Chapter 17

127 6 0
                                    

Simula nang makakita ako ng demonyo, nagpatuluy-tuloy na ‘yon. Araw-araw, bawat lingon ko sa paligid, hindi mawawala ang mga demonyo. Demonyo ng anino sa umaga at demonyo ng panaginip sa gabi. Hindi ko na rin maiwasang mangamba dahil may iilang matatalim ang tingin sa ‘kin, parang sinusubaybayan nila ang bawat galaw ko.

At gaya nga ng sinabi sa ‘kin ni Mensahero, dalawang araw na ang nakalilipas, hindi na rin ako lumabas ng bahay. Gusto kong lumabas upang tumulong sa paghahanap kay Serria pero gusto ko rin siyang sundin. Gustung-gusto.

Umupo ako sa pagkakahiga at humilig ako sa sandalan ng kama. Kinuha ko ang itim na sobre sa aking gilid at kinuha ko sa loob no’n ang pulang papel.

‘Wag na ‘wag kang lalabas. Malalagot ka sa ‘kin ‘pag sinubukan mong suwayin ang utos ko.

Napabuntong hininga ako at nilapag na ang sobre sa kama. Pumikit ako at nanatili ako ng ganoon.

Bakit delikado na ako sa labas? May nagawa ba akong kasalanan? Mayro’n ng naghahanap sa ‘kin? Pero bakit? Wala naman akong nilalabag sa batas ng lungsod kaya imposibleng sugpuin ako ng mga White Guards. At mas lalo ng wala akong nagawang kasalanan sa mga demonyo para sugurin nila.

Napabuntong hininga ako at hindi ko na alam pa ang gagawin ko rito sa bahay. Tatlong araw na akong nababagot dito. Puro na lang ako tulog, nood sa telebisyon, magluto’t kumain, makipagdaldalan kay Jaric, lahat-lahat ay nagawa ko na. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam ang makulong dito sa bahay. Alam ko na ang pakiramdam nang mapagbawalang lumabas.

Umalis ako sa kama at pumunta ako sa teresa ng aking kwarto. Pagkabukas ko pa lang ng pintong babasagin ay sumalubong na kaagad sa ‘kin ang hanging panghapon. Maaliwalas iyon at masarap sa pakiramdam.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa barandilya habang nililibot ng tingin ang buong kapaligiran. Ang sarap talaga sa mata ng mga puno’t halaman, lalo na ng mga bulaklak na naggagandahan. Ang sarap panoorin ng bawat pagsayaw nila sa bawat pag-ihip ng hangin.

Humilig ako sa barandilya at tiningala ang maaliwalas na kalangitan. Malinis ang langit, walang bakas ng kung anong dumi. Hindi kagaya sa ibaba, isang sulyap mo pa lang, alam mo na kaagad ang karumihan nila. Bakit ba sa ibaba pa ang tadhana ko? Bakit sa kanila pa ako nagkaroon ng misyon? Pwede namang sa itaas, ah? Baka mas umayos pa ang buhay ko kapag ang misyon ko ay nanggaling sa itaas.

Nangalumbaba ako at tinitigan ko ang isang itim na aso na siguro ay dalamapu’t isang metro ang layo sa akin. Mapayapa siyang naglalakad sa kagubatang ito. Mababagal ang bawat hakbang dahil sinusulit ang payapang tinig ng paligid. Napangiti ako nang umikot ang aso at humiga ito sa mga tuyong dahon.

Pero nagiba ang ngiti sa labi ko nang may mapansin akong itim na uwak sa punong katabi lang ng kinahihigaan ng aso. Nakatingin ang uwak sa aso at halos mapatalon ako sa gulat nang kaagad sinunggaban ng uwak ang aso.

“Hoy, layuan mo ‘yan!” Malakas kong sigaw sa uwak pero huli na ang lahat. Napatakip na lamang ako sa aking bibig dahil sa nakitang karumal-dumal na ginawa ng uwak sa asong nagpapahinga lamang.

Nanghina lalo ang tuhod ko nang biglang mag-anyong tao ang uwak. Nakatayo ito habang nakaharap sa akin. Isa siyang lalaki at may mahabang balabal na suot. Hindi pamilyar sa akin ang tindig ng kanyang pangangatawan. Pero ayon pa lamang sa bigat ng kanyang presensiya, alam na alam kong mas delikado siya kaysa kay Mensahero. Mas matindi’t mas marahas siya kaysa rito.

Unti-unti akong napaatras nang maaninag ko ang nag-aalab niyang mga mata, pati ang kanyang mga kamay. Bumilis ang pag-atras ko nang lumipad ito papunta sa akin.

Pasugod na siya sa akin!

Bumunggo sa aking likod ang babasaging pinto at dahil doon ay hindi ako nakaligtas sa marahas na pagsugod sa akin ng demonyo. Mabilis ang kanyang pagsugod sa akin at nang kalahating metro na lang ang layo niya ay bigla akong tumumba at tumambad sa akin ang pinto ng bahay.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon