Napagpasyahan na naming dalawa na umuwi dahil gabi na rin. Kailangan na naming magpahinga at saka kailangan ko ring makapag-isip-isip tungkol sa kapares ni Jaric.
Kailangan ko ng asikasuhin ‘yon. Kailangan ko ng maghanda para roon dahil kung hindi pa ako maghahanda, baka magsisi lang ako sa bandang huli.
Wala namang binibigay sa aking deadline kaya ayos lang kung hindi ko kaagad asikasuhin pero alam kong atat na si Satanas na gibain ang mundo ng mga tao.
Naghahanda na kaya silang lahat? Ang mga demonyo ba’y nakahanda na sa pagguho ng mundo namin? Handa na ba silang sumugod?
Kasi ako ay hindi pa.
Ano nga ba ang itsura ng impyerno? Ano rin ba ang itsura ni Satanas? Noon pa man ay hindi ko pa nakikita ang kanyang itsura pero sa litrato namang nahahanap ko kay Mareng Google, nakikita ko pero hindi naman ako sigurado kung ganoon nga talaga ang pagmumukha niya.
Kahit binigyan niya ako ng pagkahirap-hirap na misyon, ni isang beses ay hindi niya ako dinalaw. Sa bagay, marami siguro siyang ginagawa sa impyerno.
Hanggang ngayon sa daan ay tahimik lang ang paglalakad namin ni Mensahero. Kanina pa kami naglalakad at kanina ko pa rin napapansin ang sunud-sunod niyang pagtingin sa akin. Naiilang ako dahil doon kaya hindi ko siya ginagantihan ng sulyap.
“Napagod ka ba?” Medyo nahinto ako sa paglalakad sa biglaang tanong niya.
“Hindi naman,” tugon ko saka nagpatuloy sa paglalakad.
Kahit anong pag-iwas ko sa pag-iisip sa tinanong niya sa ‘kin kanina, patuloy pa rin ang pagbagabag nito sa akin.
“Wala ka ba talagang maalala?”
Napapikit ako dahil sa biglaang tambol na naman ng puso ko. Hindi ko alam pero tuwing naaalala ko ang mga salitang ‘yon, kakaiba na ang tibok ng puso ko. Parang… may kakaiba roon kaya hindi ako mapakali nang ganito.
Nagtataka rin ako kung bakit niya naitanong sa akin iyon.
Ano ba ang dapat kong maalala? May dapat ba talaga akong maalala? Nagaka-amnesia ba ako? Nabagok ba ang ulo ko? Pero sa pagkakatanda ko ay wala namang nangyayari sa aking ganoon.
“Pasensya na pala kung iniwan kita kanina at napaghintay ng ilang oras,” sabi niya na nagpahinto ulit sa ‘kin. Lagi na lang ba akong mahihinto sa tuwing magsasalita siya? Umayos ka, Tortia, ha.
Pero… hindi ako makapaniwala sa paghingi niya ng tawad. Sinabi niyang pasensya dahil napaghintay niya ako ng ilang oras. ‘Di ba, ang demonyo’y hindi alam ang salitang pasensya o patawad? Paanong nagawa niya iyon? Hindi ba’t masama siya kaya ayos lang dapat sa kanya ang paghintayin ako?
“Uh, wala ‘yon. A-Ayos lang.”
Huminga ako nang malalim bago siya iwanan at buksan ang pinto ng aking bahay para makapasok na.
Kaagad bumungad sa king harapan si Jaric na tila balisa. Nang makita niya naman ako ay tila naliwanagan siya.
“Torts, naman! Alas dose na pero ngayon ka lang!” Galit niyang bungad sa ‘kin.
Natigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagsigaw niya. Galit na galit siya sa ‘kin kaya napaawang na lang ako.
Matalim niya akong tinignan at dumapo rin ang tingin na iyon kay Mensahero.
“M-Mula umaga’y magkasama na kayo? Hanggang… ngayon?” Tanong niya kay Mensahero.
Dumaan si Mensahero sa gilid ko at tumigil naman siya nang katapat niya na ako. Tumingin siya sa ‘kin at ngumisi. Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantasíaDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...