"Bye Michael! See you in Manila!" Sabi ko sa kanya habang nag papaalam. Paalis na kasi kami ni Ezekiel ngayon. Uuwi ma daw kami pero hindi sa unit niya kundi sa bahay nilang mag pipinsan kasi birthday daw ni Elida bukas. "See you!"
Pinag buksan ako ni Ezekiel ng pinto ng kotse niya pero naagaw ng atensyon ko sina Eugene at Joana na mag kasama paalis na din sila. "Aalis na agad tayo Hon?! Ano ba naman yan" rinig ko na sigaw ni Joana. Napatingin sakin si Eugene at ako naman ang umiwas ng tingin at pumasok na sa kotse. Pero habang nasa loob ako nakatingin pa din siya sakin at nalipat amg tingin niya sa kakapasok palang na si Ezekiel.
Mahal ko pa din naman si Eugene pero sa pag kakataon ngayon masakit pa din pero hindi na ganon kasakit. Nalulungkot ako pag mag kasama sila ni Joana. Bakit pa ba kasi kami nag kita.
Habang nasa byahe kami ni Ezekiel hindi kami nag uusap, madami akong iniisip at gustong malaman. Hindi din maalis sa isip ko yung visions na nakita ko nung sumasakit ang ulo ko. Ayoko naman mag isip ng sobra baka sumakit nanaman ang ulo ko. Ang kailangan ko lang makayusap ang pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit may visions ako na ganon na sa pag kakaalam ko wala naman nangyaring aksidente sakin nun. Pero kahapon habang andun kami sa resort hindi maalis sa isip ko yung bigayan ng words nila lalo na nung kay Ezekiel, nakatingin siya sakin habang kinakanta niya yun lalo na yung bawat lyrics niya eh tungkol sa lalaking gustong pasayahin yung babae, may meaning ba yun? Pero para saan? Hindi naman pwede yung ganon lalo't anjan na si Ellie sa buhay niya. Kilala ko si Ezekiel alam ko kung gaano niya kamahal si Ellie pero bakit ganon siya?
You can have all my love......oh god!! Tama! Si Ellie nga yung babae na tinutukoy niya dahil nasabi sakin ni Ezekiel na sinaktan si Ellie ng lalaking mahal na mahal niya. Tama lang na hindi na dapat ako mag isip.
Naramdaman ko yung bigat ng mata ko pero pinipigalan ko makatulog. "Kung inaantok ka matulog kana wag mo pigilan kasi alam ko at alam mo na hindi mo yan mapipigilan." sinunod ko ang sinabi ni Ezekiel pumikit ako. Pero kahit nakapikit ako may gumugulo pa din sa isipan ko.
"Kylie andito na tayo" minulat ko ang mata ko at nakita ko na ang lapit ng mukha niya sakin kaya nagulat ako. "Ano ba yan Ezekiel." tumawa siya, hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa byahe kanina sa sobrang dami kong iniisip. Pinag buksan niya ako ng pinto at nag pasalamat sa kanya. "KYLIE!!!!!"
Niyakap ako nina Elida at ganon din ang iba. Pero parang may naramdaman ako kaya tinanong ko kung asan yung C.R at agad naman nila akong sinamahan. "Oh shoot! Meron na ako." nakarinig ako ng knock sa pinto tinanong ako ni Ezekiel kung okay lang ba ako. "Hey what's wrong?" paano ko ba masasabi sa kanya? Wala pa naman akong napkin! Shooot!! "Do you need something?"
"Kylie?! Sisipain ko itong pinto!" nahihiya na talaga ako, pero seryoso ba siya sisirain niya yung pinto?!! "Pag kabilang ko ng tatlo sisirain ko talaga ito!" kinabahan ako baka seryosohin niya, pero ayokong makita niya na may dugo ang white shorts na suot ko. "Wag! Osige na! M-me-ron na ako!" hindi siya nag salita at feeling ko wala na siya sa pinto.
Oh god! What should I do now?! Hindi ako pwede lumabas ng may tagos ako! "Kylie open the door." napatingin ako sa pinto ng C.R tapos binalik ko yung tingin ko sa short ko. Oh god! Ayoko makita ni Ezekiel na ganito ang itsura ko! "Hey I said open this damn door. No buts! Please." napabuntong hininga nalang ako at nag tago sa likod ng pinto tyaka ko binuksan.
"You look pale. Here, Take off your shorts and change now." tapos siya na ang nag sarado ng pinto. Nakatingin lang ako sa inabot niya sakin. Shorts, t-shirt, towel, napkin, bra and panty. Gosh nakakahiya naman!! Agad akong mag madaling mag linis at nag palit sa loob ng C.R, pag labas ko nakita ko si Ezekiel nakaupo sa harap ng banyo na parang nakabantay. "Anong gusto mo kainin Kylie? May gusto kaba?"
"Wala naman. Salamat ah, mejo nakakahiya sayo." ngumiti lang siya sakin at inakbayan ako. Tinanong niya ako kung pwede daw ba niya suklayan ang buhok ko at pumayag naman ako. Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko dahil sinusunod ko lang yung gusto ko kahit nag pipigil ako dahil baka kung ano ang isipin ni Ellie samin dalawa ni Ezekiel. "Wait lang may gagawin lang ako basta ako ang mag susuklay ng buhok mo."
"That's my girl." sabi niya nung tumango lang ako sa sinabi niya tyaka siya nag mamadaling umalis. Mga ilang minuto pa siyang hindi bumabalik kaya tumingin muna ako sa garden. Sila Elida naman at ang iba bumibili ng gagamitin bukas para sa birthday niya. "San kaba galing?" tanong ko kay Ezekiel nung dumating siya na may dalang suklay.
Biglang ngumiti ng nakakaloko si Ezekiel sakin. "Nilabahan ko yung shorts and undies mo." nanlaki ang mata ko at naalala ko na nakalimutan ko sa CR yung gamit ko!!
Oh god! This is really embarrassing! Damn it! Eat me now Earth!
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...