Chapter 13

166 10 0
                                        

Ilang oras na akong nakatitig sa kisame. Ayokong lumabas ng kwarto kahit tanghali na. Ayoko siyang makita. Natatakot ako sa mga lumalabas sa bibig niya.

Nakilala ko na ang kapares ni Jaric? Magigiba na ang mundo ng mga tao?

Kung nakilala ko na nga, sino siya? Bakit hindi ko dama ang pagkademonyo niya?

Si Serria ba? Maaaring siya pero maaari ring hindi siya.

Sino pa ba ang mga nakilala ko na? Sino pa ba ang mga nakakasalamuha ko?

Pumikit ako nang marahan nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

“Torts, tanghali na. Uso ang bumangon sa kama!”

Hindi ko minulat ang mata ko. Hinayaan ko lang siyang mapagod sa kakakatok at kakasigaw.

Dahan-dahan akong dumilat at kaagad akong napabalikwas nang makita ko si Mensahero sa harap ko.

“Kagulat ka, Mensahero!”

Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang gulat ang tingin sa kanya.

Nakalutang siya sa ere at kaharap ako. Bale nasa kisame siya kanina at ngayon ay dahan-dahang bumababa.

Seryoso ang tingin niya sa akin. Nang nasa itaas pa siya ay nakatitig na siya sa akin at hanggang ngayon ay ganuon pa rin.

“Bakit nagmumukmok ka riyan?”

Hindi ko siya sinagot agad. Umayos ako ng upo bago napagpasyahang mahiga ulit. Hinila ko ang kumot at ibinalot ko ito sa akin.

“Hindi naman,” tugon ko.

Tumagilid ako sa pagkakahiga. Kaharap ko ngayon ang pinto.

“Halika, sumama ka na sa aking lumabas.”

Narinig ko ang mabibigat niyang yabag papunta sa pinto pero hindi pa rin ako bumangon. Nanatili pa rin akong nakahiga.

“Sasama ka ba sa ‘kin sa labas o dadaanin pa kita sa dahas?”

Nanlaki ang mata ko sa banta niya. Mabilis akong bumangon at gulat siyang tinignan.

“Nakakatakot talaga ‘yung mga lumalabas diyan sa bibig mo!” Singhal ko sa kanya nang makaupo ako sa gilid ng kama.

Napangisi siya. “Nakakatakot talaga ako kaya halika na.”

Hindi pa ako nakakasagot sa kanya nang hilahin na niya kaagad ang kaliwa kong braso palabas ng kwarto. Ang sakit ng pagkakaladkad niya sa ‘kin!

Dinala niya ako sa sala at pahagis akong inupo sa isang upuan na kaharap ang lamesa. Umalis siya sa aking tabi at sa kanyang pagbalik, may dala na siyang plato, kubyertos, baso, pagkain, at inumin.

Nilagay niya ang lahat ng iyon sa aking harapan. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.

“Kumain ka at may pupuntahan tayong dalawa,” aniya.

Kahit hindi pa ako nakakaahon sa pagkakabigla ay wala sa sariling napakunot ang aking noo.

“Tayong dalawa? Si Jaric?”

Umupo siya sa harap ko at nangalumbaba.

“Nagtatampo sa ‘tin,” tugon niya sabay kibit-balikat.

Lalong nangunot ang noo ko nang dumaan sa likod ko si Jaric. Hindi siya nagsasalita at halatang-halata sa paglalakad ang pagdadabog.

“Nakakainis talaga ‘yung mga bigla na lang nang-iiwan, ‘no?” Malakas nitong sabi.

Tinignan ko si Mensahero at nakangisi ito sa akin. Taka ko siyang tinignan at nagkibit-balikat lang ulit siya bago humilig sa sandalan ng kanyang inuupuan.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon