUN?!















Overplay S3: CoartadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon