Ilang oras na akong nakatitig sa kisame pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong pikit ang gawin ko, hindi pa rin ako makatulog.
Hinawakan ko nang mahigpit ang aking kumot at ibinalot ko ito sa buo kong katawan.
Hindi ako makatulog dahil patuloy pa rin ang ikot sa aking isipan nu’ng ginawang paglandi ni Mensahero sa akin. ‘Yung pagyakap niya sa akin ay damang-dama ko pa rin. ‘Yung mga maiinit niyang braso, ‘yung kanyang hininga at ang kanyang pagbulong sa aking pangalan.
Nagtalukbong ako ng aking kumot nang maramdamang nag-init na naman ang aking mukha sa inalala. Napaka naman kasi ni Mensahero, eh! Bakit niya ba kasi ginawa ‘yun? Hindi tuloy ako makatulog.
Sinubukan kong matulog pero nabigo lang ako kaya kinabukasan ay mukha akong bangkay na bumangon sa pagkakalibing.
Bumangon ako sa aking kinahihigaan at habang naglalakad ay ang mga mata ko'y nakapikit.
Pakiramdam ko ay hindi ako makakapunta ngayon sa lungsod dahil sa diwa kong walang kabuhay-buhay. Gusto kong matulog buong araw! Kaso hindi pwede, marami pa akong dapat gawin.
“Torts, zombie ka ba?” Kahit nakapikit, alam kong nasa harapan ko ngayon si Jaric.
“Pick-up line ba ‘yan?” Walang gana kong tanong at saka humikab.
Minulat ko panandalian ang aking mata at nakitang nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin nang diretso sa akin.
“Hindi, pero iyang mukha mo? Biro ba ‘yan?” Tanong niya habang nakangiwi.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Pumunta akong kusina at pilit na nagluto. Ang bigat-bigat ng talukap ng mga mata ko. Antok na antok na ako. Parang gusto kong damhin ang kalambutan ng kama ko.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya.
Tinignan ko ang rice cooker at nakitang may bagong saing doon. Ulam na lang ang kulang.
“Hindi pa, walang ulam, eh,” aniya at dama ko roon ang kalungkutan.
“Mag-aral ka kasing magluto,” payo ko sa kanya at nagsimula na akong magprito ng ulam.
“Eh, turuan mo ako para matuto ako.” Napahinto ako sa pagpiprito at muling naghikab.
“Sige,” maikli kong pagsang-ayon dahil antok na antok pa talaga ako. Tila tamad na tamad kumilos ang buo kong katawan. Bwisit kasi si Mensahero, eh!
Nakatapos na akong magluto at kumain. Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa aking kwarto para maligo pero hindi yata sa banyo ang punta ng katawan ko. Parang kusa itong gumalaw papunta sa sofa at kusang bumagsak ito roon.
“Antok na antok ka, Torts,” mahinang puna ni Jaric at dama ko ang presensya niyang nakatayo sa aking tabi.
“Good night,” humihikab ko sa kanyang sabi.
“Ang cute mong humikab, Torts, ang laki ng bumanganga mo,” natatawa niyang sabi bago ako tuluyang lamunin ng aking antok.
Dama ko na ang sobrang pangangawit ng aking katawan kaya tumagilid ako sa aking pagkakahiga. Sa aking pagtagilid, naramdaman ko ang hiningang dumadampi sa aking ilong. Napakunot ang aking noo at nang magmulat ako ng mata ay napatayo ako sa gulat nang bumungad sa aking pagdilat ang seryosong titig ni Jaric.
“J-Jaric!” Gulat kong sigaw sa kanya.
Tiningala niya ako habang ako’y nakayuko sa kanya. Gulat ang aking mukha at ang kanya ay pagkamangha.
“Ang cute mong matulog, nakanganga,” aniya na ikinainit ng mukha ko.
Kinuha ko ang unan sa sofa at inihambalos ito sa kanyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/121955650-288-k199426.jpg)
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantasyDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...