Chapter 15: Questions

168 12 2
                                    

"We're goin' to batangas! We're goin' to batangas......" I'm so happy! Pupunta kami batangas! Sabi sakin ni Ezekiel pupunta daw kami ng Batangas para mag relax ulit at ipag patuloy ang Vacation namin.


Sa totoo lang hindi ako umuuwi samin dahil nag karon ako ng promise sa sarili ko at kay Ezekiel. 'I won't leave you Ezekiel' yan ang sinabi ko sa kanya kasi nag alangan siya na uuwi na ako after na concert.


Umalis si Ezekiel may bibilhin lang daw siya at may pupuntahan daw siyang tao na kailangan niya makausap. Hmmmm pumasok ako sa kwarto ni Ezekiel at amoy na amoy ko ang bango ng pabango niya.


Wow!!!


Tinignan ko ang kabuoan ng kwarto ni Ezekiel. Maganda siya nag lalaro lang sa dalawang kulay ang kwarto niya black and white. Nag iikot ikot ako sa kwarto niya hanggang nasagi ko yung basurahan niya.


Full of crumpled papers?


Pinulot ko yung isa.....Is this a letter? If this is a letter then why is it crumpled?


To My dearest Ellie,

How are you? I miss you so much! How's my Ellie? Are you okay now? I saw you with him and it seems like you're happy with him. Nasaktan ako dahil bumalik ako para sayo but It was too late, you already have new one. Nakatingin lang ako sa malayo hindi kita malapita kasi masaya kana. But Ellie I'm always here If you needed me just call my name even though it's impossible. Gusto kitang higitin sa kanya at sabihin AKIN KA pero hindi ko kaya dahil alam ko na hindi tama at itutulak mo lang ako palayo. Gusto ko na lumayo pero di ko kaya lalo na nung..


Hindi ko natuloy yung binabasa ko ng marinig ko na may kumakatok sa labas. Agad kong niligpit lahat ng papel at inayos ang basurahan ng kwarto ni Ezekiel.


Kailan pa kaya yung letter na yun? Bakit hindi niya ibigay kay Ellie? Madami akong katanungan sa isip ko pero hindi ko kayang sagutin. "Why you took so long?"


"Ah eh hehe ano kasi nasa C.R ako?" kumot yung nuo niya na parang nakakahalata na may tinatago ako sa kanya. "Are you hiding something Kylie?"


"AH!! None!! I'm just checking your unit!" he move closer to me! Omyghad!! "Hmmm you're lying, well anyways let's go." mejo nakakinga ako ng maayos dahil sa pag wala niyang bahala sa mga sinabi ko. Tinignan ko yung pinto ng kwarto niya gusto ko tumakbo sa loob at basahin yun letter.


"Errr ano Ezekiel kain muna tayo bago tayo umalis mejo malayo ang batangas."


"Mukha ka talagang pag kain. Anong akala mo hindi tayo mag stop pag nagugutom na tayo? Hayss Kylie wag kang mag alala may binili akong Mcdo, Krispy Kreme, Pizza at burgers andun sa kotse." parang gusto ko mag tatalon sa tuwa dahil andaming pag kain na binili niya. Pero swempre di ko pinakita dahil nakakahiya sabihin niya patay gutom ako mag away nanaman kami.


Tinignan ko yung cellphone ko naka ilang missed calls na sakin ang mga friends ko pero wala pa din tawag ang parents or kapatid ko. Weird.


Tinignan ko si Ezekiel habang nag mamaneho ulit siya. Minsan nakakapag taka na andami kong natanong sa sarili ko na hindi ko kayang masagot. Nung pumasok ako sa kwarto ni Ezekiel bago ako lumabas may picture sa side table niya pero hindi ko makita dahil sa reflection ng liwag galing sa labas.


Curious talaga ako sa mga gamit ni Ezekiel ewan ko kung bakit. Simula ng mag kasama kami ni Ezekiel kahit kailan hindi ako nakarinig ng kahit ano sa magulang ko.


"Ezekiel kilala mo ba ang parents ko?"


"Ha!? Amm hindi." tinignan ko siya nakatingin lang siya sa daan at kalmado. Nag kibit balikat nalang ako siguro hindi niya nga kilala. Bakit hindi ko nalang kaya tawagan sila Mama?


"Hello Mama?"


[ ANAK!!! Honeyyyyy at kayo lumapit kayo tumawag si Kylie!!" ]


"Hello Mama tumawag lang ako para ipaalam na okay lang ako. May kasama ako lalaki pero wait don't freak out! He's a nice guy and he takes care of me."


[ Is that so, When will you go home? ]


Bakit ganon ka kalmado sina Mama? Narinig ko pa na nag tatawanan sina Papa? Hindi pa sila nag aalala sakin? Oh god!


"After 30 days mama. Yan ang promise ko kay kuya. Osige mama nasa byahe kami pupunta kaming batangas. Bye mama iloveyou all."


Huminga ako ng malalim hindi pa din masagot ang mga tanong sa isip ko. Kilala ko sina Mama lalo na sina Papa at mga kapatid ko matataranta sila pag nawawala ako. Tinignan ko ulit si Ezekiel habang pinag mamasadam ko siya iba ang kutob ko sa nangyayari.


"Yes?"


"Ah wala." sabay tingin sa bintana ng sasakyan, binabagabag nanaman ako hindi maganda ang feeling ko pag nakakaramdam ako ng ganito. "Ezekiel-----"


"Kylie wala akong alam kung ano ang mga iniisip mo ngayon."


"Bakit defensive ka?!"


"Teka nga lang. Bakit ba kylie? Ano nanaman ang problema mo ngayon?!" ayoko nalang siya pansinin dahil mag aaway nanaman kami at mag sigawan nanaman kahit wala naman patutunguhan yung away namin.


"Sometimes all you need is to trust yourself."


"Alam mo Ezekiel ang mysterious mo naguguluhan ako sayo." bigla siyang tumawa ng mahina at tinignan ako. "Hindi ako mysterious may mga bagay lang talaga na hindi ko pwede sabihin sayo."


May mga bagay na hindi mo pwede sabihin sakin? Like what?

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon