"Kylie infairness sayo ah tinapatan mo ng katarayan si Chelsea." tuwang tuwang sabi ni Louella, sa totoo lang wala naman talaga akong balak patulan si Chelsea kaso napikon talaga ako sa sinabi niya. "Ayoko lang ng nasasabihan ng ganon, hindi naman kami mag kakilala para sabihan niya ako ng ganon. Pero teka diba pinsan niyo siya bakit kaaway niyo ata?"
Lahat sila natahimik kahit si Ezekiel tahimik din sa tabi ko, tinignan ko silang lahat puro seryoso ang mukha nila at mukhang wala din silang balak mag kwento kaya hindi na din ako mag tatanong. "Later we will tell you."
Hindi lang din yun ang gusto kong malaman, gusto ko din malaman kung bakit ako ginawang fake girlfriend ni Ezekiel. Gusto ko malaman kung bakit kung may kinalaman sina Chelsea at Darlene sa nangyayari. Tinignan ko lang si Ezekiel mukha siyang problemado. "Uy! May problema ba?"
"Wala naman iniisip ko lang sina Chelsea alam ko na hindi niya ako titigilan dahil kay darlene." Ano ba ang problema nila? Hindi pa ba malinaw na ayaw nga ni Ezekiel kay Darlene?! Ano ang naiinis sa ginagawa nila ah. Desperada na ata si Darlene! "I'm sorry kylie dapat di kana nadadamay."
"No worries Ezekiel." Naiinis ako dahil sa tabas ng dila ng mga babae na yun. Ayoko silang isipin dahil mag sasaya kami ngayon at buti nalang wala sila. Nakaramdam ako ng antok at agad akong lumihis ng ulo kay Ezekiel.
"Guys andito na tayo sa Camp Madrid!" Agad akong tumingin sa paligid at namangha ako sa sobrang peaceful ng place. Agad kaming bumaba ng mini bus. "Guys! Pinahanda ko na sa mga care taker natin yung mga gagamitin natin sa camp like game and group games." sabi ni Russel kaya mas lalo kaming excited, nakita ko dim na may beach malapit sa camp house kung saan dito kami lahat matutulog. Wala kaming tent dahil may house dito na gawa sa mga kahoy kaya mas lalong nag mukhang pang camp yung place.
"Ezekiel ang ganda naman dito." naayos na lahat ng gamit sa kanya kanyang kwarto lahat ng boys mag kakasama at kaming girls mag kakasama din kami. "Super ganda." tinignan ko siya at nakatingin din siya sakin. Nababaliw nanaman siya. "Ezekiel set up na natin yung mga tables ang chairs sa may balcony para mas maganda ang view natin mamaya." sabi ni Alex at agad naman akong iniwan ni Ezekiel.
Amindo akong nakakalimot nanaman ako hindi ko na naiisip si Eugene hindi katulad dati na lagi ko siyang naiisip.
"Hello kylie." nilapitan ako nina Anika at tumabi sakin dahil may mahabang upuan dito sa may balcony dalawa kasi ang balcony dito isa sa harap sa may main door ng house at isa sa likod yung pinaka kita yung view ng beach. "Sina Chelsea gusto mo malaman kung bakit kami mag kakaaway diba?"
"Bakit nga ba? Naguguluhan ako kasi mag pipinsan kayo pero mag kakaaway kayo." biglang dumating ang iba sina Elida na may dalang pag kain kaya lahat kami mas piniling umupo nalang sa sahig.
"3 years ago nag simula kaming mag away away dahil sa kanya. Sinungaling siya Kylie lahat kami siniraan niya sa magulang namin, dumating pa yun point na lahat kaming mag pipinsan nag away away dahil akala namin nag tatalo talo na kami pero nalaman namin na si Chelsea ang sumisira ang lahat siya ang favorite ng lahat ng dahil mabait, mahiyain, at matalino pero sa mukhang yun may mga madudumi din siyang ginagawa." nakikinig lang ako sa kanila habang nag kwekwento. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa yun ni Chelsea.
"Sinumbong niya kaming girls na may boyfriend na kami at ang mga boys naman sinumbong niya na nag na'night life sila every friday, lahat kami grounded walang phones o kahit ano wala na kaming social life tapos kinukumpara kami kay Chelsea na perfect girl daw siya."
"Kaya mas lalo kaming nagalit sa kanya kami nag si'net up niya ako sa isang guy na hindi ko kilala akala ko andun sila Russel at Anika pero walang tao dun sa kwarto at nagulat ako ng bigla akong tinulak ng lalaki sa kama at muntik na akong marape, hanggang sa dumating ang parents ko at halos bugbugin ako ni Daddy dahil sa nangyari hindi niya ako hinayaan na mag explain dahil hindi siya naniniwala sila Anika lang ang naniniwala sakin." nagulat ako sa kwento ni Elida, ganon kasama ang ugalit ni Chelsea para gawin niya yun kina Elida?! Tinanong ko sila kung paano nila nalaman na si chelsea ang may gawa nun at anong dahilan.
"Dahil sa inggit niya samin, nalaman namin lahat na hindi pala siya tunay na anak ng Tita Emmie namin na matagal ng patay. Tapos yun lalaki na gusto niya boyfriend ni Elida kaya mas lalo siya nainggit at siniraan niya kaming lahat. Humanap kami ng paraan para malaman ng magulang namin wala kaming ginagawang masama kaya kinumpronta namin si Chelsea at dun siya umamin ang hindi niya alam nakikinig ang mga magulang namin sa cellphone pero nasa kabilang kwarto lang sila. Agad siyang pinalayas sa bahay ni Daddy dahil samin siya nakatira. Pero ang huling balita namin nahanap niya ang tunay niyang magulang." nakita ko ang lunggkot sa mga mata ni Beatrix dahil nag kagulo sila dahil lang kay Chelsea na sinira ang lahat dahil sa inggit at selos.
"Kaya malaki ang galit namin sa kanya, hindi namin makalimutan ang ginawa niya sakin na muntik na akong marape ng dahil sa kanya." naiyak si Elida kaya agad ko siyang niyakap, hindi niya pa din makalimutan yung nangyari sa kanya. Sinabi niya din na iniwan siya ng boyfriend niya dahil sinabi ni Chelsea na niloloko lang siya ni Elida at may pinakita pa daw itong picture na sumama siya sa ibang lalaki papasok sa hotel.
I hate you Chelsea for doing those stupid things!!!
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...