“Pagsisisihan mo ito, Mensahero. Sinusugpo na ang iyong mahal at ito ang lagi mong pakatatandaan, walang makatatanggap sa inyong pagmamahalan. Kahit tao pa ‘yan o demonyo,” mariing wika ni Taga-bantay at bigla na lang siyang naglaho.
Mahigpit pa rin ang kapit ko sa dibdib ni Mensahero. Ayoko. Ayoko na siyang pakawalan. Ayoko na siyang bitiwan. Natatakot na ako. Natatakot na ako sa maaaring mangyari sa sarili ko dahil ngayon… hindi ko na kilala ang sarili ko.
Mas lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi ko nang maramdaman ko na naman ang lagi kong nararamdaman. Mas lalo akong yinakap nang mahigpit ni Mensahero kaya natuluyan na ako, lalo na nang halikan niya ang aking ulo at may ibinulong.
“Kahit anong mangyari, hindi ko na hahayaang makalayo ka sa ‘kin,” bulong niya.
Nagtagal kami sa ganoong pwesto at nagustuhan ko iyon. Gustung-gusto.
“Nararamdaman ko, Taga-gabay,” bulong niyang muli.
Nanghina ako nang todo. Tila naging lumpo ang mga binti ko dahil hindi ko na ito maramdaman dahil sa sobrang panlalambot. Ang dibdib ko… sobrang lakas ng tibok. Ang puso ko ay nagwawala dahil sa kanya.
Ilang araw ko na itong nararamdaman. Sa ilang taon naming pagsasama, sa ilang taon naming interaksyon. Ngayon ko lang ito napagtanto. Ang buo kong nararamdaman ay ngayon ko lang nakumpirma nang dahil sa yakap na ito.
Minsan, tuwing nasa bisig niya ako, pakiramdam ko ay ligtas na ligtas na ako. Nakakaramdam ako ng pagiging kumportable. Tila hinehele ako sa bawat haplos niya. Sa tuwing magka-usap kaming dalawa’t magkasama, pakiramdam ko… payapa na ang puso ka at nang dahil sa pagiging kumportable at pagkapayapang ito, masasabi kong… tama na, mali na.
Tama si Taga-bantay. Walang makatatanggap sa pag-ibig na ito. Isa akong tao at siya’y isang demonyo. Hindi pwede. Mali ang pagtibok ng pusong ito.
Nanginig ang pisngi ko na nagpagulat sa ‘kin. Bakit ako naluluha? Bakit ang bigat ng dibdib ko? Bakit ganito ang pakiramdam ko sa naiisip kong hindi kami pwedeng dalawa? Pero hindi naman talaga kami pwede!
“Tortia beybe… tama ba ang nababasa ko sa isip mo?” Marahan niyang bulong.
Hindi ako nakasagot. Mas lalo akong kinabahan, lalo na’t naiisip kong tila magkakaroon ng pag-amin.
“Sagutin mo ako, Tortia beybe. Tama ba ang nababasa ko sa ‘yong isipan?” Tanong niyang muli.
Napaawang na ang aking labi dahil tila gusto kong makalanghap ng hangin. Sobra na ang pagbabara ng lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba. Hindi ito pwede.
“Masabi mo lang na tama ang nababasa ko, pangako, ililigtas ko ang buong mundo para sa ‘yo,” bulong niya at doon na ako natuluyan. Doon na ako nahulog na tila hindi na ako makaaahon pa.
“Tama ang nababasa mo, Mensahero...” tugon ko, nanghihina.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Mensahero? Oo, gwapo siyang demonyo. Demonyo siya pero ang gwapu-gwapo niya. Matikas ang katawan pero hindi ko siya riyan nagustuhan nang todo.
Pumikit ako nang mariin nang maalala ko ang bawat galaw niyang nagpatibok sa aking puso.
Tuwing niloloko niya ako, oo, nab-bwisit ako pero roon nagsimula ang lahat. Kapag hinahaplos niya ako’t hinahawakan niya ang kamay ko, nakukuryente ako na tila tanga. Kapag magkasama kaming dalawa, para akong kiti-kiting hindi mapakali. At tuwing magka-usap kaming dalawa, ang sarap sa pakiramdam. Nakagagaan ng puso. At sa tuwing nagbibigay siya ng mensahe sa akin… pakiramdam ko ay love letter iyon.
“Ligtas na ang mundo,” aniya at mas lalo pa akong yinakap.
Gustuhin ko mang magsaya pero hindi ko na magawa pa dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin.
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
ФэнтезиDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...