Chapter 39: Confused and Curious

144 10 1
                                    

Hindi ako nag pahalata kay Michael na tinignan ko yung cellphone niya. May dumagdag nanaman sa isip ko. Bakit may ganon siya sa phone niya? Nung dumating si Michael nakita niya siguro na nasa legs ko yung phone niya at nung tinignan ko siya para siyang pinag papawisan ng malamig at nakatingin lang siya sa phone niya.


"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Agad naman niya nabawi yung reaksyon niya at binigay ko yung cellphone niya. Hindi ko pinahalata sa kanya na may nakita ako at dahilan para mag isip nanaman ako ng sobra. "Salamat sa pancakes pero kailangan ko na bumalik Michael baka hinahanap na ako ni Kuya Ian." napatingin siya sakin na parang nanlalaki ang mata niya. Ngumiti lang ako sa kanya at nag lakad ng mabilis pabalik sa Madrid's


Pero hindi pa ako nakakalayo bumalik at tingin ko kay Michael at nakita ko na may kausap siyang na nakatalikod, hindi ko alam kung babae ba o lalaki dahil naka pants at hoodie siya. Damn!! Nag lakad na ulit ako at malalim ang iniisip. Hindi ko maintindahan bakit ganon? Anong meron sa kanilang dalawa? Argh!! Dumadami ang tanong ko sa isipan ko!! "Michael may hindi ka ata sinasabi sakin at aalamin ko yun!"


Hindi ko maintindihan parang may mali na sa paligid ko, bakit parang lahat may mali sa kinikilos nila. Kailangan ko din makausap si Kuya Ian kung bakit ako may visions na nakkita tuwing sumasakit ng sobra ang ulo ko. Nung malapit na ako sa bahay ng mga Madrid's nakita ko si Kuya Ian may kausap siyang babae at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila. Nung mapansin nung babae na malapit lang ako sa likod nila agad siyang umalis at nag mamadaling sumakay sa kotse niya. Pero nung dumaan yung kotse niya sakin tinitigan ko talaga yung driver. Darlene?!


Kung si Darlene yun bakit niya kausap si kuya? Bakit sila mukhang seryoso? Bigla nalang nawala si Darlene sa hospital nung may nangyari kina Elida.


"Bakit mo kausap si Darlene kuya?" tinignan niya ako at hindi talaga ako mag papatinag ngayon! Madaming gumugulo sa isip ko! Madaming tanong na gusto ko ng masagutan kasi baka mabaliw na ako! Una yung kay Michael, pangalawa yung kay Kuya at kay Darlene. Ano pa ang susunod?! "Napadaan lang para humingi ng sorry."


"Kuya may aksidente ba na nangyari sakin nung bata pa ako?" nagulat siya sa tanong ko at tinanong niya ako kung bakit ko tinanong kaya sinabi ko ang dahilan na may nakikita akong Visions pag sumasakit ng sobra ang ulo ko na may nakikita akong batang babae at alam ko na ako yun! "Ano ba ang sinasabi mo Kylie? Wala naman ah! Baka kung ano lang yan. Hayaan mo na yun." I trust you Kuya Ian.


Nung pumasok kami sa bahay andun silang lahat tapos may dalawang maleta malapit sa pinto. Nakita ko na bumaba si Ellie kasama si Ezekiel. Tinignan ko lang silang dalawa, masaya at mukha kinikilig. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung isipin pero nag iinit ang dugo ko na makita silang dalawa, naguguluhan at hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko!


"Ellisa paano ba yan mag kita nalang tayo next week! Mag plaplano pa tayo ng kasal haha!" Kasal? Sino ang ikakasal? Tumingin ako sa kamay ni Ellie at nakita ko ang isang engagement ring?! Kaya ba sila nawala ni Ezekiel kagabi kasi nag proposed na si Ezekiel?! "Baby girl okay ka lang ba? Bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo?"


"Wala Kuya." lahat sila pinag uusapan ang kasal na magaganap pero hindi sila nag d'drop name basta si Ezekiel nakangiti lang habang nakaakbay lang kay Ellisa. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inis at pang hihinayang. Dapat ko ba talaga maramdaman ito? "Kylie okay ka lang ba? Kahapon kapa hindi nag sasalita." tanong sakin ni Chelsea, Oo andito siya at dito na siya nakatira kasama ng iba. Sinabi ko na okay lang ako at masama lang ang pakiramdam ko siguro dala na din na ng menstruation.


Lahat kami andito sa labas ng bahay para ihatid si Ellie sa kotse na sumundo sa kanya, hindi lumabas yung driver tapos naka cap pa ata siya sa loob ng kotse. Weird......"Bye Ellisa! Enjoy sa paris ah? Haha! Wedding bells remember!" sigaw ni Erika at lahat sila nag tawanan maliban sakin.


"Haha sure! Ezekiel! See you I Love You!" tapos sumakay na siya sa kotse at pinaandar na ito. Naguguluhan na ako sa nangyayari! Gusto ko sana kausapin si Ellie pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako at baka kung ano lang din ang masabi ko. Biglang sumigaw si Ezekiel ng 'Iloveyoutoo' kahit alam niya na hindi siya maririnig nito dahil nakaalis na yung kotse.


Hindi mawala sa isip ko yung nakita ko sa phone ni Michael, baka naman mali yung iniisip ko? Pero hindi eh! Malinaw naman na may something eh!! Umupo ako sa garden at inisip ng mabuti kung tama ba lahat ng iniisip ko.


Michael bakit may picture kayo ni Ellie na naka'kiss ka sa cheeks niya at nakayakap pa sayo si Ellie? Ellie are you cheating on Ezekiel?

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon