Nagising ako sa silaw ng liwanag sa mga mata ko. Nawala na din yung sobrang sakit ng ulo ko, naalala ko nanaman yung nakita ko habang sumasakit ang ulo ko. Blur siya pero alam ko sa tubig nangyayari yung nakikita ko.
"Gising kana, okay kana ba?" tinignan ko si Ezekiel na kakapasok lang sa pinto na may dalang pag kain. "Mejo okay nanaman, pasensya kana mukhang naabala ko pa kayo kahapon." tinignan niya ako at binaba niya yung pag kain na dala niya tapos tumabi siya sakin. "Wala yun. Okay lang yun. Okay kana ba talaga? Kasi kung hindi pa hindi tayo sasama sa camping."
"Camping? Bakit? Saan ba kayo mag cacamp?" Sinabi sakin ni Ezekiel na lagi nilang ginagawa na mag pipinsan ang camping every two months bilang bonding nila kahit mag kakasama na sila araw araw. "Ang sweet. Tara sama na tayo Ezekiel ayoko naman na hindi ka sasama dun dahil sakin. Okay nanaman ako eh."
Pinakain niya ako ng pancakes, hotdog, bacon, and wheat bread. Sa totoo lang hindi ako napapanatag sa nakita ko ang sumasakit yung ulo ko. Bakit ganon yung nakita ko? Tinignan ko si Ezekiel habang pinag hihiwa niya ako ng bacon. "Hello Kylie!!!" sigaw ng mga pinsan niya habang nakasilip sa may pinto. Ngayon ko lang nakita yung kabuuan ng kwarto, halatang kay Ezekiel ang kwarto sa amoy at sa awra lang naman walang pinag kaiba dun sa unit niya.
"How are you? How's your headache? Masakit pa din ba?" I shook my head. "Not anymore, I'm feeling okay na naman guys."
"That's good! Ezekiel wala ka ng rason para hindi sumama sa camping natin. Okay nanaman si Kylie eh." sabi ni Elida habang nakapamewang at ganon din ang iba niyang mga pinsan.
Tinapos ko yung pag kain tyaka ako naligo habang ang iba naman ay nag aayos na ng mga dadalhin nila. Oh shooot! Wala akong gamit! Wala din akong damit na pampalit!! Ayst! Paano na to?! Paano ako lalabas ng C.R towel lang ang meron ako!! "Kylie?"
"Wag na wag kang papasok dito Ezekiel! Wala akong damit at wala din akong dala pala jusko!" narinig ko yung footsteps niya na papalit sa CR kaya mas lalo akong kinabahan! "Hoy!! Wag ka nga!!"
"Hindi mo ba nakita yung maleta sa paanan mo? Bulag ka talaga. Bilisan mo na kylie." sinilip ko si Ezekiel habang buhat yung maleta na gamit ko nung nag vigan kami tapos nilagay niya sa kama. Paano napunta yun dito? "Ah hehehe sige labas kana para mag bibihis na ako."
Pero bago siya lumabas nag lagay siya ng bag na mas maliit at sinabi niya na dun ko nalang ilagay yung gamit na dadalhin ko 3 days camp daw kami. Agad kong inayos yung mga gamit ko pag katapos ko mag bihis. Narinig ko ang mga nag tatakbuhan sa labas ng kwarto, siguro yung mga boys nanaman yun.
"Kylie tapos kana ba jan?" tinignan ko si Elida habang papalapit kasama ang ibang girls. Tinignan ko sila para silang pinag papawisan ng malala. "Uy okay lang ba kayo?"
"Oo naman! Ano kylie may ipapakiusap lang kami sayo, okay lang ba?" tinignan ko silang lahat, seryoso sila tapos umupo sila sa sa kama para pag gintnaan ako. "Kylie pwede ka ba mag stay sa kay Ezekiel? Help him kylie. He needs your help."
"What's wrong Elida? What's goin' on?" sabay sabay silang nag pakawala ng buntong hininga at biglang bumukas ang pinto at andun si Ezekiel kasama si Tristan at Alex. "Ezekiel! Okay lang ba? Ano ba ang nangyayari?"
"Kylie be my girlfriend please."
"A-ano?" naguguluhan ako habang nakatingin sa kanya, tinignan ko sina Elida at seryoso din siyang nakatingin sakin. Naalala ko yung sinabi ni Elida na kailangan ni Ezekiel ang tulong ko. "Please kylie. Be my girlfriend."
Nakatingin lang ako sa kanya mata sa mata. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari basta ang alam ko sa sarili ko kailangan ko tulungan si Ezekiel. "Yes." halos lahat ata sila sumigaw. "Thank you so much."
Agad kaming bumaba habang dala ni Ezekiel yung mga gamit ko, tumingin ako sa baba may nakita ako apat na babae na nakaupo sa sofa. Teka si Darlene ba yun?!! At may kasama pa siyang resbak? "Bro ayos na." sabi ni Ezekiel ay Russel kaya tinignan niya ako at bumulong siya ng 'salamat'
"Hi Ezekiel."
"Chelsea." hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko habang nasa likod namin ang squad ni Ezekiel. Tinignan nung Chelsea yung kamay namin ni Ezekiel. Tinignan ko yung kasama niya si Darlene lang ang kilala ko habang yung dalawa hindi ko kilala. "So are you my counsin new flavor of the month?"
Parang nabadtrip ako sa sinabi niya. Anong akala niya sakin babaeng jan lang sa tabi tabi?! "No I'm not. I'm Kylie Nicole Padilla nice to meet you Chelsea."
"What is your relationship with Rafael Padilla?"
"Why?"
"Boyfriend ko siya."
"So you're my Kuya's girlfriend ah. I don't wanna see your face in our house. I don't like your attitude."
"I don't wanna see your face in this house!"
"Well Chelsea this is our house you have no right to say those kind of words to kylie." sabi ni Elida at nag nod naman ang iba niyang pinsan. Hindi ko maintindihan, mag kakaaway ba sila?
"Sasabihin ko ito kay Rafael. Sa pag kakaalam ko kasi hinahanap ka nila kasi nawawala ka daw. Ano kaya iisipin niya pag nalaman niya sumama ka sa pinsan ko?"
"HA! Sa tingin mo ba papakinggan ka ni Kuya? Mas mahala ako sa kanya kesa sayo tandaan mo yan. Tyaka wala kang alam kaya kung ako sayo itahimik mo nalang yan bibig mo baka di ako makatiis paduguin ko yan." hindi na siya makapag salita nung nilagpasan namin sila at sumakay sa mini bus na saktong sakto samin. Lumalabas talaga ang masama kong ugali sa mga taong ganon ang asal.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...