KYLIE'S POV
"Kinakabahan ako" habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan na nakahinto sa harap ng simbahan. "Ma'am ang ganda niyo po bride" ngumuti lamang ako at hinawakan ang kanyang balikat. Hindi ko maisip na sa 22 years ko na nabubuhay sa mundo makakahanap ako ng tao na makakasama ko habang buhay.
"Ma'am bakit parang nag kakagulo po sa labas?" tumingin ako sa labas at napansin ko na nag kakagulo nga, nakita ko si Mama na papalapit sa kotse kung saan ako nakasakay. "Anak! Pasensya kana nalate kasi si Eugene, mag handa kana at konting minuto nalang ay lalabas kana"
Sa sinabi ni Mama nakaramdam ako ng gaan ng loob at nawala ang kaba na kanina ko pa nararamdam at malalamig na pawis. Nakangiti akong lumabas at ramdam pa din ang kaba. Habang naririnig ko ang paborito namin kanta ni Eugene kasabay ang pag patak ng luha ko sa sobrang saya. Nakangiti akong nakatingin kina Mama at Papa na siyang akay ako papuntang Altar kung saan andun ang lalaking makakasama ko habang buhay.
Nakatingin ako sa paligid. Andito ang mga kaibigan ko, mga Kuya ko at Pamilya ko at Pamilya din ni Eugene. Pero mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng makita ko si Eugene na walang emosyon sa mata niya na hindi ko maintindihan.
"Eugene ingatan mo ang anak ko ah?" natagalan pa bago sumagot si Eugene at nung napansin niya na nakatingin kami lahat sa kanya saka lang siya nag salita. "O-opo Pa"
May problema ba Eugene?
Nakatingin ako sa kanya pero nakita ko sa mata niya ang lungkot na parang nag sisisi siya na andito siya sa tabi ko. "May problema ba Love?" nawala sa ulirat si Eugene at ngumiti lamang siya sakin.
"May tututol ba sa kasalan na ito" tahimik pero mabilis ang kabog ng puso ko na parang may hindi magandang mangyayari. "Wal.." hindi naituloy ng pari ang kanyang sasabihin ng mag salita nalang bigla si Eugene.
"Ako Father, tumututol ako sa kasal na ito" sandali akong napaurong at nanginginig ang tuhod ko, rinig ko ang bulungan ng mga tao at pag apila ng mga kapatid ko. "Anong katarantaduhan to Eugene?!" rinig ko ang sigaw ni Kuya Ian.
"Nag bibiro ka lang Love diba? Ito na yun simula ng pangarap natin" sandali siyang natahimik at nag hihintay lang ako ng sagot. "Sorry Kylie but I'm not sure anymore, lalo na dahil may nakilala akong babae."
Para akong binuhusan ng yelo at randam ko na nababasa na ang mga pisnge ko. "Haha! Nakilala lang pala Love, wala yun! Pwede pa naman natin maayos eh" nakuha ko pa tumawa kahit alam ko na pwede ako matumba sa sobrang panginginig ng tuhod ko.
"Sorry Kylie, mahal kita pero mas mahal ko na siya 1 year na kami at gusto ko siya ang papakasalan ko." tulala lamang ako pero alam ko na nag kakagulo na dito sa simbahan, samantalang ako parang wala akong maramdaman. Basta ang nagawa ko nalang ay ang tumakbo palabas ng simbahan at inagaw ang kotse kay manong.
Mas binilisan ko ang takbo ng kotse at dumeretsyo ako sa bahay namin. "Ms.Kylie! Bakit ganyan ang istura niyo? Tapos na po ba ang kasal?!" hindi ko pinansin ang mga tao sa bahay at dumeretsyo ako sa kwarto ko.
Vows, Ido's, Dance together.......
This is just a dream right? Please wake me up! This is just a fvcking nightmare right?!
Eugene I thought you were different, but I was wrong.
"Anak?" unti unti kung minulat ang mga mata ko. Nakita ko sina Mama at Papa kasama sina Kuya. Pag mulat palang ng mata ko nanginginit na ang mga ko at nag uunahan nanaman lumabas ang mga luha ko. "Ssshhh tahan na" pag iyak ko lang ang naririnig sa loob ng kwarto ko.
"Mama gusto ko lumayo, ayoko dito" tumatango lang sina Mama at Papa. Ayoko dito dahil puro alaala lang ni Eugene ang maiisip ko.
I love you Kylie! Promise ko sayo yan taga mo sa bago at sa utak mo mahal kita at wala ng iba
Hindi ko alam kung may nagawa ba ako? May pag kakamali ba ako? May kulang ba sakin para lokohin niya ako ng isang taon? Bakit hindi na niya nalang sinabi sakin para di na ako umasa na kami sa huli na kaming dalawa ang mag sasama. Bakit pa niya ako inalok ng kasal one year ago kung may nameet na pala siyang iba?
Nakita ko nalang na ipag iimpake ako ni Ate Viki, hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko. Napansin ko nalang din na hindi na ako naka wedding gown. "Kylie, hinahanda ko na ang damit mo, aalis kayo ni Kuya Rafael mo" pag kasabi ni Ate Viki sabay pasok naman ni Kuya.
"Kuya pwede ba na ako nalang muna ang umalis? Kaya ko mag isa, gusto ko mapag isa" tumabi sakin si Kuya at inabot sakin ang passport ko at ticket ko papuntang Japan. Ngumiti ako ng bahagya kasi alam ko na payag siya sa gusto ko.
"Ipangako mo sakin sesa na 30 days lang ah? Inaasahan ko sa pag balik mo maayos kana. Alam ko mahirap mag move on pero wag mo hayaan ang sarili mo na kainin ka ng sakit na yan." Si Kuya Rafael ang kalmado sa mga kuya ko pero masama siya magalit at alam ko na nag titimpi lang siya dahil alam niya na ayoko silang mapaaway.
"Anak mag iingat ka dun ah? Basta tawagan mo kami ah? Hindi ka na namim pipilitin kung ayaw mo talaga ng may kasama." umiiyak na sabi ni Mama habang hinatid nila ako sa Airport.
Eugene ikaw ba asan ka? Andun kaba sa bago mo na mas mahal mo kesa sakin? Siguro nga mas mahal mo siya kasi tinapon mo ang 12 years na mag kakilala tayo. 10 years old lang ako ng nakilala kita at ikaw naman ay 12 years old, nung dumating ako ng 16 naging girlfriend mo ako.
Mas mahal mo talaga siya ano Eugene? Kasi pinili mo akong saktan at maging masaya kasama ang iba.
Umaasa ako na punta si Eugene dito at pigilan ako na sabihin niya sakin na nag kamali siya at ako ang mahal niya.
Please Eugene.......
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Storie d'amore[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...