Nung sinasabi ni Ezekiel yun namula ako at agad nag tatakbo sa CR kung totoo yung sinabi niya at nakita ko na wala na dun yung shorts ko! Jusko naman po!! "Van! Asan yung laundry room niyo?" tinuro niya sakin yung dulo ng bahay at agad akong pumunta dun. Napahawak ako sa ulo ko nung makita ko yung shorts at undies ko na nakasampay. Damn this shit!!
"EZEKIEL MADRID!!! PASHNEA KANG LALAKI KA!!!!!!!" sigaw ko talagang nilakasan ko para marinig niya, nahihiya ako ng sobra sa ginawa niya!! Bakit ko ba kasi nakalimutan!! Stupid bitch! Nakakainis naman!! "What? Yes adi Pfft!" nakita ko na tatawa tawa siya habang papalapit sakin habang pataas taas ang kilay niya sakin. Tumungo ako kasi di ako makatingin sa kanya. Adi? Ibig sabihin naintindihan niya yung sinabi ko?! "Anong Adi ka jan! Mine ibig sabihin nun! Argh!"
Nilagpasan ko siya hindi dahil naasar ako kundi dahil nahihiya ako sa kanya. "Matulog kana lang. Halika hatid na kita sa kwarto mo." tulak tulak niya ako na parang bata pero hindi yung tulak na sobrang tulak, yung tulak na para makalakad ako. Nung maihatid niya ako sa kwarto agad ako pumunta sa kama at nag takip ng kumot, narinig ko pa yung tawa niya na parang gustong gusto niya yung ginagawa niya. Narinig ko ang pag sara ng pinto. Kainis!
Bakit niya ba kasi nilabahan yung damit ko? Pero bakit ko ba naman kasi kinalimutan?! Hindi naman ako makakalimutin sa gamit pero bakit nakalimutan ko yun?! Pero thank you pa din kay Ezekiel kasi siya lang ang gumawa nun sakin. Si Eugene hindi niya nagawa yun siguro kasi hindi ako nag iiwan ng kalat, ngayon lang talaga.
Nagising ako sa sakit ng puso ko, hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. "Aww!" agad kong hinawakan yung puson ko dahil ang sakit niya sobra! "Ahh argh!" bakit ngayon ba sumakit ang puson ko?! "Kylie? Anong nangyayari sayo? Oh Cramps shit! Wait a second." agad umalis si Ezekiel sa kama at nag mamadaling lumabas ng kwarto.
Mga ilang minuto lang siguro dumating na si Ezekiel. Naramdaman ko na parang may inaayos siya sa likod ko at naramdaman ko nalang yung pag buhat niya sakin tapos hiniga niya ulit ako. "Hot compress." sabi niya habang inaayos niya yung gagamitin. Nilagay niya agad ito sa may bandang puson ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak niya yung hot compress, nakaramdam ako ng konting pag wala ng cramps ko. Tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya yung gusto niya akong alagaan at bantayan.
Tinanggal ko yung kamay niya sa hot compress dahil naalala ko si Ellie. Ayokong may masabing masama sakin si Ellie dahil sa kilos na ginagawa ni Ezekiel, ayoko din bigyan meaning ang lahat dahil mahirap na. Pero hindi siya nag patinag yung kamay ko naman ang inalis niya at hinawakan yung hot compress. "Wag ka malikot babae."
Bakit parang walang tao sa bahay nila? Asan kaya ang girls? Swempre ganon din ang boys si Van lang ang nakita ko kanina. "Masakit pa din ba? May cravings kaba?" Hindi ko maiwasan na titigan si Ezekiel, ano ba ang ginagawa mo Ezekiel? Bakit kaba ganyan? "Salamat Ezekiel. Wala naman akong gustong kainin."
"May binili akong pads andun siya sa CR ng kwarto mo." sobra sobra na ang ginagawa ni Ezekiel para sakin. Ayokong mag salita kasi hindi ko din naman alam ang sasabihin ko, ayoko din naman mag tanong kasi wala din akong itatanong at kung meron man ayokong marinig ang sagot niya. "Thank you Ezekiel." ngumiti lang siya sakin.
Tumayo siya at pumunta sa CR. Sumasakit nanaman ang puson ko dahil wala na masyadong init yung hot compress. Hindi talaga ganon kadali ang sumakit ang puson minsan ang mahirap pa yung masakit na nga ang puson mo tapos ngalay pa yung balakang mo. Naramdaman ko na may biglang bumuhat sakin at dinala ako sa CR. "Amm tanggalin mo pads mo bilis." sabay sarado niya ng CR. "Para saan?"
"Basta! Tawagin mo ako pag okay na." hindi ko alam pero sinunod ko nalang yung gusto niya, tinawag ko siya at pumasok naman agad siya. Agad niya ulit akong binuhat at dahan dahan niya akong nilagay sa bathtub na may warm water. Nagulat ako dahil alam niya kung paano gawin ang mga ganitong bagay. "You feel better?" I nod.
Nakapikit lang ako habang dinadama ko yung warm water habang si Ezekiel nakaupo lang sa gilid ko. Tinignan ko kung ano ang ginagawa niya nag babasa siya ng libro habang hawak niya yung isa kung kamay. Tumingin siya sakin at ngumiti lang tapos binalik niya na ulit yung tingin niya sa books.
"Ezekiel bakit mo ba ginagawa ito? Baka kung ano ang isipin ni Ellie." tumingin siya at sinarado yung book na hawak niya at lumuhod sa may harapan ko. "Wala naman siya dapat isipin eh. Basta ang mahalaga maging okay na yung pakiramdam mo."
"Pero-----"
"Wala ng pero pero Kylie." hindi ko binitawan yung kamay niya kasi may gusto akong sabihin sa kanya. "Salamat."
"Sabi ko nga sayo diba gagawin ko yung maliliit na bagay na kailangan mo para sumaya ka."
Ano ba talaga Ezekiel? May Ellie kana dapat hindi kana gumagawa ng mga ganitong bagay na pwedeng makasira sa inyong dalawa.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...