"I'm Ezekiel Madrid." naandito na kami sa hotel na kung saan kami mag stay sabi ni Ezekiel 2 days and 1 night lang kami dito sa Casa Rica may mga pupuntahan daw kami mamaya unahin nalang muna namin mag pahinga. "Sir here's the key."
"Kylie mag katapatan lang tayo ng room let's go." wow! Ang vintage kasi ng type ng hotel dito may mga modern style nanaman pero mas gusto ko yung ganito kasi inaaligan nila yung meron dito sa Vigan.
"Ayan na mga gamit mo, just knock if you need something okay?"
"Okay thanks Ezekiel! Buti ginamit mo na yung gulo---- hehe sabi ko nga wala sige byebye!" sabay tulak sa kanya palabas ng pinto paano ba naman kasi sinamaan niya nanaman ako ng tingin.
Agad ko nilock ang pinto ko, at dumeretsyo na sa C.R dahil nanlalagkit ako sa sarili ko kahit hindi naman ako pinawisan. Masarap ang daloy ng tubig sa katawan ko malamig pero masarap sa pakiramdam.
Nakakamiss yung may nag aalala sayo at nag papahalaga katulad ng ginagawa ng may mga mahal at nag mamahalan.
Umiiyak nanaman ako, umiiyak nanaman ako dahil sa pangungulila ko sa kanya, kamusta kana ba? Hinahahanap mo ba ako? Siguro hindi. Kasi alam ko masaya ka kasama ang babaeng gusto mo makasama.
Kasabay ng pag patak ng tubig sa katawan ko ganon din ang luha ko. Luhang inaalay ko sayo dahil sa sakit na ng nararamdaman ko. Isang taon mo akong niloko na dapat hindi mo ginawa at sinabi nalang sakin ang totoo posible na maintindihan ko pa pero ang lokohon ako ng isang taong pinag katiwalaan ko buong buhay ko, yun ang di ko matatanggap.
Kailan ko kaya maririnig na mahal mo pa ako? Na hindi mo kayang wala ako sa buhay mo. Lalo na ang sabihin ako ang buhay mo at ako ang pangarap mo.
Oo umaasa pa ako sa saling tayo at hindi sa salitang kayo.
Sa dami ng tao sa mundo bakit ikaw pa Eugene? Bakit ikaw pa ang nanloko sakin?
Pinahid ko ang luha ko at sabay pag patay ng shower, inayos ko ang sarili ko dahil nangako ako na kakalimutan kita Eugune at naandito ako sa vacation para makalimutan ka at damhin ang salitang 'baka dito malaya na ako'
Pag labas ko sa C.R naramdaman ko yung lamig agad ng kwarto dahil sa aircon. Nag suot ako ng black skirt with white top at black keds. "Buti dinala ko yung make ups na naandun!"
Favorite ko itong iwhite na BB cream light and beige gusto ko yung dalawang ito lalo yung moisturizer nila ang lamig sa mukha. Simpleng make up lang naman ang nilalagay ko sa mukha yung everyday make up lang.
Teka gamit ni Ezekiel yung sling bag na yun ah? Teka! Baka andun yung gamit ko! Kinuha ko yung sling bag niya and gotcha! I got my things!
Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin kinuha ang peach color na sling bag at nilagay ang mga gamit na madadala ko.
*knock*
"Kylie?" agad ako ng suklay at tumakbo sa may pinto. "Ezekiel! Saan tayo pupunta?" bakit tulala nanaman ito at tinignan ako simula ulo hanggang paa. "Ah sa Bantay Church, ano tara?"
Pag dating palang namin sa simbahan agad ako lumuhod at nag dasal.
Ama, Salamat sa lahat ng blessings na binigay mo sakin, salamat sa gabay at sa pag aalalaga mo sakin. Ama, tulungan niyo po akong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Bigyan niyo po ako ng sign na lahat ng sakit na nararamdaman ko ay mawawala balang araw. Maraming salamat po Ama.
"Iha" nagulat ako sa matandang lumapit sakin pag katapos ko mag dasal. "Magandang hapon po Lola." sabay mano. Dahil nakaugalian ko na yun tinuro kasi sakin nina Mama yun na laging mag mano sa matanda.
"Iha, bakit ka nahihirapan bumitaw kung wala ka naman pinang hahawakan?" nung una hindi ko pa maintindihan si Lola pero hinawakan niya ang kamay ko. "Naguguluhan ka pero alam ko Iha na alam mo ang binabanggit ko, nararamdam ko at kikita ko sa mga mata mo ang sakit na nararamdaman mo."
"Lola, bakit po ganon? Binigay ko naman po lahat sa kanya pero nagawa niya pa din mag hanap ng iba."
"Alam mo Iha hindi porket binagay mo na lahat sa isang tao ibig sabihin habang buhay kana niyang mamahalin, minsan ang pag mamahal at sakit yan ang tulay para makita natin ang nararapat para sa atin. Para mo na din sinabi na ang pag mamahal ay lagi dapat may kapalit. Lahat ng bagay may katapusan Iha kahit anong pag aalaga mo. Dalawang bagay ang makakapagtapos Kamatayan o Buhay pero iniwan." malalim ang sinabi ni Lola pero naiintindihan ko naman. Napaka hirap mag tiwala at isuko ang puso kung alam mo naman na sobra kang nadurog sa nakaraan mo na relasyon.
"Minsan talaga may mga bagay na mahirap ipaliwanag lalo na pagdating sa usapang puso Iha, hayan mo na gumaling ang sakit na nararamdaman mo."
"Paano ko sisimulan Lola? Sobra akong nasaktan, hindi ko po alam kung saan at paano." ngumiti lamang sakin si Lola at hinawakan ang dibdib ko sa may puso. "Dito Iha simulan mo sa puso mo."
"Kylie?" tinignan ko si Ezekiel at bumalik ang tingin ko kay Lola. Ngumiti nanaman siya sakin. "Iha mauna na ako ah? Maligayang pag dating dito sa Vigan, Siya na yun Iha siya na."
Ang pinakamahirap na kalaban sa pag momove on ay ang salitang pwede pa.
Lola sino po siya?
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...