Pareho kaming nakatayo ni Mensahero sa labas ng cafè. Parehas naming hinihintay ang tuluyang pagtigil ng ambon.
Ang mga tao’y dumadaan sa aming harap. Ang ilan ay napapatingin kay Mensahero at ang iba nama’y walang pakialam.
Napataas ang aking kilay nang magtilian ang grupo ng mga kababaihan. Nakatingin sila kay Mensahero na nakatitig lang sa kawalan. Nagbubulungan sila at naghahagikhikan.
Umismid ako at napaayos ng tayo nang nagsilapitan sila sa aming dalawa.
“Bes, ang gwapo nga!” Malanding bulong ng isa sa kanila. Nagsi-ayunan ang mga ito at mas binilisan pa ang paglapit kay Mensahero.
“Hi!” Ngiting-ngiti na bati ng isang babae na maikli ang buhok na umaabot hanggang balikat. Medyo may katabaan ito.
Lima silang babae na may itsura at paniguradong magugustuhan sila ni Mensahero. Pero, sandali, lumalandi rin ba ang demonyo? Pumapatol din ba ang demonyo?
“Ako nga pala si Erika Guese. Ikaw, anong pangalan mo?” Sabay hagikhik pa nito.
Hindi kumibo si Mensahero kaya napanguso ‘yung babaeng may pangalang Erika.
“Bes, hindi ka niya type. Tabi nga.” singit ng isang babae na diretsong-diretso ang buhok. “I’m Frankie Bulacan. You can call me anytime,” ngiting malapad na pagpapakilala nito.
Napanguso silang lima nang hindi muling kumibo si Mensahero. Kinagat ko ang sariling labi at tinignan ang walang ekspresyong mukha ni Mensahero. Hindi niya tinitignan ang mga babae! Lumalagpas lang ang tingin niya. Aba, isnabero.
Nagsalita nang nagsalita ang limang babae at pakilala sila nang pakilala pero kung ako sa kanila, titigil ako at tatakbo palayo rito. Aba, ikaw ba naman ang hindi pansinin, nakakahiya kaya ‘yung ganoon!
“Pwede po bang magpapicture?” Hiling nilang lima pero hindi ulit kumibo si Mensahero.
Bakit ayaw mo silang pansinin, Mensahero? Aba, pihikan ka pala sa babae.
Napataas ang aking kilay nang tumingin sa akin si Mensahero. Kinagat kong muli ang aking ibabang labi upang mapigilan ang nakakalokong ngiti. Malakas din pala ang kamandag ni Mensahero sa mga kababaihan!
Napaawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mata nang hilahin niya ang kanang braso ko palapit sa kanya. Inakbayan niya ako at bigla siyang ngumisi. Nanigas ako sa ginawa niya at tila ako’y naging tuod dahil sa ngising iyon!
“Kasintahan ko nga pala,” ngising sinabi ni Mensahero sa mga kababaihan.
Nalaglag ang kanilang panga bago napanguso.
“Pasensya na, Ate Girl. Hindi naman namin alam na may girlfriend na pala ‘tong si Kuya Pogi,” pagpapa-umahin nila sa akin at nang maglakad sila palayo ay nadinig ko ang kanilang pagkadismaya.
Hinawakan ko ang kamay ni Mensahero'ng nakaakbay sa akin at inis iyong binalibag.
“Aba, pati ako’y dinamay mo!” Reklamo ko sa kanya.
Napangisi siya at muling pinasok ang mga kamay sa bulsa.
“Sus. Napaka-isnabero mo pala, Mensahero. Picture lang ay hindi mo mapagbigyan.” Nahihimigan ko ang aking tono ng panunuya.
“Hindi ko kayang pagbigyan dahil mukha ko bilang demonyo ang lilitaw sa litrato,” paliwanag niyang kaagad ko namang naintindihan.
“Pero gusto mo rin naman? Kung hindi ganoon ang lalabas sa litrato, papayagan mo ba silang magpalitrato kasama ka?” Kuryosidad kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Amethyst's Blood (COMPLETED)
FantastikDemon Series 1 Gaano kahirap magkaroon ng misyon? Nakatanggap ka na ba ng isang misyon? Anong klasing misyon? Kinakaya mo ba ang binigay sa iyo? Sa dinami-rami ng misyon na maaaring makuha mo, papayag ka ba kapag galing sa impyerno ang nag-utos sa '...