"Tortia Atayde, ikaw ay lilitaw sa lupa upang masundan ang dalawang demonyo na kailangang magtagpo.
Kapag napagtagpo mo ang dalawa, mawawasak ang mundo at maaari na nating buuin ang ating mundo... Ang mundo ng mga demonyo.
Ikaw ay may panghabang-buhay na taglay. Maaari ka lamang mabura kapag hindi mo nagawa ang iyong misyon: ang pagtagpuin ang dalawang demonyo."
Napabangon ako sa aking kinahihigaan habang hinahabol ang sariling hininga. Hawak-hawak ko ang aking dibdib at ang aking mga pawis ay walang sawang tumutulo.
Napatingin ako sa bintana nang gumalaw ang kurtina roon dahil sa galit na hangin nang biglang bumugso ang malakas na ulan. Ang kulog at kidlat ay galit na galit.
Mabilis akong bumaba sa aking kama. Nanghihina ang aking mga tuhod at nanlalamig ang aking katawan.
Nilapitan ko ang bintana at isasara ko na sana ito nang may mapansin ako sa labas.
Pinanliitan ko ito ng mata at mayamaya lamang ay nanlaki ito nang mabigla ako sa aking nakita.
Sa gitna ng ulan ay may lalaking nakadapa sa kalsada habang wala itong saplot. At may bakas ng dalawang itim na guhit sa kanyang likod.
Napangisi ako nang may mapagtanto. Sa wakas, sa ilang taong paglipas, nabuhay na ang isa sa kanilang dalawa.
"Ang unang demonyo..."
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantasyDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...