Naubos na yata ang luha ko sa kakaiyak ko pero di pa din ako nakakaisip ng paraan.
Gising na si Koeun. Samantalang siya, wala na yatang pag asa.
"Kain ka na muna hijo. Ako muna magbabantay kay Jeno." Sabi ni Maam Lucy habang nakatitig ako sa namumutlang mukha ni Jeno habang nakaratay pa din siya sa hospital bed niya.
At ako malamang ay hinang hina na din.
"Wala po akong gana." Tanggi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Kahapon ka pa di kumakain. Nag aaalala na ang lahat sayo." She sat beside me.
"Nag aaalala ako kay Jeno." I said.
Bumuntong hininga ulit ito.
"Pati din ako nawawalan na ng pag asa. Masakit, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Im losing my son already." She cried silently.
Pati tuloy ako, lumuha ng muli habang titig na titig sa mukha niyang namumuti na.
Isang oras akong nagdasal kagabi sa little chapel nila dito para lang isalba siya. Ubos na ubos na ang luha ko at boses pero bakit ganito? Hindi pa ba sapat na nasaktan ako ng ilang beses?
Bakit kailangang mawala siya?
Naaalala ko ulit ang sinabi ng doctor niya kagabi. Sabi niya, "Pag lumipas ang pang apat na araw na di natin mahahanap ang biological parents niya para mahingan ng dugo, magiging huli na ang lahat sa kanya. We are going to consider the patient dead by that time."
Iyong puso ko, basag na. Nung narinig ko ang katotohanang iyan, unti unti itong dinurog ng pinong pino.
Bakit hindi nalang ako ang mawala at hindi siya?
Bakit di nalang ako yung sinasaktan noon at di siya?
Naramdaman ko ang paghawak ni Maam Lucy sa kamay ko sa nasa lap ko.
"Hijo, napanaginipan ko si Jeno kagabi. Ewan ko kung matatakot ako o ano, pero nAkita ko siya nun. Nakangiti siya at sumama siya sa isang babaeng diko kilala. Hindi ko alam kung yun ba yung nanay niya pero ayun nga, sumama siya dun." She said.
Tahimik lang ako.
Is that the sign?
That he is already giving up and he is leaving me behind.
"But i heard him said." She continued as she smiled at me.
"Na babalik siya at di niya ako iiwan." She said.
Ngumiti lang ako. Hindi ko tuloy alam ang puwedeng ipahiwatig nun samin.
•••
"Mark .." i called him at unti unting bumukas ang mga mata niya."OMG MARK!" Herin exclaimed.
BINABASA MO ANG
Overplay S3: Coartada
Aventura"Its about whatever your reasons are. Its about how you waste him because of your damn reason! Tell me, sino ba talaga si Jaemin sa buhay mo? Niloloko mo ba siya?" If only people will know how hard to do these things alone. If only people would know...