Chapter 41: Fireworks

139 10 0
                                    

Kanina pa ako tulala nakatingin sa ceiling habang tuloy lang ang pag patak ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan maiyak pag naaalala ko yung sinabi ni Ezekiel kanina. Nakaramdam ako ng sakit na parang ayoko nalang matapos yung vacation ko. Ang hindi ko maintindihan sa kanya, bakit parang hindi na kami mag kikita. Pwede naman yun pero sa mga sinabi niya para na siyang nag papaalam at yung iilang days na natitira ay parang isang malaking pag papaalam nalang.


I can't even understand myself too. Why am I crying like this? I mean, I'm too affected of what he has just say. I'm too emotional. It's like there's something on chest that makes me feel hurt!! "What's on you Ezekiel? Why do I feel this way?" I wiped out my tears and hug the pillow.


Yakap yakap ko ang unan kahit basang basa na siya ng luha ko. Ayaw niya tumigil kahit anong pilit ko at paulit ulit kong punasan ang mga luha ko. Kahit hindi ko naman dapat maramdaman to pero sobrang bigat ng loob ko sa mga sinabi niya. Gosh!!! I wanna stop right now but argh!!!


Inayos ko yung sarili ko at pinawala yung maga ng mata ko bago ako lumabas ng kwarto. I hate this!! I really hate this feeling! It feels like I'm losing someone again. Hindi ko alam kung may problema ba sakin para iwanan ako o may balak palang iwanan ako. Sa pag kakataon na ito ayoko makaramdam ng ganito. Mali kasi ito, kaibigan ko si Ezekiel at ganon din si Ellie. Baka tama ang nasa isip ko na ikakasal na silang dalawa. Kailangan ko ng umalis dito.


"Baby girl." agad kong hinigit si kuya Ian papasok ng bahay, dahil kailangan ko siyang kausapin. Sakto na naandito si kuya para makausap ko siya. "Teka. Bakit ba?"


"Kasi Kuya pwede na ba ako umuwi?" tinignan niya ako ng seryoso kaya umiwas lang ako ng tingin sa kanya, takot lahat ako sa lahat ng mga kuya ko, sina Kuya Rafael, Ian, Liro, at Hiro. Lahat sila nakakatakot magalit pero mababait naman sila. "May problema ba?" umiling lang ako sa kanya, pero paulit ulit pa din siya ng tanong sakin pero ganon din ang sagot ko iling lang ng ulo.


"Kylie! Anjan kaba? Tara na sa baba mag dinner na tayo!" rinig ko na sigaw ni Erika, nakahinga ako ng maayos dahil dumating siya. Hindi pa ako handa mag open up kay Kuya Ian. 'Mag uusap tayo mamaya baby girl' may halong pag babanta yung sinabi ni Kuya kaya pumayag na ako dahil ako din naman ang may gustong makausap siya eh.


"Oh anjan ka pala Ian eh. Tara na sa baba nag hihintay na sila dun." nakita ko si Ezekiel na pababa din pero hindi kami nag pansinan at derederetsyo lang kami kung asan ang iba. "Come Kylie." yumakap si Kuya kay Elida. Pinag higit niya kami ng upuan ni Elida. Hindi ako makampante dahil ang bigat talaga ng awra. Lahat ba kami o ako lang? "Kylie may sakit kaba? Bakit ayaw mo galawin yung pag kain mo?" tanong ni Louella kaya napatingin lang ako sa kanya.


"Ah eh wala." lahat sila nakatingin lang sakin pero si Ezekiel lang ang hindi pero nakatigil siya sa pag kain. Ano ba ang problema ko? Nakakainis at naiinis na talaga ako sa sarili ko! Tumayo siya at dinala niya yung pag kain niya. "Sa kwarto na ako kakain. Sorry, Excuse me." sinundan ko lang siya ng tingin habang ang iba ay nag titingan lang na parang nakaramdam sila ng mali. Hinawakan ko lang ng mahigpit yung dress ko.


Nakaramdam ako ng may binulong sakin si Kuya. "Let's talk later." bumuntong hininga nalang ako. Tumayo si Kuya at pinag excuse niya ako sa lahat tapos hinatid niya ako sa kwarto, sinabi niya lang sakit na pupuntahan niya nalang ako mamaya.


Gusto ko makasigurado, ayoko ng padalos dalos dahil ako lang din ang mahihirapan. Gusto malaman kung tama ba yung hinala ko pero kung tama, wala na akong magagawa kundi ang umalis at mag paalam sa kanilang lahat at mag pasalamat. Lumabas ako sa balcony para mag pahangin, pero naiiyak nanaman ako. Wala na atang balak tumugil yung luha ko sa pag patak.


"Gusto kitang puntahan ngayon pero gabi na, hindi din papayag si Kuya Ian na puntahan kita dahil malayo ka." umiiyak kong sabi habang nakatingin sa mga stars. Siguro nakayakap ka sakin ngayon kung kasama kita dito. Siguro papatawanin mo ako katulad ng dati, kaso ang layo mo na sakin eh.


"Baby girl." naramdaman ko na nakalapit na si Kuya Ian bago ko pa siya lingunin. "Gusto mo puntahan natin siya bukas?" yumakap lang ako sa kanya at mabilis na tumango. Sinabi ko na din kay Kuya kung bakit ako nag kakaganito, umiwas lang siya ng tingin sakin at niyakap ako. Unang beses palang na walang sinasabi si Kuya Ian sakin kahit may nasabi ako sa kanya, tahimik lang siya na nakikinig sa mga sinasabi ko.


Napansin ko na lumabas silang lahat sa may garden, andun din si Ezekiel. Nakatitig lang ako sa kanya, pinag mamasdan ko yung mukha niya. Nakita ko na may kalungkutan sa mga mata ni Ezekiel. Napatingin ako sa langit ng makarinig ako ng putok, sunod sunod na fireworks ang tinitignan ko.


Hindi fireworks ang mismong nag papakabog sakin ngayon. Alam ko puso ko ang nararamdam ko.

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon