"Goodmorning! Flowers." another dozen of flowers? This time it's Calla Lily. It symbolizes magnificence and beauty. I blushed then he held my hand. "Let's eat together." Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti siya. Hinawakan ko ang parte kung saan naandun ang puso ko. He bought me flowers to make me smile.
Bigla akong tumigil ng may naalala ako. "Ezekiel asan si Ellie? Diba dapat siya ang binibigyan mo ng flowers at di ako?" lumapit siya sakin at hinawakan ang pisnge ko. Bigla nanaman lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin lang kami sa isa't isa. "You're beautiful just like Calla Lily." ha? Mali naman yung sinagot niya sakin eh. "I'm starving." tapos bigla siyang tumingin sa labi ko at tumingin sa mga mata ko. "Tara na Ezekiel! Natatanga ka nanaman!" minsan hindi ko alam kung may pag kamanyakis si Ezekiel eh. Sarap dagukan ng mga limang beses.
"You just ruined the moment." sabi niya habang umirap at seryosong tumingin sakin.
"What a crap! Sabi mo gutom kana diba? Gutom lang yan!" bigla siyang tumawa kaya tinignan ko siya ng masama. Para talaga siyang abnormal!! Pero iniisip ko talaga si Ellie, ano nalang ang magiging reaction niya pag nakita kami ni Ezekiel? Bumitaw ako sa pag kakahawak niya sa kamay ko at mas nauna na akong nag lakad sa kanya. Ayokong mag isip ng masama si Ellie samin dalawa ni Ezekiel. "Kylie anong problema?" hinigit niya yung braso ko.
Hindi naman siguro masama kung mag tatanong ako sa kanya tunggol sa kanilang dalawa ni Ellie. "Kayo na ba ni Ellie?" natigilan siya tapos tinignan niya ako mata sa mata. "Oo nung isang gabi lang."
Tumalikod ako tyaka nag lakad ng mabilis. Bakit ba niya ako tinatrano ng ganon kung girlfriend niya na si Ellie?!! Paano kung makita niya kami mag kasama tapos mag kagulo? Ano nalang gagawin ko? Ngayon pa na naandito din sina Eugene!! Bakit ba dumadating ang mga EX ng unexpected day?! The hell!! Kung si Michael nalang sana ang nag panggap na boyfriend ko edi mas maganda kasi walang gulong mangyayari pag nalaman ni Ellie yung kagabi na ginawa ni Ezekiel sakin. "Teka Kylie hintayin mo naman ako!"
Naabutan niya ako sa pag lalakad kaya wala na akong nagawa dahil hinawakan niya ang braso ko at hinigit papasok sa food place ng resort. Ezekiel ayokong mag mukhang mang aagaw dito!! Pero hindi ko pa nakikita si Ellie dito simula kahapon. Asan kaya siya? Kung wala siya sa resort dapat sumama na si Ezekiel diba? Biglang umupo sa harap ko si Ezekiel na may dalang pag kain. "Asan si Ellie hindi ko pa siya nakikita."
"Ayoko sabihin baka magulat ka. Joke! Basta anjan lang yun. Malay mo nasa harap mo lang yun." Anong klaseng boyfriend to? Pero may mas nakakainis sa part ko kasi bakit parang gusto ko na wala si Ellie dito? Bakit parang masaya ako pag wala siya sa paligid. I know it's not right but....argh nothing! "Kylie please always remember my name."
"Bakit ko naman kakalimutan yun ah?" biglang nalungkot yung mga mata ni Ezekiel sabay tingin sakin. Pag tinitignan niya ako ng ganon bumibilis talaga ang tibok ng puso ko. "8 days left. Sabi mo 30 days ka lang diba? Hindi mo ba napansin na 8 days nalang hindi na tayo mag kikita." damn. Bakit parang may kumirot sa dibdib ko nung sinabi niya sakin na di na kami mag kikita. "Bakit? Ezekiel pwede naman tayo mag kita eh."
"30 Days lang ang palugit ko Kylie." ano ba ang sinasabi niya? Anong palugit? May utang ba siya o mamatay siya? Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Pero ang mas nakakagulo yung gusto ko siyang iwasan para respeto nalang kay Ellie pero may pumipigil sakin na iwasan siya. Hindi ako makapag isip ng masyado madami akong tanong pero hindi ko masagot. "Kylie bakit mo ba hinahanap si Ellie?" Napahawak ako sa ulo ko sumasakit nanaman siya. Hindi ko alam pero bakit may nag flaflash na scene sa utak ko na nalulunod.
'Mama! Papa!!'
'H-help!'
What was that? Bakit may ganon akong nakikita? Bakit anlabo ng scene na nakikita ko! "Kylie?!" Hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko, naramdama ko nalang ang pag hawak ni Ezekiel sa bewang ko at binuhat ako. "An-g sakit ng u-lo ko." iba't ibang scene ang mag flaflash at nakikita ko parang may nakikita ako na hindi ko alam kung saan at paano.
'No!!! Please no!! Come back here!!! Don't leave me!'
"Hang on Kylie" ramdam ko ang maiinit na braso ni Ezekiel na nakayakap sa buong katawan ko. Nakita ko bahagya kung paano niya sinipa ang pinto at sinalubong kami ng isang babae.
'Hi!'
'Hello!'
Nakaramdam ako ng syringe at unti unting pumipikit ang mga mata ko. Pero isa lang ang sigurado ko ako yung batang babae nakikita ko sa visions ko.
~*~
Hello!!
I would like to greet a HAPPY BIRTHAY none other than my wonderful Mommy!
Sorry sa short update guys! Hope you like this chapter. Don't forget to vote, comment and share! I love you all!
THANK YOU SO MUCH!!!
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...