Chapter 16

137 8 0
                                    

Napalingon ako sa aking kaliwa nang may marinig akong halakhak. Isang halakhak na magpapatindig mismo ng iyong balahibo. Tumalbog ang puso ko sa kaba nang may maaninag akong malaking bulto ng isang tao… tao nga ba ito o demonyo?

Mainit sa buong paligid at napalilibutan ito ng mga apoy. Tila ako’y nasa impyerno at ang kaharap ko ay si Satanas...

Hindi ko maaninag nang mabuti ang kanyang itsura pero kitang-kita ko ang tila bakal niyang sungay dahil sa katibayan. Ang kanyang pulang-pulang balat ay nakaaagaw pansin. Malaki ang kanyang katawan at tanging pantapis lang sa ibabang parte ang kanyang kasuotan.

“Hindi ikaw ang aking kailangan! Sinungaling siya! Niloloko talaga ako ng demonyong ‘yon! Hindi ikaw ang aking inaasahan dahil noon pa lamang… isang malaking kasalanan na ang iyong pagkabuhay! Muli kitang papatayin!” Galit na galit niyang sigaw at mas lalong nag-alab ang mga apoy sa paligid.

Napatingin ako sa aking mga gilid at halos manlambot ako sa takot nang makita ko ang mga demonyong marahas ang pagsugod sa akin. Nanlilisik ang kanilang mga mata!

“Lumayo kayo sa akin! H’wag n’yo akong lalapitan!”

“Isa kang hangal! Ang nararapat sa iyo ay ang kamatayan!”

Bumangon ako sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang aking dibdib na taas-baba. Nadapo ang tingin ko sa aking gilid nang mapansin ko ang paglitaw ng itim na usok.

Napabalikwas ako at mas lalong kinabahan sa nasaksihan. Tinignan ko ang buong kwarto dahil sa takot na baka may demonyong sumugod sa akin at bigla na lang akong patayin.

Nanghina ang aking tuhod kaya dali-dali kong hinagilap ang upuang plastik at umupo ako roon. Mariin akong napapikit nang maalala ko ang aking panaginip.

Hindi ako ang kailangan niya? Sinungaling? Niloloko siya? Ano ang ibig niyang sabihin? Sino ang tinutukoy niya? Muli niya akong papatayin? Pero bakit? Pinatay niya ba ako noon?

Marahas akong sumigaw nang kumirot ang aking ulo dahil sa bumabagabag sa aking isipan. Malaki ang epekto nito sa akin. Lalo na ngayong nagtataka ako kung paano ako napunta rito. Sa pagkakaalam ko ay nakatanaw lang ako sa nasusunog na mga bahay, may mga demonyo sa paligid at naramdaman ko rin ang pagyakap sa akin ni Mensahero.

Malakas na bumukas ang pinto ng silid at bumulaga sa akin si Jaric na alalang-alala ang itsura habang nakatanaw sa ‘kin.

Nang makita niya akong nanghihina ay agaran niya akong nilapitan. Kitang-kita ko sa kanyang mata ang lubos na pag-aalala.

“T-Torts, anong n-nangyari?” Nag-aalala niyang tanong habang hinihingal pa. Siguro ay tumakbo siya upang makapunta rito sa akin dahil sa pag-aalala.

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay may malaking bagay na nakabara sa aking lalamunan, dahilan para mahirapan akong maglabas ng salita.

Mas lalong lumambot ang kanyang tingin sa akin at marahan akong hinagod sa aking likod.

“Torts, dalawang araw kang walang malay. Maayos na ba ang pakiramdam mo?”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Dalawang araw akong walang malay at ngayon lang ako nagising?

“Torts, maayos na ba ang pakiramdam mo?” Muli niyang pagtatanong.

Pinagtagis ko ang aking bagang nang makaramdam ako ng pagsakit ng aking tiyan. Pumikit ako at nang dumilat, nagmakaawa ako sa kanya.

“Nagugutom ako…”

***

Nginuya ko ang aking pagkain habang nanonood sa telebisyon. Napatingin naman ako sa aking gilid nang makarinig ako ng pagtawa pero marahan lamang ‘yon.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon