Napabalikwas ako ng bangon nang may matinding tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mata para mawala ang aking mga muta.
Umayos ako ng pagkaka-upo sa aking kama at inis na napabusangot.
Kanina pang madaling araw ‘yung tunog na iyon. Puro yapak pabalik-balik at puro tunog ng mga kagamitan. At may pagkakataon pang may nagsisigawan pero mukhang pabulong lang.
Umagang-umaga’y nambubulabog na itong si Jaric. At sino naman ba ang kasama niya sa pag-iingay?
Halos mapatalon na ako sa gulat nang may umugong na namang ingay. Tila may nalalag sa sahig at nabasag.
Sinuot ko ang aking tsinelas at nagkukumahog na lumabas sa aking kwarto.
“Hoy, ano bang ingay ‘yan! Naninira yata kayo ng gamit, eh!” Pambungad ko sa dalawang taong nagsasakalan.
Nahinto ako sa paglalakad nang makitang hawak-hawak ni Mensahero si Jaric sa leeg nito at ganoon din si Jaric kay Mensahero.
Maski sila’y natigil sa ginagawa nang makita ako.
“H-Hoy, bakit k-kayo nagsasakalan?” Gulat na gulat kong tanong sa kanilang dalawa. Parang kanina lang ay inaantok pa ang aking mata pero nang nakita ko silang nagsasakalan, tila mas lalong nagising ang diwa ko.
Mabilis nilang binitiwan ang isa’t isa at nakunot naman ang aking noo nang sabay silang tumakbo papunta sa kusina.
“Hoy, sagutin n’yo ‘kong dalawa!” Sigaw ko.
Napakamot ako sa aking batok dahil sa inasta ng dalawang ‘yon.
Sinundan ko sila sa kusina at bumulaga naman sa ‘kin ang mga pagkain na nakabalot. May mga basket na puno ng mga prutas. May mga paper bags na naglalaman ng pagkain at inumin.
Nakatayo sa dulo ng lamesa sina Mensahero at Jaric at ngiting-ngiti sila sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko.
“May ano?” Nagtataka kong tanong sa kanila.
“‘Di ba kahapon ay gusto mong magsaya tayong tatlo ngunit ay naudlot naman ang iyong kagustuhan?” Nakangiting panimula ni Mensahero. Tumango naman ako bilang pagtugon.
“Hindi nangyari ‘yon kahapon pero ngayon ay mangyayari ‘yon, Torts.” Nakangiti ring ani Jaric.
“Tutuparin namin ‘yon ni Jaric! Lilibot tayo sa buong lungsod at magsasaya gaya ng iyong kagustuhan.” At sabay pa silang tumangu-tango sa ‘kin.
Napanguso ako, pilit tinatago ang ngiti. Tumalikod ako sa kanilang dalawa para hindi nila makita ang ngiti sa aking labi.
Hindi ko inaakalang naiisip pala nila ‘yung ganoong bagay. Sinong mag-aakala na tutuparin nila ‘yung kagustuhan ko na ‘yon? Sinong mag-aakala na magsasaya kami ngayon?
“Nababasa ko ang nasa isipan mo, Tortia beybe. Magbihis ka na at sisimulan na natin ang paglilibot.”
Tinignan ko siya sa aking gilid. Nakatingin din siya sa akin habang nakangiti pa rin.
Kumabog ang aking dibdib at bigla akong hindi mapakali. Umiwas ako ng tingin at tumango saka pumasok sa aking kwarto para makapaghanda.
Nang nakaayos na ako’y umupo muna ako sa aking kama para mapakalma ang damdamin.
Nakangiti kong dinampot ang itim na sobre na nakalagay sa aking unan at binasa ko ang mensahe na nakapaloob doon.
Magsasaya tayo ngayon kaya ngiti ka lang.
***
“Jaric, pigilan mo ang sarili mo sa pagsugod. Hindi pa ngayon ang tamang oras para pumatay ng tao,” mariin kong bulong kay Jaric habang naglalakad kami papunta sa Blood Tree.
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantasyDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...