Nung dumating kami kagabi ni Kuya sa bahay ng mga Madrid's parang may nag bago. Hindi pa din kami nag papansinan ni Ezekiel, hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema niya. Yung kahit mag kakasalunbong kami dadaanan niya lang ako o di kaya iiwasan siya sakin. Hindi kami nag uusap at parang gusto niya na ako umalis. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanya para iwasan niya ako ng sobra.
"Kuya Ian uwi na ako ngayon." napatingin siya sakin at ganon din si Elida. "Bakit kylie? Last day mo na bukas diba?" wala akong sinasabing dahilan, basta gusto ko na umalis dahil hindi ko na kayang ganito si Ezekiel makitungo sakin. Kahapon kinausap ko siya at tinanong kung bakit niya ako iniiwasan pero sinigawan niya ako.
"Gusto ko lang umuwi, namimiss ko na ang parents ko eh. Basta uuwi na ako ngayon kuya!" tumayo ako para pumunta sa kwarto at kunin yung sling bag ko na dala ko nung unang araw nung umalis ako. Naiiyak ako pag pumapasok sa isip ko na sinigawan ako ni Ezekiel kagabi. Pag labas ko ng kwarto nasa tapat ng pinto ko si Ezekiel. Nanginginit nanaman yung mga mata ko gusto ko nanaman umiyak. Pero umiwas ako sa kanya at nag lakad pabalik kung asan sina Kuya at Elida.
"Stay." napatigil ako sa pag lalakad nung marinig ko siyang mag salita. Nag hihintay pa ako ng sasabihin niya pero wala na kaya nag lakad nalang ulit ako. Nagulat nalang ako ng may mga brasong nakayakap sakin. "Please Stay." uumiiyak siya, umiiyak siya sakin habang yakap yakap niya ako.
[ FLASHBACK ]
Nakita ko si Ezekiel sa may veranda kaya pumunta ako dun para tabihan siya. Pero nung nakita niya ako aalis na sana siya pero nahawakan ko yung braso niya. "May problema ba Ezekiel? Bakit mo ako iniiwasan?"
"Wala. Inaantok na ako matutulog na ako." hindi ko binitawan yung braso niya. Kahit tinatanggal niya hinahawakan ko ukit siya at malakas na hinarap sakin. "Bakit kaba ganyan? Parang gusto mo na ako umalis ah! Tyaka bakit mo ba ako i iiwasan na parang hindi mo ako nakikita pag nag kakasalubong tayo?"
Hindi siya sumasagot sakin nakatingin lang siya sa ibang dereksyon kaya hinarap ko yung mukha niya sakin. "Ezekiel."
"Kylie ano ba?! Wala nga eh!! Hindi ba pwede yun ah?! Sanayin mo na!" nagulat ako sa kanya tapos natulak niya ako ng konti. Nag mamadali siyang umalis samantalang ako nag mamadaling lumabas yung mga luha ko sa mata ko.
[ END OF FLASHACK ]
Umiiyak siya habang yakap yakap ako. Hindi ako makatiis at umiiyak na din ako, hindi ko alam kung bakit umiiyak din ako at parang ang sakit sakit ng eksena namin ngayon dalawa. "Kylie." Tinanggal ko yung mga kamay niya at nag mamadaling tumakbo papunta kina Kuya at Elida. Nung makita ko sina Kuya at Elida agad akong lumapit sa kanila at yumakap sa kapatid ko. "Kuya tara na please."
"Baby girl si Ezekiel ang mag hahantid sayo." NO!!! Hindi pwedeng si Ezekiel dahil hindi maganda ang meron samon. "Sige Ian ako na bahala sa kapatid mo." naramdaman ko nalang na hinigit ako ni Ezekiel sabay pinasok niya ako sa kotse niya. Hindi agad ako nakapag salita at react ang bilis lang nung pangyayari. Pinatakbo niya na yung kotse niya at nilagpasan nalang namin sina Kuya at Elida.
"Kylie, I'm sorry last night." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ang bigat talaga ng loob ko sa kanya dahil sa ginagawa at pinakita niya sakin na hindi ko naman alam kung bakit siya naging ganon.
[ FLASHBACK ]
Nakatingin lang ako sa kawalan habang kinakabahan at umiiyak. Naalala ko na yung buong aksidente na nangyari samin dalawa. Sinisisi ko ang sarili ko nung nangyari yun dahil gustong gusto ko sa tubig at dahil dun sinundan niya ako at sumama siya sakin.
Parehas kaming nalulunod dahil yung bangka na sinasakyan namin lumubog na din dahil sa butas. Hindi kami makahinga sa sobrang lalim at kaming dalawa lang ang nag kakapitan. Sumisigaw kaming dalawa ng tulong pero walang nakakarinig samin.
Hanggang sa nagising ako na nasa hospital na ako kasama ang mga kapatid ko.
[ END OF FLASHBACK ]
Hindi ko napigilan maiyak nanaman at mabilis kong pinahid yung mga luha ko dahil ayokong makita ako ni Ezekiel na umiiyak. Inaalala ko yung ibang pang nangyari sakin pero wala na akong ibang maalala maliban lang dun sa aksidente na nangyari samin dalawa. "Kylie, kausapin mo naman ako oh."
Nakatingin lang ako sa kanya nung tinigil niya ang kotse, lumabas siya para puntahan ako sa kabila. "Kylie please says something. It's really killing me when you're like that."
"Tell that to yourself." sabay iwas ko ng timgin sa kanya. Hindi naman ako nag tatampo siguro oo pero hindi ganon kasobra, sobrang dami ko pang iniisip sa buhay para mag dagdag pa. "I'm sorry. I should have not told that."
Ayoko ng umiyak kasi hindi naman dapat. Tyaka gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo yung nakita ko sa cellphone ni Michael. "Ezekiel, I think Ellie is cheating on you, Last time, I saw the picture in Michael's phone. Michael is kissing Ellie on her cheek while she's hugging Michael's waist."
He looks sad, I think he wanted to cry pero pinipigan niya lang yung pag iyak niya. Gusto ko siyang yakapin at sabihin magiging okay din ang lahat pero paano ko magagawa yun kung sa sarili ko hindi ko magawa. "I know. Kylie one last favor, stay with me for the last two days."
Oo ba o hindi?
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...