Chapter 2: My Poison

282 15 7
                                    

Tinignan ko yung plane ticket ko. Parang ayoko sa Japan pumunta, gusto ko sa lugar na makakapag relax ako kahit hindi sa ibang bansa. Nag search ako sa phone ko na walang laman dahil kita kuya.


Cebu


Palawan


Laguna? Masyadong malapit.


Ilocos.....pwede na maganda din dun.


Pero karamihan dito napuntahan na namin ni Eugene, gusto ko makalimot pero bakit mas gusto ng paa ko pumunta sa mga lugar na yun?


Ang sakit! Ang sakit malaman na yung taong mahal mo hindi kana mahal, Yung tao ng akala mo bubuo ng pag katao mo, siya pala ang tuluyang sisira sayo. Dapat hindi malaman nina Mama na hindi ako tuluyan umalis, kahit gusto ko mag pakalayo para iwas sakit alam ko at nararamdaman ko na kahit lumayo ako madadala ko ang sakit at bangungot sa buhay ko.


"Kuya ito po bayad" nakatayo ako sa mataas na building. Andito ang unit ni Eugene, sana andito siya para mag kausap kami.


Mga 10 minutes na siguro ako nakatayo dito sa harap ng pintuan ng unit ni Eugene, kinakabahan ako. Kanina ko pa sinusubukan kumatok pero nag dadalawang isip ako. Sandali akong tumungo dahil ramdam ko ang luha na ilang sandali lamang ay lalabas sa mga mata ko.


"Kylie?" lumakas ang kabog ng puso ko nang maranig ko yung boses niya, naiiyak nanaman ako. Gusto ko mag salita pero walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko. "K-ky, I'm so-rry"


"Eugene" pangalan nalang niya ang lumalabas sa bibig ko, hindi ko maayos ang sarili ko hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil din sa sama ng loob at naninikip na dibdib.


"Tell me Eugene am I not enough? Did I do something wrong?" hindi ko na napigilan umiyak na ako sa harap niya. Alam ko na ang baba ng pride ko para gawin ang mga bagay na ito pero mahal ko si Eugene mahal na mahal ko siya.


"Wal---" hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita. "The wedding was the part of our plan remember?"


"Oo nga pero Ky but that was years ago. May nagbabago Ky maniwala ka pinigilan ko pero nahulog talaga ako sa kanya" isang malakas na sampal ang nabigay ko kay Eugene, masama ba ang ginawa ko?


"Then why?!! Bakit ka nag propose one year ago?! Why you didn't tell me?!! You chose to cheat on me instead telling me the truth that you don't love me anymore! Ginawa mo akong tanga!"


"Kylie, Ano ba ang gusto mo na gawin ko para mapatawad mo ako?"


"Walang kapatawaran ang ginawa mo Eugene! Sana sinabi mo na sakin matagal na hindi yung pinaasa mo ako sa Happy Ending natin dalawa!" napaupo ako sa sobrang sama ng loob ko at sa pagod na nararamdaman ko. Ramdam ko na lumuhod siya para mapantayan ako.


"Eugene?" alam ko sa boses na yun baka siya ang bago ni Eugene, hindi ko magawang lumingon dahil alam ko na mas masasaktan ako pag nakita ko ang babae na pinalit sakin ni Eugene. "Sino siya?"


"Hon, si Ky pinsan ko" may mas sasakit pa pala, sa kanya ko mismo narinig ang salitang yun na hindi ko inaasahan. "Hi ky! I'm Joana your cousin's girlfriend" nakita ko ang pag abot ng kamay niya sakin. Tumayo ako pero di ko inabot ang mga kamay niya.


Tinignan ko mata sa mata si Eugene nakikita ko sa mga mata niya ang 'pasensya kana Ky' para akong tanga na umiiyak sa harapan nila gusto ko mag makaawa pero paano? Pinsan ang tingin ng babae sakin.


"Ky?" I was about to slap him pero wala ng patutunguhan ito. Dahan dahan ako tumalikod na sa bawat pag lakad ko kasabay ng tulo ng luha ko na walang dahilan para tumigil.


Kylie!! Tara alis tayo gala tayo or road trip?


Love! Ano ba yan ginagawa mo?! Mas mahal mo ata yan kesa sakin Kylie eh!


Kylie Nicole! Sinasabi ko sayo wag kana kumain ng bawal sayo!!!


Binabalikan ko ang mga masasayang alala na meron samin ni Eugene, alaala na kahit kailan ay hindi na madudugtungan pa, alaalang nag sisilbing alaala nalang at alaalang kahit kailan ay hindi mabubura sa puso't isip ko.


Hi batang babae anong pangalan mo?


Ako si Kylie, ikaw sino ka? Bakit mo ako kinakausap?


Ang sungit mo naman Ky, ako nga pala si Eugene ang pogi dito.


Kapal ng mukha mo Eugene.


Simula nun araw na yun lagi na kaming mag kasama, lagi niya akong pinupuntahan sa bahay para mag dala ng kung ano ano.


Parehas kami ng School


Kasama ko siya sa birthdays ko at ganon din ako sa kanya.


Partner ko siya sa debut, sa party at sa lahat ng bagay na masasaya sa buhay ko.


Masaya ako sa bawat takbo ng buhay ko lalo ng dumating siya sa buhay ko. Binalikan ko lahat ng masasaya at malulungkot. Ganito na ba ako kamalas? Bakit po ganito?


I wanna go somewhere far from him, far that no one can find me.


Eugene, You're my Poison.......

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon