Pag katapos ko mag ayos at mag lagay ng mga damit sa maleta na binigay ni Ezekiel kanina at mga facial wash, cream, make ups at kung ano ano pa. Habang nakita ko yun iniisip ko kung bakla ba si Ezekiel pero lahat bago eh. Kanino nga kaya lahat ng mga gamit na yun?
"Ezekiel?" tawag ko sa kanya pag labas ko palang ng kwarto, mejo may kabigatan itong mga dala. Swempre sinulit ko na ang mga damit na magaganda sa cabinet na yun.
Napansin ko na walang tao dito sa unit niya, asan kaya yun? "Ezekiel?!" saan ba nag punta yung baliw na adik na yun? Habang nag lilibot ako sa unit niya napansin ko na may isa pa palang pinto na kulay white lang.
Pag pinuntahan ko kaya yun mamagalit kaya si Ezekiel? Pero ano kayang meron dun? Parang gusto ko pumunta dun at buksan yun pinto. Pinuntahan ko yung pinto at pinag masdan ang pinto, kung sa malayo parang plain white lang siya pero pag nilapitan mo may nakaukit na puno doon na kulay brown sa sobrang nipis lang nung pag kakaukit di mo talaga siya mapapansin, nung tinitigan ko siya puno tapos may isang bench? Anong meron dito?
Bubuksan ko na sana ang pinto pero nung hinawakan ko yung doorknob naka lock siya. Ano nga kayang meron sa loob na ito? Baka kayamanan ni Ezekiel? What if drugs ang meron dito?!
Umalis na ako sa pinto at umupo nalang sa sofa para hintayin yung adik na yun. Simpleng mint green with white color romper at sandal na color white. Ilang minuto pa ako nag hintay bago dumating si Ezekiel. "Uy san ka galing?"
Nakatingin lang siya sakin parang tulala siguro naka hithit nanaman ito ng drugs kaya nilapitan ko na siya. "Ezekiel! Saan ka galing?"
"Ah! Sa baba sa coffee shop bumili ako ng drinks Chocolate shake sayo and Strawberry Shake sakin."
Strawberry?
"Tara na, hawakan mo itong drinks natin tapos bitbitin ko na yung maleta mo yun akin nasa car na." anong nakain nito at hindi ata ako sinisigawan? Pero natatakam na ako sa Chocolate Shake!
"P*ta! Kylie!! Ilang kilo ba ito?! T*ngna ang bigat eh!!" hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksyon niya, namumula siya habang nahihirapan sa dala niya. "Well di ka ata nag iisip ezekiel, digulong yan wag kang bobo!"
"Sinong bobo?!!" sinisigawan nanaman niya ako. "Ikaw! Nag papakahirap kang buhatin yan pero di mo naisip na may gulong yan! Kundi kaba naman isa't kalahating tanga para di maisip yun!" at dahil alam ko na sisigaw nanaman siya kaya lumabas na ako narinig ko pa siyang mag mumura sa loob pero derederetso na ako sa elevator para mag hintay. Naririnig ko hanggang dito yung pag rarant niya. Tanga kasi sino ba naman kasi ang matinong tao na di naisip na may gulong yung maleta. Confirm talaga nag aadik itong si Ezekeil.
"Ezekiel nag d'drugs ka siguro ano?"
"Kylie wag mo ako subukan baka di na kita matansya" serious mood? Bakit di pa niya aminin mukha naman siyang drug user. "Ezekiel, saan ba tayo pupunta? Tyaka ilan araw tayo mag babaksyon? Libre mo ba ako?"
"Yup pero manahimik kana lang at sumakay kana sa kotse baka dagukan pa kita jan." napakasalbahe talaga nitong Ezekiel na ito! Puro salita lang naman! At buti nalang puro lang siya salita.
Eugene, ano na kayang ginagawa mo ngayon? Siguro mag kasama kayo nag d'date sa labas or nag momovie marathon kayo.
Love, mahal na mahal kita at sobrang sakit na hindi ikaw ang kasama ko sa 30 days vacation ko.. Love, magagalit ka kaya pag nalaman mo na sumama ako sa hindi ko kilala? Wala eh sobrang sakit ng ginawa mo kailangan ko lumayo para makalimot kahit kaunti.
"Wag mo na kasi siyang isipin, Ikaw nga hindi ka niya iniisip eh" hindi ko talaga minsan gusto ang tabas ng dila nito eh"Alam mo ikaw? Panira ka din ng moment eh" pero aaminin ko natahimik ako sa sinabi ni Ezekiel para bang may tumusok sa puso ko para hindi ako makapag salita. Ramdam ko ang pag kirot niya. Binuksan ni Ezekiel yung radio ng kotse niya at pag sumakto sa nararamdaman mo yung kanta.
Hindi kana niya mahal
Hindi ka niya minahal
Hindi kana niya mamahalin.Hindi ko maiwasan pero tumulo nanaman ang mgs luha ko, sobrang sakit pa din. Hindi ko matanggap na sa ganon lang mapupunta ang lahat. Sayang lahat ng meron samin ni Eugene na parang hindi siya nag dalawang isip basta tinapon niya nalang lahat ng meron samin dahil sa babaeng nakakilala niya lang at niloko ako ng dahil sa babae na yun na si Joana.
"Yang pinag dadaanan mo Kylie, daanan mo lang wag mo na tambayan kasi ikaw lang ang mahihirapan." tinignan ko siya habang nakatingin siya sa daan dahil nag mamaneho siya. Tinabi niya yung kotse niya nung mapansin niya na nakatingin ako sa kanya.
"Kylie Oo hindi tayo mag kakilala pero payo ko lang sayo itong vacation na ito gamitin mo para makalimot. Stop killing yourself Kylie. Mag tiwala ka sakin, Oo stranger ako sa paningin mo pero wag kang mag alala di ako gago para gaguhin ka, hindi ako gagawa ng masama sayo and I won't take advantage on you. So are you ready for your unforgettable vacation with a stranger?"
Tinignan ko lang siya sa mga mata niya na nakangiti sakin, hindi ko alam pero yung mga mata niya.....yung kulay ng kanyang mata, hindi ko alam pero ang ganda ng mata niya na parang kilala ko ang mata niya.
"Thank you so much Ezekiel, and yes I'm ready!" masaya ako dahil makakalayo ako pero sa masayang ngiti ko na ito daladala ko pa din ang sakit na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...