“Sige po, Presidente. Aalis na po kami. Marami pong salamat sa muli ninyong pagtanggap sa amin dito sa palasyo,” nakangiti kong sabi habang kumakaway sa kanya.
“Walang anuman. Kahit anumang oras ay maaari kayong dumalaw muli rito, basta ba’y magdadala kayo ng pagkain para naman tiba-tiba tayong tatlo. Saka, Bb. Atayde, ipinabibigay niya nga pala. Sana’y magkausap na kayong dalawa.” Inabot niya sa akin ang kulay itim na sobre.
Nakakunot-noo kong tinanggap ang sobre at nang dumikit iyon sa aking balat ay ang biglaang pagtambol naman ng puso ko. Bigla itong nagwala at nang dahil iyon sa kaisipang baka galing ito kay Mensahero. Nanginginig kamay kong itinago ang sobre sa dala kong shoulder bag. Nababaliw na naman ako.
Palayo na nang palayo ang distansya namin ni Serria sa palasyo at hanggang ngayon, malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito kabahan. Kulang na lang ay wasakin nito ang dibdib ko sa sobrang rahas ng kabog, eh.
Naghiwalay na kami ni Serria nang makarating na kami sa bulwagan ng Moonlightwoods. Ang sabi niya’y may pupuntahan lang daw siya saglit at uuwi rin daw siya kaagad.
Tiningala ko ang kumikinang na kalangitan dahil sa milyun-milyong mga bituin. Ipinikit ko ang aking mga mata nang umihip ang malamig na hangin. Sana ganito na lang kadali ang buhay. Sana ganito na lang araw-araw. ‘Yung tipong hindi mo na kailangang kumayod para mabuhay nang maayos. ‘Yung tipong pipikit ka na lang at dadamhin ang lamig at sa iyong pagdilat, isang panibagong araw ang bubungad sa ‘yo pero isang ilusyon lamang ang ganoon dahil lahat, pinaghihirapan. Lahat idinadaan sa pikit upang magpahinga at sa muling pagdilat, kayod na ulit. Lahat idinadaan sa pagdamdam sa lamig upang makaramdam ng ginhawa.
Mahirap talaga ang buhay. Puno ng mga pagsubok na kailangan mong labanan dahil kapag hindi ka lumaban, talo ka. Kawawa ka.
Idinilat ko ang mata ko at halos mapatalon naman ako sa gulat nang makitang nasa bubong ako ng bahay ko. Mabilis akong napakapit sa taong katabi ko nang muntikan na akong mahulog.
“Mensahero!” Galit kong singhal sa kanya dahil alam kong siya ang nagdala sa akin dito. Bakit ba hindi ko siya naramdaman kanina? Ganoon na ba kalutang ang isip ko para hindi siya mapansin?
Nakita ko ang kanyang pagngisi dahil sa reaksyon ko. Ayaw ko mang aminin pero shemay, Mensahero, huwag mo akong ngisian nang ganyan dahil na-miss kita. Shemay na damdaming ‘to.
“Mukhang napasarap kanina ang pag-iisip mo,” sabi niya nang makatayo na ako nang maayos. Sa dinami-rami ba naman kasi ng pwede niya akong pagdalhan, dito pa sa bubong. Pwede namang sa kwarto na lang.
Dahan-dahan siyang umupo sa bubong at nakigaya naman ako. Ingat na ingat akong umupo dahil natatakot akong mahulog, baka kasi walang sumapo sa akin.
“Ganoon talaga kapag may malalim na iniisip,” sagot ko nang makaupo ako nang maayos.
“Ano ba ang iniisip mo?” Napataas ang kilay ko sa tanong niya.
Tinignan ko siya. “Hindi mo na binabasa ang isip ko?” Nagtataka kong tanong sa kanya.
Humarap siya sa akin at ngumuso. “Sinabi mo kasi noon na huwag ko nang basahin ‘yung isip mo.”
“Sinunod mo?” Gulat kong tanong at nang tumango siya bilang sagot ay napaawang ang bibig ko.
Hindi ko alam kung bakit gulat na gulat ako sa nalaman ko pero kasi… marunong na siyang sumunod!
“Basta galing sa ‘yo, susundin ko,” ani Mensahero.
Nakurot ko ang daliri ko at pilit na iniwas ang mata sa kanya. Grabe ‘tong si Mensahero, pinapakilig ako! Ganito ba ang mga banatan niya? Ganito ba siya magpakilig? Sa salita idinadaan? Pero ‘di ba, mas maayos ang aksyon kaya sa salita? Ay, ewan?
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantasyDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...
