Chapter 40: FOUR DAYS LEFT

142 10 0
                                    

"Kylie two days mo na akong hindi kinakausap ah." sabi ni Ezekiel habang nasa tabi ko siya. Hindi ko siya pinapansin simula nung birthday ni Elida at yung kahapon. Pinag patuloy ko yung pag babasa ng book. Ayoko siya kausapin baka kasi kung ano lang ang masabi ko.


Tell the truth......


Pati ba naman yung book na binabasa ko may ganito pa?! Huminga ako ng malalim at sinara ang librong binabasa ko. "Hindi naman eh. Alam mo dami mo kasing alam Ezekiel eh." tinignan ko siya ng seryoso. Nag iinit talaga ang ulo ko sa kanya! Nakikita ko palang yung mukha niya parang gusto ko siyang sipain sa mukha!


"What the?! Bakit mo ako hinampas ng libro!?" nakatayo siya sa harapan ko kaya pinantayan ko siya. "Umalis ka nga sa harap ko! Nakakapikon yan mukha eh!! Alis!!" sabay palo ng libro sa braso niya, pero nakuha niya yung libro at sinandal ako sa pader habag nanggagalaiti sa inis, siguro sakin diba? Duh! "What the hell is your problem?!" I pushed him to free myself in his damn arms!!


"Let me go you moron! My problem? HA! My problem is your ugly face!" He pinned me against the wall and cornered me. I tried to push him away but he's so strong! "Seriously?! Kylie try to push me again and I swear I won't hesistate to kiss your damn pink lips!!!" I punch his stomach! Maniac Caveman!!!


"You maniac!! Don't touch me!! I hate you!!!" I run as fast as I could to escape him. Pero hindi pa ako nakakalayo nahawakan niya na agad ang bewang ko at buhat ako. "Ibaba mo nga ako!! Ano ba?!!!! Nakakainis kana Ezekiel ah! Pabayaan mo nga muna ako! Nakakapikon kana!!" para siyang walang naririnig at tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad habang nag pupumilit bumaba pero sobrang lakas niya. Ako ata ang mang hihina sa ginagawa niya sakin.


Bigla niya akong binaba at tinulak sa isang pinto kaya napapasok agad ako sa loob. Pag tingin ko sa stock room?!! Lintek ka talaga Ezekiel! May balak ata siyang ikulong ako dito!! Pero nag kamali ako dahil kahit siya nasa loob at nilock ang pinto?!! "Ano ba ang gusto mo Ezekiel ah?! Bakit mo ako dinala dito?!" agad siya lumapit sakit at kinulong nanaman ako sa mga bisig niya. Lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko habang nakatingin siya sakin ng deretsyo.


"Alam mo ikaw Kylie kahit sumasakit ang ulo ko sayo at nakakainis ka minsan naalis agad eh." umiwas ako ng tingin at nag taray sa kanya. Tinulak ko siya at lumabas ng stock room dahil mainit na nga dumadagdag pa ang init ng may menstruation! Pag bukas ko ng pinto nagulat ako ng biglang may sumigaw ng 'ouch' pag tingin ko sina Russel nasa likod ng pinto habang hawak yung ilong niya.


Tsismoso ka kasing lalaki ka eh! Ayan ang napapala mo!


"Russel what the hell you guys doing here?!" nag turuan pa sila pero hindi na ako nag abala pa at umalis na ako sa harap nila dahil nasusura talaga ako sa mukha ni Ezekiel. Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad at nakita ko si Kuya Ian mukhang sinundo si Elida, hindi na ako nag abala pa na tawagin silang dalawa. Andito pa ako sa bahay ng mga Madrid's dahil request ni Elida at ng iba kay Kuya Ian balak kasi namin sa Unit ko nalang ako tumira pero dahil girlfriend naman ni Kuya si Elida pinag bigyan niya ito.


"Hoy!! Hindi pa tayo tapos!" uminit nanaman ang ulo ko ng malaman ko na nakasunod sakin si Ezekiel. Mas binilisan ko ang pag lalakad ko, pero nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko sobrang higpit at yung mukha niya nabaon sa leeg ko kaya parang kinilabutan ako.


Naramdam ako ng parang kami lang dalawa ang tao at sa puso ko parang may biglang nag play sa music na ako lang ang nakakarinig. Yung kabog ng puso ko hindi ko maipaliwanag, bawat kabog nito kasabay ng mainit niyang yakap na tinatanggap ng katawanan ko. Mas naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sakin, amoy na amoy ko yung pabango niya, yung mga muscles niya na sobrang dikit sa katawan at braso ko.


"May nagawa ba akong mali Kylie para kainisan mo ako ng sobra? Sorry." hinahayaan ko lang na nakayakap siya sakin habang ako naka tayo walang habang hindi makakilos kasi parang gusto ko din na ganito lang kaming dalawa. No!!! Mali ito!!


"Hayaan mo lang ako na yakapin ka Kylie dahil alam ko na talo na ako. Sa pag kakataon na ito please hayaan mo akong yakapin ka ng mahigpit para maramdaman kita ulit. Kylie, gusto ko lang sabihin sayo na I'm thankful enough because I can hug you this tight, you know what? I'm happy when I with you. I really want you to be my vacation buddy. Pero mukhang malabo na yun. Kylie, gusto ko kahit matapos na ang 30 days vacation wag mo ako kailamutan. Always remember my name I'm Ezekiel Madrid please kylie."


Kasabay ng pag halik niya sa pisnge ko at umalis papalayo sakin. Lumingon ako sa kanya at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon