Chapter 1

759 17 6
                                    

“Tortia!” Sigaw ni Jaric kaya napabalikwas ako ng bangon.

Nakabusangot mukha ko siyang hinarap pero naglaho ito nang makitang nakaupo siya sa isang sulok. Pilit niyang nililingon ang kanyang likod habang nanlilisik ang mga mata.

“Masakit!” Galit niyang sigaw kaya agad ko siyang nilapitan.

Umupo ako sa kanyang harap at pilit siyang hinarap sa akin. “Jaric, bakit? Anong nangyayari sa’yo?” Kinakabahan kong tanong.

Hindi pwedeng magalit si Jaric! Baka masira ang buong bahay ko! Walang hiya pa naman ang demonyong ito kapag nagagalit.

“Ang sakit-sakit ng likod ko! Parang may humihiwa!” Malakas niyang sabi habang may inaabot sa kanyang likod.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Inirapan ko siya at nilayasan na. Umupo ako sa kama at inis siyang tinignan.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na araw-araw kang makakaranas ng sakit sa likod mo? Tinutubuan ka ng pakpak, loko!” Sabay irap ko sa kanya.

“Demonyo ka,” dugtong ko pa na ikinatingin niya sa akin.

Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi habang dahan-dahang tumatayo. Napalunok ako nang lumapit ito sa akin.

“Demonyo ako. Demonyo ako... Demonyo ako!” Masaya niyang saad habang inuuga-uga ang aking balikat.

Inis kong tinanggal ang kamay niya sa aking balikat at nilayasan siya sa kwarto. Pumunta akong kusina para makapagluto ng umagahan.

“Oo, demonyo ka talaga kaya manahimik ka na! Nakakarindi ang boses mong demonyo ka,” singhal ko nang maramdaman ko siya sa aking likuran.

“Totoo talaga ang mga demonyo, 'no,” mahina niyang usal at nakarinig ako ng pag-tunog ng upuan.

Nilingon ko siya habang nakakrus ang mga braso sa harap ng aking dibdib. Sumandal ako sa lababo at nginitian siya.

“Yep. Totoo ang mga katulad ninyo,” tugon ko.

Kumunot ang noo niya at tumitig sa akin. “Pero bakit may demonyong katulad namin?” Para gibain ang mundo ng mga tao at para maitayo na ang mundo n'yo.

Hindi ko siya sinagot at bumuntong hininga na lang ako sabay kibit-balikat. Humarap na ako sa lababo at pinagpatuloy ko ang paghuhugas sa mga isda.

“Ewan ko rin,” pagsisinungaling ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtikhim niya. “Pero ayos na rin sigurong demonyo ako. Ang sarap kasing gumawa nang kasamaan.” Dama ko ang kagalakan sa boses niya.

Kaya ka siguro naging demonyo, Jaric, dahil masama kang tao noon. Mahal na mahal mo siguro noon ang kasamaan kaya ka naging ganito ngayon. At dahil sa iyong kasamaan noon, nandito ako ngayon at hinahanap ang kapareha mong demonyo para matapos na ang misyon ko.

Namatay ang buong pamilya ko dahil sa’yo, Jaric. Namatay sila dahil sa isang demonyo na nagdala ng mensahe sa akin na may misyon akong dapat tapusin.

Napapikit ako nang mariin dahil sa sakit na naramdaman. Malaki man ang galit ko kay Jaric, wala akong magagawa, misyon ko siya, eh.

Tinapos ko na ang niluluto ko at nagsimula nang mag-ayos ng sarili dahil lilibot na naman ako sa buong lungsod para hanapin ang isa pang demonyo. Babae kaya ang isang demonyo o lalaki? O baka naman binabae?

Kinuha ko na ang shoulder bag ko sa sofa at lalabas na sana nang hawakan ni Jaric ang kamay ko.

“Aalis ka na naman?” Nakasimangot niyang tanong sa akin.

Amethyst's Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon