Chapter 46: I want you back

184 8 2
                                    

Nakahiga parin kaming dalawa sa kalsada habang umuulan. Hindi ako nararamdaman ng ganon lamig dahil sa init ng katawanan ni Ezekiel. Yakap niya parin ako. Napatayo ako at tumingin sa kanya. Ano ba ang ginagawa ko?! Mali to eh!! "Uwi na tayo Ezekiel nilalamig na ako." yun nalang ang sinabi ko.


Binigyan niya agad ako ng towel at ibang damit, hinayaan niya muna ako mag bihis sa loob ng kotse niya habang malayo siya ng konti sakin. "Ikaw naman ang mag bihis." tumakbo siya papalapit at binuksan ang driver seat. "Okay na ako. Coffee lang ako." pinilit ko pa siya mag palit pero ayaw niya talaga kaya nilagyan ko nalang siya ng towel.


Hindi tama yung ginawa ko kanina na pumayag ako mag stay sa chest niya habang yakap yakap niya ako. May girlfriend na siya dapat pigilan ko yung nararamdaman ko bago pa lumala. Nang galing din ako sa relasyon na niloko kaya alam ko ang pakiramdam nun. Dapat hindi ko siya iparamdam sa iba.


Habang nag mamaneho siya napansin ko nilalamig siya kaya pinatigil ko yung kotse para pag palitin siya ng damit matira matibay. "MAG PALIT KANA NG DAMIT!!!!" sinigawan ko na siya kaya nag mamadali siyang pumunta sa likod ng kotse at nag palit. Lumabas muna ako habang may dalang payong.


Ako nalang siguro ang makakaalam ng nararamdaman ko para sa kanya. Itatago dahil kailangan at dapat itago. "Kylie." sinenyasan niya ako na tapos na siya mag bihis kaya lumapit na ako. "I'll drive, stay there. You really need a rest." Hindi na sana siya papayag pero naunahan ko na siya sa driver seat at nag maneho. Habang nasa byahe kami tinignan ko si Ezekiel tulog siya sa likod habang balot na balot ng kumot kaya hininaan ko nalang yung aircon ng kotse.


I sneeze, I feel I'll have colds. I'm shaking with cold. I took a glance on Ezekiel but he is still asleep. "Need a heat." mejo malayo kami sa City dahil balak kanina pumunta ni Ezekiel sa secret place niya na mapuno. Where can I get a cup of coffee here?! Masyadong liblib ang lugar. Nag hahanap ako ng pwedeng matigilan ng kotse dahil sumasama na ang pakiramdam ko.


I looked at Ezekiel and I was shocked when I saw him trembling! I immediately approached him to find out if he has a fever. "Oh god! Ang taas ng lagnat mo Ezekiel!" nag mamadali ulit akong pumunta ng driver seat at nag maneho, sa sama ng pakiramdam ko hindi ko na kaya bumalik pa ng City baka maaksidente kami kaya mas pinili ko nalang na ipag patuloy kung saan kami pupunta nag babakasakali na may makita kaming bahay.


"E-ellie." argh! Still Ellie?! Help yourself first before Ellie! Nanlalabo na din ang mata ko at nahihilo pero pilit pa din ako nag hahanap ng bahay. Sa pag liko ng kotse agad akong nakakita ng isang lolo na nag sasarado ng bintana sa sobrang lakas ng ulan. Nag madali akong bumaba ng kotse at lumapit sa kanya. "Lolo pwede niyo po ba kaming tulungan nung kasama ko?"


"Pasok Hija!" Agad nila kaming pinapasok habang buhat ng isang binata si Ezekiel na masasabi ko nasa 19 years old lang siya napatingin ako sa maliit na bata na humawak sa kamay ko. I'm happy because me and Ezekiel are both safe. I'm getting dizzy then I faited.


Nagising ako na nararamdam ko ang sakit ng ulo ko. "Kylie." I slowly opened my eyes then I saw him looking at me with a worrying expression. "God!! I was so worried about you! You were 7 hours unconscious! You're also trembling and your fever is so high you made me worry." He hugged me so tight that I can't even say anything.


"Hijo tama na yan mukhang di makahinga ang asawa mo." Hala gago asawa?!! Talagang nanlaki yung mata ko at naitulak ko si Ezekiel ng malakas. "Asawa?! Lolo tama ba ang narinig ko?"


"Aba'y Oo Hija. Sabi niya ay asawa mo daw siya. Sobrang ang pag aalala sayo ng asawa mo ng makita ka niya sa walang malay. Aba'y ayaw ka ngang pahawakan sa apo ko nung bubuhatin kana papunta sa kwarto dahil siya na daw ang gagawa at asawa mo daw siya. Hija sa sobrang pag aalala niya umiiyak na yan dahil hindi niya alam ang gagawin sayo."


I'm speechless. Nawala agad yung inis ko at napalitan ng saya dahil sa nalaman ko. I looked at him. His eyes focused on the floor, I wrap my arms around his waist and hug him. "Thank you so much." he pats my head and kissed me in my forehead.


Pinakain nila kami ng sopas para mawala na daw yung lamig ng katawan namin dalawa. "Hijo Hija dito na kayo mag paliwanag alas kwarto na ng madaling araw." madaling araw na pala? Napansin ko na mejo humina na ang ulan. "Lolo, Lola at sayo na din Patrick salamat po sa pag tulong niyo samin ni Kylie."


"Aba'y wala iyon Hijo. Maswerte ka sa Asawa mo na kahit nilalagnat na ay nag maneho pa din para humanap ng matutuluyan." Lola tama na ang chika baka mamaya kung ano pa isipin ng baliw na ito. Narinig ko ang pag tawa ni Ezekiel sabay hawak sa kamay ko. "Maswerte po talaga ako sa kanya Lola."


Katulad nga ng sinabi ni lola nag palipas na kami dito hanggang sa lumiwag na ang lugar wala na din ulan. "Salamat po Lola napakabait niyo po." pag papaalam namin. Lumapit ako sa bata na parang 3 years old palang. "Mag papakabait ka Lucas ah? Salamat din sayo." sabay halik sa mga pisnge niya. "Bye-bye!!" sigaw ni Lucas ng makaalis kami.



"Tutulungan natin sila Kylie. Yung pamumuhay nila sobrang bigat pero hindi sila nag dalawang isip na tulungan tayo." tumango lang ako sa kanya tapos bigla siyang may tinawag at inutusan na puntahan ang pamilya na tumulong samin.29 days na pala talaga kami mag kasama ni Ezekiel. Sinabi ko kay Ezekiel na dederetsyo na muna ako sa bahay namin dahil may kukunin lang ako. Mejo malapit na din kami sa City kaya nung may napansin kaming Coffee shop agad kaming dumeretsyo dun.
Hindi kami nag tagal sa coffee shop dahil pinili namin na i'take out nalang ito.


Hindi ko makalimutan yung sinabi ni Lola sakin bago kami umalis. 'Ramdam ko mahal ka niya Hija mag mahalan kayong mag asawa' binulong niya lang sakin yan. "Andito na tayo." napatingin ako sa paligid at nasa tapat na nga kami ng bahay. Ganon na ba kahaba ang pag iisip ko para hindi mamalayan na naandito na pala kami?


"Mauna kana pumasok susunod ako may kukunin lang ako sa likod ng kotse." niyaya ko kasi siya pumasok. Pero dahil susunod naman siya nauna na talaga ako pumasok. Pag pasok ko sa bahay hindi parents ko ang una kong nakita. "Eugene? Anong ginagawa mo dito?" bakit hindi ko naman ata napansin na may sasakyan sa labas bukod sa kotse ni Ezekiel?


Nag mamadali siyang lumapit sakin at niyakap ako. "I want you back."



~*~


Hi guys!!

Thank you sa lahat ng nag babasa ng story ko sana magustuhan niyo ang mga nagagawa ko. Salamat!

Ilang chapters nalang tapos na ang 30 DAYS VACATION.....sana hanggang huli anjan pa din kayo.

Salamat ulit!!

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon