Dumating na si Ezekiel kanina habang nag kwekwentuhan kami ni Elida. Napansin ko na parang may bago kay Ezekiel parang ang gaan ng awra niya. Ano kayang nangyari bakit mukhang goodmood siya?
"Ano Ezekiel gusto mo ipag luto kita ng pancakes?" nakayuko kong sabi habang nilalaro ko yung mga daliri ko. Napansin ko na natawa si Elida kaya tumingin ako at saktong siniko siya ni Ezekiel ng konti. "Hindi na--"
"No! I insist ammm I mean---wala!" sabay takbo ko sa kusina at sumandal sa pader. Sinilip ko siya ng konti at nakita kong tawa ng tawa si Elida hindi ko alam kung anong meron kung bakit siya tumatawa.
Tinignan ko ulit sila pero parang seryoso sila mag usap. Tapos nakita ko na parang nag iba ang mood ni Ezekiel. "Ano kayang pinag uusapan nila?" hinihintay ko maluto yung apat na pancakes para kay Ezekiel. Inaantok na ako anong oras na din.
Favorite ni Ezekiel ang strawberry. May strawberry syrup ba siya dito? Tinignan ko yung mga jars niya sa ref kaso wala siyang strawberry syrup kaya tumingin ako sa fruits baskets niya.
"Ayan tapos na! May instant strawberry syrup na!" agad kong dinala kay Ezekiel at Elida na tumigil sa pag kwekwentuhan nung dumating ako. "Enjoy your pancakes with strawberry syrup." Tinignan ko yung ginawa ko mukha naman siyang masarap. Dumeretsyo na ako sa kwarto ko at nag pahinga.
Wala pa akong tulog simula kagabi dahil hinihintay ko na dumating si Ezekiel. Hindi na din ako nag tanong kung saan siya galing, wala din naman rason para mag tanong bukod sa napuyat lang naman ako. "Kylie? Bili lang kami ni Elida ng dinner natin ah?"
"Osige." antok na antok kong sinabi kay Ezekiel. Naiinis din ako kasi naiwan ko yung notebook sa table kung saan ako dinala nina Denise at Ara wala tuloy akong masulatan ng mga lines na magagawa kong poem.
-----
Nagising ako at tinignan ko yung orasan ko 7am na ng umaga?! Ganon na ba ako kahaba nakatulog? Hindi nila ako ginising? Errr mejo nagugutom na talaga ako. Tumayo ako para maligo at ayusin ang sarili ko. Pag katapos kong mag ayos bigla akonf nakarinig ng sigaw sa labas.
"Ezekiel! Tama na yan!" Si Elida yun diba? Bakit siya sumisugaw? Anong nangyayari sa labas? "Darlene! Sinabi ko na sayo tigilan mo ako! Alam mo naman na hindi kita mamahalin!" nanlaki ang mata ko ng marinig ko na si Ezekiel na yung sumigaw. Naandito din si Darlene!?
"Elida? Ezekiel?" lahat sila napatingin sakin at agad naman ako nilapitan ni Elida. "Kylie pumasok kana sa loob ng kwarto muna." nalipat ang tingin ko kay Ezekiel na hawak si Darlene. Nakita ko kung paano ako tinignan ni Darlene na nakakmatay. "HA! So it's you again!? So tama nga ako ikaw ang bagong kinalolokohan ni Ezekiel!? Bakit Ezekiel hindi niya ba alam na engage tayo!? Tyaka asan yung pinag mamalaki mo sakin Ellie?!"
Nagulat ako sa revelations na meron sa kwarto na ito ngayon parang sa mga T.V lang. "You wish Darlene! The wedding is off!" sigaw ni Elida sa kanya na biglang tumawa si Darlene. "Hahaha! No. Sasabihin ko sa parents mo na niloloko mo lang sila! Si kylie ang babae na ito hindi si Ellie!"
"Shut the fuck up!! Walang engagement nor wedding! Bakit kaba kasi pumunta dito?! Alam ko ang ginawa mo dito kahapon! Umalis kana dito Darlene baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kaladkarin kita palabas!" ngayon ko lang nakita ng ganito kagalit si Ezekiel, yung mga sigaw niya sakop ang buong kwarto niya. Nakatulala lang ako sa kanila na parang wala na akong naririnig.
"Bakit?! Ayaw mo ba malaman niya na--" hindi na natuloy ni Darlene ang sasabihin niya dahil biglang kinaladkad ni Elida si Darlene palabas ng unit ni Ezekiel. Tinignan ako ni Ezekiel na may halong pag aalala. "Bakit ka lumabas ng kwarto?"
"Narinig ko kasi na sumisigaw kayo ni Elida kanina kaya nag alala ako tapos narinig ko din na naandito si Darlene."
"Hayaan mo na si Darlene. Wag mo na iisipin yung mga narinig mo kanina ganon talaga siya spoiled brat." Ngumuti ako sa kanya. Wala naman dapat ikabahala sa mag eksena na narinig at nakita ko. Pero dating fiancee ni Ezekiel si Darlene?
"Ezekiel nakakabwisit talaga yan si Darlene. Pasalamat siya wala akong dalang baril baka na head shot ko pa siya kanina." nagulat ako sa sinabi ni Elida. Baril? Bakit siya may baril? "Joke lang! Kylie baka isipin mo mamatay tao ako hahaha."
Tinanong ko pa din sa kanila kung sino si Darlene at kung bakit siya andito tyaka bakit hindi natuloy yung engagement nila. Sabi ni Elida dahil kay Ellie daw kasi si Ellie gustong balikan ni Ezekiel kahit malabo na pero gumagawa siya ng paraan para maging posible ang imposible. "Pero dapat hindi ako ang kasama mo dapat si Ellie Ezekiel."
Tumingin sakin si Ezekiel parang may something sa eyes niya na hindi ko maintindihan. "Ah! Wag na natin pag usapan si Ellie." pag iiba ng topic ni Elida. Pinag patuloy nila ang kwento na si Darlene ay isang babae na gustong gusto makuha si Ezekiel kahit pinag tatabuyan siya nito at paulit ulit na si Ellie lang ang gusto niya at wala ng iba. Kaya lang sila daw dapat ikakasal dahil sinukaan na siya ng magulang niya dahil kay Ellie kaya pinilit siya na si Darlene nalang ang pakasalanan niya kesa mag hintay kay Ellie na malabo nang mangyari na mag kakasama pa daw sila.
Sino kaba talaga Ellie? Gusto kita makilala.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...