THE CHASE: PART II

189 11 5
                                    

One week na ang nakalipas simula nung pag hahanap ko kay Ezekiel. Nakausap kona ang mga magulang ko at napatawad na din naman nila si Eugene. Ayaw nila akong paalisin dahil baka ako naman ang mapahamak. "Anak?" lumapit ako kina Mama at Papa. "Mama Papa kailangan ko talaga si Ezekiel."


"Sweetie, You can't be with him. Your Kuya's told us that He's in a relationship. We can't allow you to be with him. Ayokong mapahamak ka." sabi ni Daddy. Naiintihan ko naman yun. Pero sana pag bigyan nila na kahit makausap ko lang si Ezekiel siguro sapat na sakin yun. "Mama kahit makausap ko lang siya okay na ako." nakita ko ang lungkot sa mata ng parents ko. Alam ko na mas nasasaktan sila sa sitwasyon ko kasi magulang ko sila at ayaw nila na nakikita na ganito ako. Lumabas din sina Mama at Papa naiwan ako mag isa sa kwarto ko.


Tumayo ako para kunin yung sling bag ko. Tinignan ko yung cellphone ko pero wala pa din text or tawag sa taong hinihintay ko. "Hindi ba talaga pwede Ezekiel?" dahan dahan akong lumabas ng pinto. Walang tao sa baba kaya mabilis akong makakalabas. "Escaping is not the solution." nagulat ako kay Kuya Ian ng bigla siyang sumulpot sa likod ko. "Kuya please."


"Saan mo ba balak pumunta?"


"Sa condo niya lang sana. Please kuya last na talaga ito." wala siyang nagawa kaya pumayag na siya. Nag mamaneho si Kuya Ian papunta sa condo niya. "How did you know his condo?" tanong ko sa kanya nung makarating kami.


"Before, I came here to fetch up Elida." Hindi na ako nag isip pa at dumeretsyo na kami sa floor where Ezekiel's unit is located. I knock not just once before the door opened. "Kylie?" nagulat ako ng makita ko si Louella sa loob ng condo ni Ezekiel, akala ko ba nasa America siya? Pinapasok naman niya kami. "Pasensya na mejo magulo ah? Kakarating ko lang gaming America."


I went straight to the room of Ezekiel. The moment I opened the door I open I smell his perfume. "I miss you so much Ezekiel." gusto ko nanaman umiyak dahil sa amoy ng pabango niya. Sinarado ko yung pinto ng kwarto niya sabay lock. Tinignan ko yung buong kwarto niya sobrang panlalaki. "Baby girl?!" sinigaw ko nalang na lalabas din ako. I just want to be alone to feel Ezekiel's room.


I scanned his room and I lie down in his bed. Parang ang sarap matulog sa kama niya dahil feeling ko andito siya sa tabi ko. "Feeling ko namatayan ako." napunta ang tingin ko sa study table niya na andun pa din yung trashcan. I stood up and walk towards to his table. Andito pa din yung mga crumpled papers. Umupo ako para tignan ulit yung mga papers dahil naalala ko na may hindi ako natapos basahin. Karamihan dito ay drawing at kung ano ano pa. "Nakita din kita."


To My dearest Ellie,

How are you? I miss you so much! How's my Ellie? Are you okay now? I saw you with him and it seems like you're happy with him. Nasaktan ako dahil bumalik ako para sayo but It was too late, you already have new one. Nakatingin lang ako sa malayo hindi kita malapita kasi masaya kana. But, Ellie I'm always here If you needed me just call my name even though it's impossible. Gusto kitang higitin sa kanya at sabihin AKIN KA pero hindi ko kaya dahil alam ko na hindi tama at itutulak mo lang ako palayo. Gusto ko na lumayo pero di ko kaya lalo na nung nakita ng dalawang mata ko na hindi ka natuloy ikasal kay Eugene.

You know what I wanna kill him that time. How dare him to hurt the wonderful like you. I know this is not right but I thanked him for hurting you so I could have a chance to have you. It's now my turn to cherish you and take good care of you. I wanna talk to that asshole but I change my mind I'm selfish I want you all myself.

I love you Ellie, from now on YOU'RE MINE! You are the risk i'll always take.


-Ezekiel your Ezy


Parang tumigil ang mundo ko. "I'm Ellie?" I can't belive it!! But how?!! I though Ellisa is Ellie?! I wipe out my tears and immediately run outside of his room!! "Where are you goin?"


