Mabilis akong napabangon at napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang hilong natamo.
Napatingin ako sa katabi kong si Jaric na nakatitig sa akin kaya bigla akong napalayo sa kanya nang makaramdam ako ng matinding takot. Kita ko ang lungkot sa kanyang mata dahil sa paglayong ginawa ko.
May hawak siyang bimbo sa kamay at sa lamesita ay may plangganang may tubig. Mayroon pang mga gamot doon para sa sugat.
Siguro ay ginagamot niya ang aking mga sugat.
“Torts, halika rito. Hindi ka pa tuluyang nagagamot,” mahina niyang sinabi at hinimas niya ang espasyo sa kama sa kanyang tabi.
Napalunok ako at napa-iwas ng tingin. Hindi ko magawang tumabi ngayon sa kanya dahil pakiramdam ko ay natrayuma ako sa nangyari. Pakiramdam ko, kapag lumapit pa ako sa kanya, baka sunggaban na naman niya ako sa leeg at ihampas nang sobrang lakas sa pader. Natatakot pa ako.
Damang-dama ko pa ang mga panginginig ng aking tuhod dahil sa takot. Ayoko mang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan! Sobra talaga akong natatakot na baka tuluyan niya na akong patayin!
“Torts…” aniya sa aking pangalan ngunit hindi ako kumibo, ni hindi ko siya sinulyapan.
Ayoko siyang pagkatiwalaan sa ngayon. Dahil sa panahon ngayon, bihira na lang ang nagsasabi ng totoo. Marami ng manloloko ngayon. Sobrang dami.
Napapikit ako at mariing napadaing nang muling kumirot ang aking mga sugat sa katawan.
“Torts, naman. Pasensya na sa nagawa ko, oh. Hindi ko alam ‘yung ginagawa ko nu’n. Wala ako sa sarili dahil sa biglaang pagkademonyo ko. Hindi kita kilala nu’n. Pero ngayon… kilala na kita kahit maging demonyo pa ako. Ngayon hindi na kita masasaktan kahit mag-ala demonyo ako. Torts, kilala ka na ng pusong bato ko.” Mahaba niyang paliwanag at sobrang lungkot ng pagkakasabi niya no’n.
“At, Torts, nandito ako para gamutin ka, hindi para saktan ka. Nandito ako para alagaan ka, hindi na kita sasaktan,” dugtong pa niya.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya at umakyat ako sa kama. Dahan-dahan naman akong tumabi sa tabi niya. Nangiti siya sa ginawa ko at nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.
“Torts, pasensya na kasi! ‘Wag ka nang magalit, pasensya na talaga! Hindi na kita sasaktan, pangako! Peksman!” At may pahikbi-hikbi pa siya pero hindi ko naman malaman kung totoo ba iyon o laru-laro niya lang.
Siguro kailangan kong magtiwala kahit papaano? Siguro kailangan kong maniwala kahit mahirap? Kaya ko namang subukang maniwala, ‘di ba?
Ngumiti ako at inilayo siya sa akin dahil kumirot ang mga sugat ko.
“Jaric, tama na. Napipiyot mo ang mga sugat ko. Gamutin mo na lang ako, gaya ng sinabi mo,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango siya sa akin at pinagpatuloy niya ang panggagamot sa mga sugat ko. Habang ginagamot niya ang mga sugat ko, nagk-kwentuhan lang kaming dalawa.
Ilang oras na kaming nagk-kwentuhan pero hindi ko pa rin makita ang gusto kong makita. Kanina nang magkaroon ako ng malay, siya talaga ang gusto kong kaagad hanapin dahil may gusto akong sabihin. Pero sumapit na ang dilim at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita, ni anino niya ay wala.
Magpapasalamat lang naman ako kaya gusto ko siyang makita. Pero bakit ba kasi wala siya?
“Ano nga palang nangyari nu’ng nawalan ako ng malay dahil sa matindi mong pagsampal sa akin?” Tanong ko na may halong panunukso.
Bigla siyang nabilaukan sa kanyang kinakain dahil sa tinanong ko. Natawa ako nang marahan dahil doon.
“A-Ano, uhm, pi-pinanggigilan lang ako ni M-Mensahero,” tila kinakabahan niyang tugon kaya napataas ang kilay ko. Halata naman sa katawan niyang pinanggigilan talaga siya.
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantasyDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...
