Nakakapanibago ang bahay ng mga Madrid's sobrang tahimik parang walang may gustong mag salita sa kanila. Lahat sila tahimik na kumakain. "Kumain ka lang Kylie aalis tayo mamaya." sabi ni Kuya, tumingin naman silang lahat samin na parang may mga lungkot sa mata nila.
Wala si Ezekiel dito ang sabi nila umalis daw may pinuntahan, saan kaya siya pumunta? Bakit kaya hindi niya ako sinama? Pero binago ko ang iniisip ko kasi ayoko na mag isip tungol pa kay Ezekiel. Konting araw nalang uuwi na ako sa bahay namin. "Excuse me guys." pag papaalam ko sa kanila.
Nag ayos na ako lahat na ng mga dadalhin at dadalhin ko para sa pupuntahan namin ni Kuya Ian. Matagal din akong hindi nakapunta sa kanya kaya gustong gusto ko ulit siya makasama. Pag kababa ko nag hihintay na sakin si Kuya Ian, pero naagaw ng atensyon ko si Ezekiel na nilagpasan lang ako na parang hindi niya talaga ako nakita. Pinikit ko ng madiin ang mata ko para maiwasan ang panginginit ng mga mata ko.
"Alis lang muna kami." paalam ni Kuya sa kanila, habang nasa kotse kami iniisip ko si Ezekiel kung bakit ganon niya ako pakitunguhan, galit na siya sakin dahil inaway ko siya kahapon? Dapat ba ako mag sorry kasi pinairal ko yung init ng ulo ko? "Gusto mo ikaw nalang ang pumili ng flowers?"
Nabawi ng lungkot sa mukha ko ng makita ko na nasa flower shop na pala kami ni Kuya Ian. Pag pasok ko naamoy ko na agad ang mababangong flowers at magagandang ayos nito. "Goodafternoon Ma'am" nag ikot ikot muna ako sa shop habang nakasunod sakin yung babae. "Ma'am for what occassion po yung flower?" hindi ko sinasabi sa kanya kung para saan. Sinabi ko nalang na kukuha ako ng all white flowers.
Habang inaayos niya yung flowers na mga napili ko. Tinignan ko yung name ng flower shop niya. Gavina's Flowers ang name ng shop niya. "Bakit Gavina ang name ng flower shop Miss?" inabot niya sakin yung white flowers ko. "My name is Gavina Ma'am so I decided to name it by my name." wow ang ganda ng name niya tapos ang angelic ng mukha niya ang ganda niya pa, pero may napansin ako sa bandang part ng dibdib niya pero hindi ako sigurado sa nakita ko kaya pinag walang bahala ko nalang. "Thank you Gavina!" friends na kami!
Agad kaming dumeretsyo sa pupuntahan namin ni Kuya, natutuwa ako dahil mag kikita nanaman kaming dalawa. Sobrang tagal nung huli akong pumunta sa kanya dahil nagimg busy ako sa Disaster fairytale namin ni Eugene. "Kuya maganda yung may ari nung Flower shop! Pakilala ko kaya kay Kuya Liro?"
"Pasaway ka. Magagalit yun, tyaka alam ko may nilalagawan yun si Liro eh. Hayaan mo siya, isipin mo nalang yung sarili mo." may nililigawan na si Kuya Liro? Sino naman kaya yun gusto ko agad siya makilala. "Nakilala mo na ba yung nililigawan niya?"
"Hindi pa eh." napaka damot talaga ni Kuya Liro, baka naman ipapakilala niya samin yun sa tamang panahon. "We are here." binuksan ko yung bintana at mahigpit kong hinawakan yung mga bulaklak. Pinag buksan kami ni manong guard ng gate. "Magandang hapon Sir and Ma'am"
Angel's Garden......
Pag katigil palang ni Kuya ng kotse niya agad akong bumaba at tumakbo papunta sa kanya. Agad akong umupo ng makalapit ako sa kanya at hinawakan ang pangalan niya, pero napansin ko na may bulaklak din pala na naandun sa may bandang taas. Nilagay ko yung bulaklak na gusto niya, gusto niya din na white flowers. "Hello. Siguro nag tatampo ka sakin dahil ngayon nalang ako nakapunta sayo."
Umupo si Kuya sa tabi ko para mag sindi ng kandila sa kanya. "Mukhang may dumalaw din ata sayo ah?" natatawang sabi ni Kuya Ian sa kanya kaya natawa na din ako, siguro may manliligaw siya. lol! Hinawakan ko ulit yung lapida niya at naiiyak akong dumapa sa kanya.
"Alam ko na nakikita mo ako mula dito, pwede mo ba akong yakapin? Sana andito kapa, sana mag kasama pa din tayo. Namimiss na kita alam mo na yun? Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw ah? Alam mo nanaman siguro kung bakit hindi ako nakadalaw sayo dahil kita mo siguro sa heaven kung paano ako iwanan ni Eugene at sumama ako sa stranger na si Ezekiel, siguro sisigawan mo ako kung nasa tabi pa kita." umiiyak na ako sa kanya habang si Kuya Ian naman tuloy lang ang pag papatahan sakin. Sana hindi ka nalang nawala para may yayakap sakin tuwing gabi.
"Kasalanan ko ang lahat kung bakit ka nawala, sana hindi nalang nangyari yun para sana mag kasama pa din tayong dalawa tapos gagawin pa din natin lahat ng mga ginagawa natin, sorry kung may mga bagay pa akong hindi naaalala konti palang, pero ikaw hindi kita kakalimutan nasa puso lang kasi kita." niyakap ako ni Kuya Ian at sabay kaming umiiyak, namimiss ko na talaga siya. Kasalanan ko kung bakit siya andito sa lupang kinauupuan namin. Dapat walang namatay kundi lang matigas ang ulo ko.
"Mahal na mahal kita, namimiss na kita sis." tumayo kami ni Kuya Ian at nag paalam sa kapatid namin.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...