"Kuya Ian, I'm Ellie oh god! I really have to find him!!" mukha silang nagulat ni Louella at nag katinginan pa sila. Tinanong nila kung paano ko nasabi na ako si Ellie kaya pinakita ko yung letter na nabasa ko sa kwarto ni Ezekiel. "Kuya!! This is it! I love him He loves me! This time I won't give up! I gotta fight for what I want."


Hinawakan niya yung braso ko nung palabas na ako ng pinto pati si Louella nakahawak din sa braso ko. "Guys?! Let me go! Ano ba? Kailangan ko mahanap si Ezekiel!" sinabihan ako ni Kuya Ian na umupo muna dahil may kailangan pa akong malaman pero hindi ako nag papigil kaya tinulak ko silang dalawa at mabilis na lumabas ng pinto.


How could you Ezekiel!! I swear if I find you I'll yell at you!


"Kylie!" nagulat ako ng bigla akong hinigit ni kuya at hinigit papunta sa kotse niya. "Kuya ano ba? Please lang oh! Kailangan ko siyang hanapin!" hindi niya ako pinansin at mabilis niyang pinatakbo yung kotse niya. Kahit anong sabihin ko hindi siya nakikinig. Nung makarating kami ng bahay hinigit nanaman niya ako papasok ng bahay at pinaupo tapos tinawag niya ang mga kapatid ko at magulang ko.


"Ano ba naman ito?! Kung kailan alam ko na yung totoo tapos ikukulong mo ako dito sa bahay?!" lahat sila nakaupo lang sa tapat ko. Sina Mama at Papa malungkot na tinignan ako at ganon din ang iba. "You can't be with him." nakaramdam ako ng galit sa sinabi ni Kuya Rafael. "Why?!! Bigyan niyo ako ng mabigat na dahilan kung bakit!"


"Because you are not Ellie!!" sigaw ni Kuya Liro. Kaya nagulat ako, paano mangyayari yun kung yun ang nabasa ko sa letter na sinulat ni Ezekiel?! Sinabi ko sa kanila na naguguluhan ako. Pinakita ko pa sa kanila yung letter. "Kylie hindi ikaw si Ellie. Ang tunay na Ellie ang kakambal mo si Kellie." parang gumuho ng mundo ko sa nalaman ko. Paano mangyayari na si Kellie ay si Ellie? Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nila. "How did that happened? Kellie is dead."


Pinaliwag nila sakin kung bakit nangyari yun. Nung pinanganak daw kami ni Mama okay naman daw yung kalagayan namin pero nung dumating ng 5 years old namin dalawa ni Kellie parehas daw kami nag karon ng problema sa puso pero mas malala daw yung akin. 2 years lang si Kellie sa hospital at ako naman ang umabot ng 4 years. Naging kaibigan daw ni Kellie si Ezekiel nung 8 years old siya habang ako naman ay nasa hospital pa din. Sinabi nila sakin na nung lumabas ako ng hospital saktong umalis si Ezekiel papuntang japan. Kaya nawala daw ang lungkot ni Kellie dahil nakauwi na ako at maayos na ang lagay ko.


Tinanong ko kung bakit ELLIE ang sinabi niyang pangalan kay Ezekiel. Sinabi nila na yun ang tawag ng karamihan sa kanya. Pinaliwag din nila sakin na kaya ako ang napag kamalan ni Ezekiel na si Ellie dahil nga daw kambal kami. Nung bumalik si Ezekiel 2 years ng patay si Kellie dahil sa aksidente na nangyari samin hindi kinaya ni Kellie kaya ikinamatay niya yun. Iyak daw ako ng iyak nung nalaman ko na namatay si Kellie pinaliwanag din nila sakin na kaya nila sinabi sakin na may sakit lang ako nung gumising sa hospital dahil baka mag karon ako ng problema. Nag karon daw ako ng amnesia na posibilidad lang na ang makalimutan ko ang childhood memories ko.


"Sinubukan namin sabihin kay Ezekiel na hindi ikaw si Ellie pero hindi siya naniwala at nalaman din namin na kakalabas niya lang ng hospital nun dahil nabangga yung kotseng sinasakyan nila nung pauwi na sila sa bahay nila. Kaya hindi na namin pinilit pa at hinayaan nalang namin." pag papaliwanag ni Kuya Rafael. Wala akong masabi puro iyak lang ang nagagawa ko sa bawat paliwanag nila.


Pero ang pinaka masakit yung nalaman ko na ako si Ellie pero ang totoo hindi pala talaga. Ngayon naiintindihan ko na, na kahit bumabalik ang alaala ko hindi man lang dumaan ang alala ni Ezekiel sakin.

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon