Chapter 5: It's a deal

238 13 0
                                    

"Bakit ba kasi ayaw mo pa ako pauwiin?"  Oh yes! Sumama pa din ako aa kanya ewan ko ba kung bakit pa ako sumama dito eh baliw naman ata ito. "Kylie, mind share?"


"Share? May kinakain kana nga mang hihingi kapa!" napa face palm nalang siya sa sinabi ko, ano ba problema nito? May nasabi ba akong mali? Hayss nakakabobo talaga kasama itong Unknown creature na ito.


"Nababaliw ako sayo Kylie. Narinig ko na may binabanggit ka na pangalan kanina Eugene ang name" sandali akong natahimik at yung sakit na nakalimutan ko ay bumalik nanaman. Nag babadya nanaman tumulo ang luha ko pero wala na akong maiilabas pa na luha.


"Alam mo imbis na umiyak ka jan, sabihin mo sakin ang problema mo" Sino ba siya? Hindi ko alam pero parang gusto ko mag sumbong, yung akala ko na walang luha na babagsak sa mga mata ko pero nag kamali ako, nag uunahan nanaman sila.


"Si Eugene? Siya ang bestfriend ko na naging boyfriend at fiancee, sa huli wala may mahal na siyang iba habang nasa harap na kami ng Altar dun niya sinabi sakin lahat" kumunot ang noo niya na parang naguluhan sa kwento ko, Hindi pa talaga ako handa mag kwento sa kanya o kahit sa mga kaibigan ko. Alam ko nag aalala na ang mga kaibigan ko at magulang ko. Pero ang nakakapag taka bakit hindi nila ako hinahanap?


"Gusto mo ba lumayo? Lumayo? I mean you wanna go somewhere? A vacation?"


"Oo, pero saan naman ako pupunta? Wala akong gamit yung mga damit ko di ko alam kung saan ko naiwan, at yung gamit ko na natitira di mo pa sinosole sakin para makauwi ako kahit sa unit ko" Tumingin ako sa labas ng Coffee Shop, ang saya ng mga tao pero sa mga masasayang labi na yun may mga problema din silang tinatago. Hanga ako sa mga taong nakakangiti pa din kahit parang pasan na nila ang mundo.


"Hmmm I have a proposal Kylie, wanna go with me? You can trust me hindi naman ako masamang tao, katulad mo broken din ako, kaya gusto ko mag pakalayo din."


"Broken? Sa paanong paraan Ezekiel? Mukha naman hindi eh" pag tatanong ko sa kanya, sa mukha niya parang hindi naman siya nasasaktan dahil hindi naman halata sa personality niya. "Sa paanong paraan? Yung taong mahal ko kasi nasasaktan ngayon kaya dala dala ko yung sakit na yun dahil pag nasasaktan siya mas nasasaktan ako."


Nakatulala lang ako habang sinasabi niya sakin yung mga salita na yun para bang nararamdam ko yung sakit niya. Parehas kaming nasasaktan pero sa ibang paraan.


"Pero Kylie ayoko mag move on sa kanya, balang araw makaka move on siya at pag kakataon ko na yun para ako naman ang mag pasaya sa kanya, sisiguraduhin ko na hindi ko siya sasaktan" hinawakan ko ang balikat niya.


"Bakit Ezekiel? Bakit di kapa sumuko sa kanya?" pag tatanong ko sa kanya na siya naman niyang kinaharap niya sakin. "Why? Is there any reason to give up on her? Lalo na kung kaya ko naman higitan yung nanakit sa kanya. Ikaw kylie bakit di kapa sumuko sa kanya?"


"Mahal ko eh"


"Edi alam mo na ang sagot kung bakit di ko siya sinusukuan" natawa kami ng sabay dahil sa pinag uusapan namin, pinag iisipan ko yung proposal niya sakin kung sasama ba ako umalis. Siguro wala naman masama diba? Pero iniisip ko yung magiging reaksyon nina Mama at Papa lalo na ng mga kapatid ko pag nalaman nila na sumama ako sa taong kakakilala ko palang.


"Kylie sasama kaba sakin? I mean sa vacation?"


"Wala akong gamit nga ang kulit mo naman eh" inirapan niya ako at hinigit ako palabas pabalik sa unit niya.


"Ayan! Pumili ka ng mga damit na dadalhin mo jan! Wag kana mag inarte Kylie ah?! Mapupuruhan kana sakin! Bilisan mo aalis na din tayo pag katapos mo mag impake" iniwan niya akong tulala sa loob ng kwarto na ito, tinignan ko ang paligid ng kwarto simple lang pero ang sarap sa mata ng kulay, mint green my favorite color. Nice taste Ezekiel.


Bakit kaya andaming damit ng pambabae dito? Pero hindi pa naman mga gamit dahil may price tag pa. Kanino kaya itong mga ito? Para kanino kaya ito? Siguro dun sa taong mahal niya. Ang gaganda nung damit branded pa may mga damit dito na kaparehas ng mga damit ko.


"ANO?!! TITIGNAN MO BA YAN O ILALAGAY MO NA SA BAG YAN?!"


"Bakit kaba naninigaw ah?! Ayoko na nga! Ang sama mo sakin!" may pag babanta nanaman sa mga mata niya na ilang oras lang ay pwede niya akong mabanatan dito. "Ayaw mo? Sige ipapasundo kita sa Eugene na yun tapos sabihin ko isam----"


"Oo na!! Lumabas kana! Pwede maligo muna?! Buti ikaw nakaligo ka kanina!!"


"Sige sige na! Bilisan mo ah?!"


"Napilitan?!" hindi ko alam kung bakit pa ako nakikipag talo sa lalaking ito. "Pwede ba Kylie imbis na nakikipag talo ka sakin maligo kana, gusto mo ako pa mag paligo sayo? Sabihin mo lang madali akong kausap."


"Bastos! Sige na maliligo na ako!" narinig ko pa siyang bumulong ng 'susunod din pala dami pang sinasabi' di nalang ako nag salita at dumeretso na ako sa banyo. Pero bago ako makapasok hindi ko masyado narinig yung binulong niya basta ang narinig ko lang.


Bumalik kana kasi Ellie.....



Baka siguro yung babae na gusto niya. It's a deal sasama talaga ako sa lalaking hambog ito.

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon