Chapter 13: I'm Sorry

172 11 4
                                    

Pag dating namin dito sa condo niya walang nag sasalita, hindi ako makapag salita sa sobrang hiya. Dumeretsyo siya sa kwarto niya at ako naman naiwan dito sa sofa nag iisip kung paano ako mag sosorry.


Kanina kasi nagulat talaga ako ng makita yung tickets sa kotse niya, sinadya niya yun para makita ko. Yun pala yung sinasabi niya na reason kung bakit kailangan namin umuwi.


Umuwi? Bakit di nalang kaya ako umuwi sa bahay namin? Andito na maman ako sa manila.


Pero tinignan ko yung kwarto ni Ezekiel, inalala ko kung paano kami mag away at kung paano niya ako inalagaan. Nagulat talaga ako kanina doon sa tickets.


[ FLASHBACK ]


"Saan ito ng galing?" tinignan niya lang ako ng walang emosyon na dahilan para kabahan ako ng sobra.


"We're going there tomorrow." tapos pinaandar niya na yung kotse niya. Tinitigan ko ng sobra yung ticket na dalawa na hawak ko.


BTS Concert


[ END OF FLASHBACK ]


Tumayo ako at dumeretsyo sa kusina at binuksan ko yung ref ni Ezekiel, tinignan ko ang meron sa loob ng ref niya nag hahanap ako ng pwedeng lutuin. Thanks God at kumpleto siya sa mga gamit dito.


Ano ba ang gusto niyang pag kain? Ano kaya favorite niya? Hmmm!! "Sige kahit ano nalang ang gusto ko lutuin."


Sana mamaya pa magising si Ezekiel para maayos ko lahat ng mga dapat kong gawin at lutuin. Tama lang naman ang ginagawa ko na ipag luto siya, kasi inaway ko pa siya eh wala naman siyang ginagawa na masama tutal pa nga libre na nga ako sa lahat eh. Kapal ng mukha ko diba? Gusto ko lang kasi talaga puntahan yung Lighthouse


Naisip ko nanaman si Eugene dahil ganito din ako sa kanya pinag luluto at pinag b'bake ko din siya ng mga gusto niyang pag kain. "Hayss tama na nga! Kakalimutan mo na nga diba?" sabi ko sa sarili ko.


Pinakit ko ng madiin ang mata ko para pigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko. Gusto ko na makalimot. Sobrang masakit at nasasaktan pa din ako kaya gusto ko na maging maayos ang lahat.


Huminga ako ng malalim at pinag patuloy ang ginawa ko sinabayan ko na din ang song. "I know it breaks your heart lalalalalala....."


Mejo nagiging makalat na din ang kusina ni Ezekiel dahil sa mga flour na kaya mabilis ko din nilinis baka kasi bigla siyang dumating. Siguro mamaya pa siya magigising dahil sobrang pagod siya sa pag mamaneho.


*Ring*


"Hello?"


[ Finally!!! Nacontact na din kita babae ka!! Asan kana ba Kylie?! Nag aalala kami dito nina Denise!! Bessy naman!! ]


"Amm Ara mamaya nalang tayo mag usap may ginagawa pa ako. Sige bye!"


[ Wai------- ]


Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil hindi ko alam kung paano ako mag eexplain sa kanila ni Denise. Si Ara at si Denise ang bestfriend ko simula HighSchool hanggang college. Nakokonsensya ako kasi alam ko nag aalala sila tapos ganon pa gagawin ko.


Inayos ko ang pag kakagay ko nung gagawin ko na cake sa oven para maayos. Tinignan ko yung iba ko pang gagamitin at nung okay na sinimulan ko na ang pag luluto habang hinihintay ko na ma'bake yung strawberry cake na ginawa ko.


-----


Naayos ko na lahat ng mga naluto ko nailagay ko na din sa lamesa lahat.


Strawberry Cake


Rice


Caldereta


Lasagna


Carbonara


Siguro naman magugustuhan ni Ezekiel lahat ng hinanda ko para ipaalam na nag sosorry ako sa nagawa ko sa kanya ma hindi ko naman sinasadya. Yung cake nilagyan ko pa ng SORRY yun para mas lalo niya makita na seryoso ako.


Narinig ko na nag bukas yung pinto ng kwarto niya kaya agad kong pinatay yung ilaw sa kusina at inayos ang sarili ko. Guys nakaligo na ako at nakapag ayos!! Baka isipin niyo hindi ako naligo eh.


Nakita ko yung anino niya na papasok sa kusina kaya hinanda ko na yung sarili ko sa surprise ko sa kanya.


*Click!*


"SURPRISE!!!" nagulat siya nung makita niya ako at yung mga nahanda sa lamesa. Hinawakan ko ang kamay ni Ezekiel at pinaupo sa upuan tyaka ko nilapit sa kanya yung cake.


"You cooked all of these? And this cake, Did you bake it?"


"Yes. I just wanna say sorry for what I've done and for being a brat." nahihiya ako sa kanya kaya mejo lumayo ako sa kanya ng konti. Tinignan ko siya, parang ayaw niya yung ginawa ko kaya mejo nalungkot ako kasi pinag paguran ko yun. Full of efforts.


Tumayo siya, akala ko aalis na siya pero nag kamali ako. Bigla niya akong hinigit at sabay yakap kaya tumama yung mukha ko sa chest niya'ng napaka tigas!!


Yakap yakap lang ako ni Ezekiel at ako? Hindi nanaman ako magalaw kasi napakalakas ng tibok ng puso ko. "Thank You Kylie! Kahit hindi mo kailangan gawin ito kasi hindi naman ako galit at hinding hindi ako magagalit sayo. Thank you so much."


Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam nung salitang Thank you galing sa kanya siguro kasi worth it lahat ng pagod at hirap ko sa pag luluto.


Masaya kaming kumain na dalawa ni Ezekiel sinabi niya na share na kami sa isang plato kaya pumayag na ako.


Suddenly I feel like we're couple.


[ HAPPY 1st MONTH GUYS! Hahahaha may pag ganito eh no? Char! Thank you!! ]

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon