Chapter 9

180 9 0
                                        

Hinugot ko ang upuan at pagod akong umupo roon. Bumuntong hininga muna ako bago dumukdok sa lamesa.

Ilang minuto pa ang hihintayin ko para maluto nang tuluyan ang ginataang munggo. Kaya napagpasyahan ko munang dumukdok dito sa lamesa ng kusina upang makapagpahinga nang kaunti.

Nang matansya kong sapat na ang pitong minuto ay tumayo na ako at nilapitan ang kalan. Pinatay ko ito at muling hinalo ang ginataang munggo. Nagsalin ako nito sa isang mangkok at kumuha ako ng tubig at dinala ito sa kwarto ni Serria.

Naabutan ko siyang tulog na tulog habang mahigpit ang yakap sa sarili. Kahit ilang kumot na ang nilagay ko sa kanya, lamig na lamig pa rin siya.

Nilapag ko ang mangkok at tubig sa lamesitang katabi lang ng kama ni Serria. Kumuha rin ako ng gamot upang mapainom sa kanya pagkatapos ko siyang pakainin.

Umupo ako sa gilid ni Serria at tinignan siya.

Noong bumulagta siya sa kainan, dinala namin siya sa hospital at apat na araw rin kaming nanatili roon. Gumaling siya pero nang maihatid ko siya rito sa kanyang bahay, bigla na namang tumaas ang kanyang lagnat. Lagi pang dumudugo ang kanyang ilong.

Panglimang araw ko ng hindi umuuwi sa bahay. Sana naman ay hindi pa nag-aalala sa akin si Jaric. Wala siyang cell phone kaya hindi ko rin naman siya matawagan para ipaalam na hindi muna ako makakauwi. Hindi ko naman kasi maiwanan si Serria kahit sandali dahil may pagkakataong nangingisay siya at tila may iniindang sobrang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napapagod na ako pero kahit pagod na pagod na ako, hindi ko susukuan ito. Kailangan ako ng kaibigan ko.

Huminga ako nang malalim bago gisingin si Serria para makakain na siya at makainom ng gamot.

“Serria, gising na. Kailangan mong kumain,” bulong ko sa bawat haplos sa kanyang mukha.

Dahan-dahang dumilat ang kanyang mata at nagtagal ang tingin niya sa akin. Nang matanto kong uupo siya ay inalalayan ko siya para hindi siya mabuwal.

“Maayos ba ang pakiramdam mo?” Nag-aalala ko sa kanyang tanong.

Hindi siya kaagad nakapagsalita at naramdaman kong may gusto siyang ipaalam sa akin. Alam kong may gusto siyang aminin sa akin tuwing nakikita niya ako pero nag-aalinlangan pa siya sa ngayon.

“Tortia, ayos lang ako. Ikaw, mukhang hindi ka maayos. Ang haggard mo na.” Sabay ngiti niya pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mata.

“Maayos pa ako,” maikli kong tugon at nginitian siya nang malapad.

Kinuha ko ang mangkok ng ginataang munggo at ipinakita ko ito sa kanya.

“Niluto ko ang paborito mo,” ngiting-ngiti kong sabi sa kanya.

Sinulyapan niya ang mangkok at hindi nawala ang kakarampot na ngiti sa kanyang labi.

Kahit sinabi niyang kaya niya na, hindi ko pa rin siya pinabayaang kumain mag-isa. Tinulungan ko siya sa kanyang pagkain.

Dahan-dahan kong nilagay sa kanyang bibig ang baso ng tubig at pinainom ito sa kanya upang malunok niya ang kanyang gamot.

Kinuha ko ang mangkok at baso para madala na ito sa kusina nang mabilis ko itong nabitawan dahil sa pagkataranta.

Malakas na dumagundong sa buong silid ang pagkabasag ng mangkok at baso. Kasabay nito ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Biglang dumugo muli ang ilong ni Serria at bigla siyang nangisay. Kaagad ko siyang dinaluhan at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

“Serria, ayos k-ka lang?” Kinakabahan kong tanong sa kanya pero kagaya nang nakaraang araw, parang hindi niya ako naririnig. Pero ngayon, sa paulit-ulit niyang pagngisay, sa pagkakataong ito, ito ang pinakamatindi.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon