Ngayon namin itutuloy yung teambuilding namin kahapon dahil mas pinili nila na mag inuman para kay Kuya at Elida. Lahat kami naka ready na sa team building namin. Nakausap ko ulit si Kuya Ian kanina ang sanabi ko sa kanya yung kay Kuya Rafael at kay Chelsea, sinabi niya sakin na nakipag break daw si Kuya Rafael kay Chelsea kagabi. Hindi ko alam kung paano niya nalaman yun break up nilang dalawa.
"Guys!! Nasabi na namin ang mga rules ng games lahat kayo nabigyan na namin ng maps. Diskarte lang kung paano niyo mahahanap ang mga nakalagay sa map niyo. Bibigyan namin kayo ng oras para mag usap usap na groupmates." lahat kami nag usap usap. May bago kaming groupmates yung dalawang kasama ni Chelsea sina Lorraine and Roxan. Tinignan ko yung kabilang group andun si Darlene na sobrang maka lingkis kay Ezekiel pero tinulak lang naman siya ni Ezekiel. Mag kakasama sina Elida at Chelsea sa group at swempre andun din si Kuya.
"Gusto mo sipain natin si Darlene?" bulong sakin ni Louella na kinatawa namin nina Bryan. Natapos na yung time na binigay samin at lahat kami nakahanda at inayos na din namin yung mga dapat ayusin samin. Pero hindi kami mapakali sa dalawa namin kasama dahil parang may gagawin silang hindi tama.
Nag simula na yung gagawin namin ang kailangan lang kunin lahat mga flags na meron sa bawat map na binigay samin. Kaya kaming mga kagroup ko nag hiwahiwalay sa pag kuha ng mga flags kasi may naka assign na bawat samin. "KYLIE! Nakuha ko na yun flag tara samahan na kita dun sayo." prisintang sabi ni Louella.
Mag kasama kaming sinusundan yung maps na meron kami. Sabi nina Tristan malaki ang lugar kung saan kami mag hahanap kaya mejo matagl tagal talaga kami sa game na ito. Sina Tristan naman nag aayos na ulit sila para bukas na game kaya may ginagawa pa din sila ang nag hihintay samin aa House camp yung nag babantay ng Camp Madrid.
"Kanina pa tayo lakad ng lakad Kylie hindi natin makita yung flag mo." Hindi ako tumitigil dahil alam ko andito lang yun kasi ito yung flag na binigay sakin ni Tristan. "Andito lang yun hanapin nalang natin ng mabuti." nakakita kami ng isang maliit na kubo at nag pahinga muna kami dun ni Louella. Kaming dalawa lang ang mag kasama hindi pa namin nakikita o nakakasalubong ang iba samin. Sana nakuha na nila yung flags nila.
"Kylie!! Ayun yung flag!" tumingin agad ako sa tinuro ni Louella at agad kaming pumunta dun. Mejo mahirap siyang puntahan dahil parang nasa dulo siya at may mga grass din na humaharang sa daan namin. Bakit dito nilagay yung flag. Inabot ko yung flag pero nadulas ako. "KYLIE!!!!"
"Louella! Tulungan mo ako!" nakahawak ako sa paanan ng puno, nadulas ako at hindi ko napansin na bangin ang huhulugan ko!! Tinulungan ako ni Louella pero hindi niya ako kayang higitin dahil sa bigat ng katawanan ko. "Kylie! Hold on! Hahanap ako ng tulong. Wag kang bibitaw please." naiiyak na sabi ni Louella at mabilis siyang tumakbo pabalik. Bilisan mo Louella please hindi ko kayang tumagal dito!
"Tulong!!!" sigaw ko. Kahit malabong may makaranig sakin umaasa akong may mapupunta dito. Tulungan niyo ako please. Hindi ko na kayang kumapit pa, konting koni nalang makakabitaw na ako dito. "Tulo ng!!!"
"Ahhhh! Tulong!" asan kana ba Louella? Bakit ang tagal mo. Napapagod na akong kumapit. "Tulong!!" nakarinig ako ng mga footsteps na parang tumatakbo kaya sumigaw ulit ako, narinig kong papalapit sila kung asan ako kaya mas tinibayan ko ang kapit ko. "Kylie!" tinignan ko ng dalawang babae na nakatingin sakin sina Roxan at Lorraine. Agad nila akong tinulungan at tangumpay nila akong nahigit.
"T-thank you so much!" naiiyak ko na sabi at niyakap ko silang dalawa. Nakita ko na papunta dito sina Bryan at agad nila akong tinignan kung may sugat pa ako o wala. Nag pasalamat ako sa dalawa pero parang may mas inisip silang dalawa. "Paano napunta yung flag jan?"
"Mamaya na yan Bryan ang mahalaga okay na si Kylie. Salamat Roxan at Lorraine." nag katinginan silang dalawa at agad silang lumapit samin. "Hindi na namin kaya please mamaya na yan may mas nangangailangan pa ng tulong natin, guys tulungan niyo si Elida baka ituloy nina Chelsea ang plano nila ni Darlene." umiiyak nilang sumbong samin. Agad kaming kinabahan sa sinabi nila.
Sinabi nila na balak lunurin nina Chelsea at Darlene si Elida. Narinig daw nila ang pag uusapan nung dalawa kagabi na may balak silang masama at nung nalaman nila na narinig ni Chelsea na narinig nung dalawa ang plano niya inutusan ni Chelsea na ilagay yung flag ko sa delikadong part lumabas sila ng gabi para hanapin ang flag na mapupunta sakin tapos nilagay nila malapit sa cliff. Kaya pala binigay sakin ni Roxan ang pag kuha sa flag na yun dahil may mangyayari. Humingi din sila sakin ng sorry at pinatawad ko naman dahil nakonsenya sila.
Agad kaming tumakbo at humingi ng tulong sa iba. Kinakabahan ako kay Elida pero andun si kuya para protektahan siya pero iba pa din ang kutob ko. Pag katapos namin humingi ng tulong agad namin hinanap sina Elida mejo nag didilim ka din. Elida asan kaba?
Bigla akong kinabahan ng makita namin si Elida nasa tubig habang si Kuya naka higa sa seaside! Agad kaming nag takbuhan papalit sa kanila. "Kuya!! Wake up!"
"Kuya!!! Tulungan niyo si Kuya dumudugo ang ulo niya." umiiyak kong sabi agad lumapit si Ezekiel at Bryan para buhatin si Kuya. Buhat naman ni Russel si Elida at sabay sabay kami tumakbo papunta sa camp house.
Dumating din agad ang mga ambulance at dinala agad sila sa hospital sabi ni Russel susunod nalang kami may hinihintay lang daw kami. "Ezekiel si Kuya at si Elida." iyak kong sabi habang yakap yakap ako ni Ezekiel. Sinabi ni Russel na hintayin sina Chelsea at Darlene.
You'll pay for this Chelsea and Darlene!!
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...