Chapter 28

127 7 0
                                    

Dahan-dahan akong umupo sa aking pagkakahiga sa kama. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo, dulot siguro ito ng puyat ko. Hindi ako makatulog kagabi nang maayos. Lahat ng nakita kong alaala ay magdamag akong ginambala. Ang sakit-sakit lang kasi.

Ganito na pala kalalim ang pagmamahal ko kay Mensahero. Delikado na ito dahil sa simpleng alaalang nakita ko ay nasasaktan na ako, paano pa kaya kapag mismo kong masaksihan ang pagmamahalan nilang dalawa? Babalikan ni Mensahero ang babae, ipinangako niya ‘yon. Kailangan ko na bang distansyahan si Mensahero dahil sigurado naman akong masasaktan lang ako lalo kapag nanatili akong malapit sa kanya?

Itinungtong ko ang baba ko sa pagitan ng dalawa kong tuhod. Kailan ako iiwan dito ni Mensahero? Kailan niya ako hahayaang mag-isa rito para puntahan na niya ‘yung babaeng mahal niya? Saka bakit niya sinabing gusto niya ako, gayong may mahal pala siyang iba? Niloloko niya ba ako? Kaya lang ba niya ‘yon sinabi ay dahil ako si Taga-gabay? Ang nakatakdang gagabay sa dalawang itinakda?

Ang akala ko noong una ay sina Taga-bantay at Mensahero ang magkaibigan sa impyerno pero mukhang si Ala ang mas malapit kay Mensahero. Kahit papaano ay natuwa ako sa ginawa ni Ala'ng pagtulong kay Mensahero. Hindi niya inisip na maaari siyang mapahamak sa ginawa niyang pagtulong.

Kung sino man ‘yung demonyong babae na mahal na mahal ni Mensahero, ang swerte-swerte niya. Mayroon siyang isang katulad ni Mensahero na handang isakripisyo ang lahat, para lang muli siyang makita. Nakakainggit naman.

Bumuntong-hininga ako at muling humiga sa aking kama. Damang-dama ko pa rin ang pagod na naidulot ng kahapon.

Nang titigan ko ang kisame ay naalala ko bigla ang itsura ng impyerno. Ang daming boses na humihingi ng tulong. Ang tataas ng mga apoy. Ang daming demonyo.

Kailan ko kaya makikilala ang sarili ko? Handa na akong gawin ang lahat para lang makilala ang sarili ko dahil mukhang sobra-sobra na ang galit sa ‘kin ng mga demonyo. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman ang mga dahilan nila. Pero kanino ko malalaman? Paano ko malalaman? Sino ang magsasabi sa ‘kin?

Nakarinig ako ng katok sa aking pinto kaya napabuntong-hininga ako. Dahan-dahan akong tumayo at kahit mukha akong binugbog ay lumabas pa rin ako.

“Salamat naman at lumabas ka na!” Tila nabunutang tinik na sabi ni Serria.

“Hapon na, Torts,” paalala ni Jaric na nginitian ko lang. Wala ako sa kundisyon. Bagsak ang balikat ko ngayon.

Papunta na sana ako sa kusina nang makita ko roon si Mensahero. Nagkatinginan kaming dalawa at mabilis naman akong umiwas at nagtungo akong sala, sa tabi ni Serria. Mas lalo akong nasasaktan kapag lumalapit ako sa kanya. Mahirap tanggapin na may mahal siyang iba. Na may mahal na mahal siya at hindi ako ang babaeng ‘yon.

“‘Uy, Tortia, ayos ka lang?” Mahinang tanong sa akin ni Serria. Nang makita ni Jaric na tila mukhang nag-aalala si Serria ay nakisali na siya sa usapan.

Tumingin ako kay Serria na may lungkot sa mukha kaya mas lalo siyang nag-alala.

“‘Uy, Torts, anong mayro’n? Bakit mukhang paiyak ka na?” Mag-aalalang tanong ni Jaric.

“Ayos ka lang ba?” Muling tanong ni Serria.

“Paano kung sabihin kong hindi? Paano kung sabihin kong hindi ako ayos, na may problema ako?” Nanghihina kong tugon.

Mahigpit akong hinawakan ni Serria at hinigit niya ako patayo.

“Uhm, paalam muna! May pupuntahan lang kami ni Tortia.” Sabay hila niya sa akin kahit pumapalag na si Jaric dahil delikado na sa labas. Baka kasi may mga demonyo roon.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon