Chapter 11: Mysterious Caller

178 12 0
                                    

Hindi kami nag uusap ni Ezekiel pag kauwi na pag kauwi namin, dahil sa nangyari hindi na namin tinuloy yung trip namin kahapon. Ngayon kaya ano kayang mangyayari? Nakakailang kasi ng sobra yung nangyari kahapon. Hindi ko nga magawang makatulog dahil sa nangyari at kahit mapakali hindi ko magawa.


Hindi ako mapakali basta ang huling sinabi lang sakin ni Ezekiel sa pagudpud kami. Pero ang awkward kaya sa pagitan namin dalawa.


Sino ba naman kasi ang hindi maiilang kung nag kiss kayo pero wala naman kayong relasyon, Oo aksidente lang pero nakakailang pa din naman.


"Kylie?" napatingin ako sa pinto at mas lalo akong kinabahan at naaligaga. Tinignan ko yung sarili ko sa salim at inayos ang buhok ko na nakatali. "Kylie?"


Nung alam ko na kaya ko na harapin siya agad kong binuksan ko yung pinto at hinarap si Ezekiel. Natulala ako sa kanya kasi ohhhmyghad!!! Ang hot niya tignan sa suot niya.


"Oy tara na! Breakfast na muna tayo sa labas tapos punta na tayo sa Pagudpud." Jusko!!! Ano ba meron samin dalawa at di kami makatingin ng deretsyo sa isa't isa. Nauuna siya mag lakad sakin at nasa likod niya lang ako.


Pag katapos namin kumain ni Ezekiel habang hindi nag sasalita o nag babatian man lang kasi ramdam pa din namin yung awkwardness sa pagitan namin dalawa.


"Naimbag a bigatmo Sir! Tayo na ho." nagulat ako ng hinawakan ako ni Ezekiel sa kamay at inalalayan ako pasakay sa Van.


Umalis agad kami para pumunta dun sa Pagudpud place na sinasabi ni Ezekiel, napansin ko na laging natingin sakin si Ezekiel sa may salamin pero umiiwas din naman agad.


"Kayo po ba ay may hindi pag uunawaan mam at sir?" natatawang tanong ni manong samin. Si Ezekiel naman tumingin sa labas at di sinagot ang tanong ni manong kaya ako nalang. "Wala po manong." ngingiti ngiti lamang si manong habang nailing na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.


Sa byahe na tinahak namin binaba kami ni kuya sa isang lugar kung saan napahanga ako sa sobrang ganda. "Bangui windmills po para po matanggal lahat ng dinadala niyo mundo."


Nag lakad ako papalapit dahil hindi lang Windmills ang maganda kundi ang buong paligid. Napaka sarap tignan lalo yung hangin na nararamdaman ko sa mga balat at mukha ko.


"Ang sarap ng hangin diba?" tinignan ko si Ezekiel na nasa tabi ko habang nakapikit din siya at dinadama ang hangin. Tinignan ko ang paligid, napaka simple at sobrang sarap sa pakiramdam kung ganitong palid ang makikita mo tuwing umaga.


Bakit nga ba ako sumama sa isang tao na kahit kailan ay hindi ko nakilala sa buhay ko at ngayon lang. Bakit ako sumama kay Ezekiel? Pero alam niyo ang weird? Sumama ako sa kanya dahil yun ang gusto ng utak ko at sinasabi ng puso ko 'mag tiwala ka lang'


Lahat ng nangyayaring ito, alam ko may dahilan. Hihintayin ko nalang ang mismong dahilan kung bakit kami mag kasama ngayon dalawa.


Nagulat ako ng akbayan ako ni Ezekiel at nilagay ang ulo ko sa balikat ko, hindi ako makagalaw pero may parte sakin na ayoko umalis sa balikat niya. "Masakit pa rin ba?"


Pumikit ulit ako at dinama ang hangin. "Oo masakit pa din dahil wala na siya sa buhay ko." naramdaman ko ang pag hinga ng malalim ni Ezekiel at nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at hinaplos ang buhok ko.


"Yung tanggap mo na pero masakit parin." gusto ko umiyal pero pinipigilan ko dahil ayoko masira ang ganda at lamig ng hangin. "Pero dahil natatanggap mo na Kylie alam mo na nakakamove on kana kahit konti lang."


Hindi ako nag sasalita dahil alam ko na kailangan ko makinig sa sinasabi ni Ezekiel. "Konting tiis pa yan ang sinasabi ng puso mo. Ako ang sasabihin ko sayo konting tiis nalang lahat ng sakit na yan mawawala sayo at lahat ng yun ngingitian mo nalang."


Yung kanina na gusto ko maiyak ngayon nakangiti ako habang sinasalubong ang malakas na hangin. "Salamat Ezekiel." Napagaan niya ang mga hinanakit ko napapagaan niya ang mabibigat sa buhay ko. Nawala samin dalawa yung pag kailang na nararamdaman namin kaninang dalawa.


*Ring*


Kinuha ni Ezekiel ang Cellphone niya at lumayo ng konti sakin. Pero dahil nacurios ako kung sino ang kausap niya kaya mejo lumapit ako at nasa likod niya lang ako.


"Oo naman.......Ah eh hindi naman sinasadya yun eh.......parang hindi niyo naman alam lahat ng meron........Kayong apat mamaya na kayo tumawag ah?........oo alam ko nakita ko kayo kanina......"


Sino kaya ang kausap ni Ezekiel? Kasi napapansin ko pag may tumatawag sa kanya lumalayo siya sakin at pag lumayo siya nakatingin siya sakin, pero ngayon nakatalikod lang siya sakin kaya nag ka'chance ako para makinig kung sino ang kausap niya.


"Wag na nga kayo magulo, alam niyo naman na malaki respeto ko sa kanya, kaya nga ako naandito diba?"


Ako ba ang topic nila? Kasi sa sitwasyon ngayon kami lang naman dalawa ang mag kasama. Kaya siguro ako ang pinag uusapan nila.


Sino ba ang kausap mo Ezekiel?

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon